Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong nararamdaman?Paano mo haharapin ang katotohanang ang taong labis mong mahal ay hindi ikaw ang kailangan? Aatimin mo bang paulit -ulit na masaktan? Maibibigay mo ba ang kapatawaran?
Habang nagmamaneho si Evan ay patuloy pa rin na naglalaro sa isipan niya ang ginawang pag-alis ni Mandy. Hindi niya sukat akalain na basta na lamang ito aalis. May kung anong bigat sa kanyang damdamin na hindi niya maipaliwanag. Makikita na tila nilalamon siya ng damdaming ito.Matagal na rin niyang pinag iisipan na tapusin ang bigkis na nag uugnay sa kanilang dalawa ni Mandy ng sa gayon ay tuluyan na silang maging malaya ni Aaliyah, ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari. Hindi niya ito lubusang napaghandaan. Kaakibat nito ang mga damdamin ng mga taong nakapaligid sa kanila lalo na ng kanilang mga pamilya. Makikita ang pagkaaburido sa mukha niya. Pinuntahan niya yung mga lugar na maaring puntahan ni Mandy ngunit hindi niya ito nakita doon. Hanggang sa napagpasyahan niyang puntahan yung bahay ni Lia.
Nang marating niya ang bahay nito ay agad siyang bumaba. Pinindot niya yung doorbell. Maya maya pa ay lumabas naman si Lia. Nagulat siya ng makita niya si Evan.
"Anong ginagawa mo dito?"agad niyang bungad kay Evan.
"Lia...gusto ko sanang makausap si Mandy?"
"Wala dito si Mandy...tsaka pwede ba hayaan mo na nga yung kaibigan ko...hindi ba ito naman talaga yung gusto mo na mangyari? Ito na yun oh...Ibinigay na niya sayo yung kalayaan na matagal mo ng gusto tsaka para saan pa na kakausapin mo siya?If I know sa nangyari na ito eh ikaw at tsaka yung kirida mo yung pinakamasaya."galit na sambit ni Lia
"Anong ibig mong sabihin Lia?"
"Anong ibig kong sabihin Evan?!Alam mo Evan kung ano yung sinasabi ko...anong akala mo sa kaibigan ko tanga tangahan at habang buhay na bulag bulagan lang? FYI alam ni Mandy yung tungkol sayo at sa kabit mo...ni hindi ko alam Evan kung paano mo naaatim na saktan ng ganito yung kaibigan ko...sabagay magtataka pa ba ako...eh simula't sapul pa lang naman ng pagsasama ninyo... ikinunsidera mo man lang ba kahit minsan yung damdamin niya?kung ano yung mararamdaman niya? Hindi ko nga alam kung bakit nagawa niyang magtiis ng halos dalawa't kalahating taon...siguro nga ganoon ka niya kamahal...na pati sa pagbibigay ng kalayaan mo hindi ka niya nagawa man lang na pahirapan...kaya tigilan mo na si Mandy...dahil sobra sobra na yung pinagdaanan niya."galit na sambit ni Lia
MANDY'S IG Story
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Natigilan naman si Evan dahil sa mga sinabi ni Lia sa kanya. "Ano Evan?!kala mo ba hindi niya malalaman? Akala mo ba eh ganoon kayo kagaling magtago ng sikreto ng haliparot at napakalandi mong boss? Anong inaakala mo kay Mandy? Sobrang nakakabilib nga eh...wala na talaga akong masabi... yung kahit simpleng paglabas lang ni hindi mo nagawang ayain man lang yung kaibigan ko... ni kahit minsan ...Ah oo nga pala maliban na lang pala kung parte ng pagpapanggap mo sa harapan ng pamilya mo! tapos itong kabit mo...wow!grabe talaga! nagawa ninyo pang magpakasaya sa New York at mukhang enjoy na enjoy pa kayo... samantalang yung kaibigan ko halos di makatulog sa pag-aalala sayo...kung safe ba na naka-landing yung sinasakyan mong eroplano... yun pala eh ligayang ligaya ka na...na naka-landing sa kandungan ng iba.. Ibang klase talaga...kaya naman ngayon kahit saan ka pa mag-landing at kahit saan pa kayo magpasirko-sirko ng malandi mong kabit wala ng pakialam si Mandy sa inyo!..magsama kayo ng kabit mong makati pa sa higad...at tigilan mo na yung kaibigan ko...at pwede ba umalis ka na!tantanan mo na yung bestfriend ko!"gigil na gigil na sambit ni Lia.