CHAPTER 3

75 5 3
                                    

THEIR HOME

Pagbaba ni Evan ng kotse ay agad siyang dumiretso sa loob ng kanilang bahay bitbit niya yung mga grocery items na pinamili niya na nakalagay sa malaking brown paper bag.Nadatnan niya na nakaayos na yung hapunan sa mesa na nasa dining room. Merong tig dalawang plato at baso na nakapatong sa ibabaw nito. Nang pumunta siya sa kitchen ay nadatnan naman niya doon si Mandy.

Ipinatong naman niya yung dala niya sa may mesa sa kitchen.

"Nandiyan ka na pala...malapit na itong maluto kung nagugutom ka pwede ka ng maunang kumain may pagkain na doon tinatapos ko lang itong huling nakasalang."sambit ni Mandy

"Kumain na ako sa labas."matipid nitong sambit

"Ganoon ba?"agad namang tugon ni Mandy sa kanya pagkatapos ay nilapitan nito yung paper bag na dala ni Evan. Isa isa niyang inilabas mula sa paper bag yung pinamili ni Evan at inilagay niya ang mga ito sa cabinet.

Agad naman na kinuha ni Evan yung Matcha. kumuha siya ng baso at nagtimpla siya nito.

"Umiinom ka pala ng Matcha...di ba mapait yan?"biglang sambit ni Mandy

"Ah...Oo."seryoso at matipid na tugon ni Evan

"Kung magutom ka mamaya...magtatabi ako ng ulam...dito sa may container...
ire-heat mo na lang tapos may kanin din sa may rice cooker."sambit ni Mandy

Ilang saglit pa ay umakyat na ng kwarto niya si Evan. Naiwan naman si Mandy sa kusina. Agad niyang inihubad yung apron na suot- suot niya. Pumunta siya ng dining area at agad na iniligpit  niya yung

plato at iba pang gamit na naroroon. Iniwan lamang niya yung plato at baso na gagamitin niya. Makikita yung pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.

 Makikita yung pangingilid ng luha sa kanyang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bakit Nga Ba Mahal Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon