"Bro kumusta yung family dinner ninyo kagabi?"tanong ni Marky.
"Okay naman...katulad pa rin ng dati bro yung set up naming dalawa ni Mandy kapag nandiyan ang lolo at mga magulang ko."tugon nito
Maya maya pa inihubad ni Evan yung wedding ring na suot suot niya at inilagay niya iyon sa bulsa ng bag na dala niya.
"Hindi mo na ba talaga siya matututunang mahalin bro?mabait at maganda si Mandy...isa pa mahal na mahal ka noong tao tsaka may pinagsamahan naman kayo di ba?...di naman siguro masama kung bibigyan mo ng chance na maging mas maayos yung pagsasama ninyo ng asawa mo...payong bestfriend lang bro."sambit ni Marky
"Bro...ayokong lokohin yung sarili ko...ayokong ipilit yung bagay na hindi ko nararamdaman."
tugon ni Evan sa kaibigan niya."Tsaka di ba alam mo naman bro yung totoo at kung ano talaga yung nangyari?"seryosong tugon niya sa kaibigan niya
"So hanggang ngayon pakiramdam mo eh si Mandy pa rin yung dahilan kung bakit nangyari yung lahat ng mga nangyari noon...kung hindi ka natali sa kanya edi sana nagagawa mo yung lahat ng gusto mo at naabot mo na sana yung mga pangarap mo at kasama mo pa din si Ava hanggang ngayon na sana ay nagkabalikan kayo ng ex mo?bro ipapaalala ko lang yung nangyari noon ginusto mo din yun...hindi lang naman si Mandy may kagustuhan noon."tugon ni Marky.
"Tsaka bro sa loob ng dalawa at kalahating taon na pagsasama ninyo ng asawa mo wala naman siyang ipinakita na mali sayo di ba?tama ba?"muling tanong ni Marky
Natahimik naman si Evan. Pagkatapos ay umiling.
"Bro...sa loob ng mga taon na magkasama kayo...kahit ganoon yung pagtrato mo sa kanya...wala kang narinig sa kanya...siguro ganoon ka nga niya siguro kamahal...kaya bro mag isip -isip ka sa mga ginagawa mo."muling sambit ni Marky
"Anong ibig mong sabihin bro."tanong ni Evan
"Alam mo bro...kung anong ibig kong sabihin."tugon ng kaibigan nito
"Isa pa nakita ko yung IGs mo kagabi...huwag mo namang iparamdam kay Mandy na sakal na sakal ka na sa pagsasama ninyo...na gustong gusto mo ng makawala sa kanya...isipin mo naman yung mararamdaman niya bro..huwag mo namang iparamdam ng sobra sa kanya na napipilitan ka lang at isa pa tigilan mo na yung pananakit sa kalooban niya para lang mapilitan siyang makipaghiwalay sayo...kung gusto mo talaga na mangyari yun at makipaghiwalay sa kanya bro... be man enough...ikaw ang magpaliwanag at magsabi sa lolo Frederick mo at mga magulang mo sa kung ano yung totoo...kaibigan kita kaya pinapayuhan kita nasa sayo na bro kung magalit ka sa akin...ayoko ko lang na umabot sa punto na sobrang daming tao yung masasaktan...isa pa hindi deserve ng asawa mo na masaktan ng ganito nakita ko kung paano ka niya mahalin."dagdag na sambit ni Marky.
"Bro alam mo naman yung sitwasyon di ba? Sa tingin mo ba...ganoon na lang kadali yun? Tsaka mas matatanggap nila kung si Mandy yung magdedesisyon."muling sambit ni Evan
"Basta bro...tandaan mo na hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo...Ang akin lang pag isipan mo ng mabuti yung lahat."tugon ni Marky
Muli namang natahimik si Evan. Maya maya pa ay tumunog ang phone niya. Agad naman niya itong sinagot.
"Sige ma'am pupunta ako diyan."agad nitong sambit
"May bagong project na naman ba kayo ni ma'am Aliyah?"sambit ni Max na kadarating lamang.
"Oo...may mga bagong client daw at gusto niyang idiscuss yung tungkol sa project na gagawin."tugon nito
"Ganun ba bro? Okay mamaya ko na lang ipapakita sayo yung ginawa kong mga designs. Sigurado matatagalan kayo at madami kayong pag uusapan"tugon ni Max
"Sige mga bro...maiwan ko muna kayo...tatawagan na lang kita Max pagnatapos na yung meeting namin."paalam nito
Napalingon na lamang si Marky sa kanya. Samantalang si Max ay naupo naman sa kabilang table at nag - usap sila ni Marky.
AFTER TWO DAYS
"Oh apo...bakit napasyal ka?"nabiglang sambit ng lolo ni Evan ng makita niya ito.
Makikita naman na tila seryoso yung mukha ni Evan at tila natigilan ito.
"Okay ka lang ba apo?may problema ba? Bakit bigla kang napasyal dito?may problema ba kayo ni Mandy?"muling tanong nito na tila nagtataka at nag aalala.
"Dad...masyado na naman kayong nag-aalala...yung puso mo."sabat ni Carina na nakatayo malapit sa kanila.
"Alam mo naman Evan yung lolo mo mahal na mahal yang si Mandy kaya ganyan mag-alala...naalala na naman niya yung dati ng medyo magkatampuhan kayo ni Mandy noon. Buti napasyal ka anak." Muling sambit at tanong ni Carina
"Kasi mama...ipapakita..ko sana kay lolo yung floor plan...manghihingi sana ako ng suggestion kay lolo kung okay ba yung ginawa ko para sa mga bagong client."tugon ni Evan.
"Eh nasaan yung floor plan na ipapakita mo apo?"nagtatakang sambit ni Frederick
Tila lito naman si Evan.
"Na..iwan ko po sa sasakyan...pasensya na lolo medyo napuyat po kasi ako...tsaka halos dalawang araw na po na busy sa trabaho...kukunin ko lang po saglit sa sasakyan yung floor plan"tugon nito"Sige apo...hintayin ka na lang namin ng mama mo sa loob ng bahay."agad naman na tugon ni Frederick
Nang marating ni Evan yung kotse ay makikita yung frustration niya. Agad naman niyang kinuha yung floor plan...mabuti na lamang at hindi niya iyon iniwan sa opisina.
Agad naman siyang bumalik para makausap ang lolo Frederick niya at ipinakita nito yung floor plan sa lolo niya. Madami silang napag usapan tungkol rito.
"Apo...naalala ko pala..di ba nabanggit mo na mag-a -out of town kayo ni Mandy...naisip namin ng mama at dad mo na sumama...madalang lang naman kasi na mamasyal tayo na magkakasama."sambit nito
"Naku Evan...sinabihan na nga namin ng dad mo yang lolo mo na na huwag na at baka makaistorbo kami sa inyo ni Mandy...kaso yang lolo mo mapilit...matagal na din daw kasi noong huli na mamasyal tayo ng magkakasama."sabat ni Carina
"Okay lang mama...isa pa mukhang masaya nga iyon...siguradong matutuwa si Mandy."tugon ni Evan.
"Saan ba tayo pupunta?"muling tanong ni Frederick
"Sa Baguio lolo..."tugon ni Evan
"Okay...sabihin mo saan sa Baguio ako na ang bahala sa lahat...yung dapat na gagastusin ninyo ay itabi na lang ninyo para sa savings ninyong mag-asawa"sambit ni Frederick
"Thank you lolo."tugon ni Evan sa kanya
"At mukhang malapit ko ng masilayan yung apo ko sa tuhod na made in Baguio."birong sambit nito.
"Pero lolo baka instead na Wednesday next week yung out of town maging Friday na pi...kasi biglaang may out of the country kami. Mga Three days din kami sa New York ipapadala kami doon para sa workshop..."sambit ni Evan sa lolo niya.
"Ah ganoon ba apo?paano pala si Mandy wala siyang kasama sa bahay ninyo?"tanong ni Frederick
"Nag usap na po kami sabi po niya uuwi muna siya sa mama niya...bale sa Thursday ng gabi na yung balik namin pareho sa bahay."tugon nito
"Okay mabuti na lang at uuwi siya...mahirap kasi na maiwan siya sa bahay ninyo ng mag-isa at walang kasama...iba pa naman yung panahon ngayon maraming masasamang loob."
tugon nito
![](https://img.wattpad.com/cover/269259687-288-k613440.jpg)
BINABASA MO ANG
Bakit Nga Ba Mahal Kita?
RomanceHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong nararamdaman?Paano mo haharapin ang katotohanang ang taong labis mong mahal ay hindi ikaw ang kailangan? Aatimin mo bang paulit -ulit na masaktan? Maibibigay mo ba ang kapatawaran?