Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong nararamdaman?Paano mo haharapin ang katotohanang ang taong labis mong mahal ay hindi ikaw ang kailangan? Aatimin mo bang paulit -ulit na masaktan? Maibibigay mo ba ang kapatawaran?
"Ito Lia .. kasama ko si ate Mitch nag iikot ikot kami...ikaw kumusta na?" tugon nito
"Ito medyo busy...daming files at documents na dapat ayusin...si ate Mitch kumusta na pakisabi pinakakamusta ko siya."
"Lia saglit lang gusto ka daw makausap ni Ate Mitch...iaabot ko sa kanya yung phone."tugon ni Mandy
Maya maya pa ay binati siya ni Mitch
"Hello Lia...kumusta na?"masaya nitong tugon
"Ito ate medyo busy madaming files at documents na inaayos...kumusta na? at kumusta si Mandy ate... okay na ba siya?"
"Ok naman ako Lia...heto medyo ok na siya...pumunta siya sa may wash room ngayon...kanina nagugutom tapos gusto niya nga daw na kumain sa may Japanese Restaurant...Gusto daw niya ng ramen at sushi...kaya inaya ko na mag ikot ikot tapos sabi ko i- try niya yung mga restaurant dito na nag o-offer ng masasarap na pagkain...ang dami niyang gustong kainin kaya ayun ang dami naming naikot at mukhang nalilibang naman siya...at heto... masaya ako na nakikita na gumagaan yung pakiramdam niya...Lia thank you nga pala sa pag-aalaga mo sa cousin ko...naikwento niya na sa akin yung mga nangyari... salamat kasi nung time na sobrang down siya ikaw yung nandiyan para sa kanya."sambit ni Mitch.
"Wala yun ate...mabait na kaibigan si Mandy isa pa ...para saan na magbestfriend kami if hindi kami magtutulungan at magdadamayan at masaya ako ate na marinig na kahit papaano ay nagiging okay na siya...okay din talaga na nagdecide siya na pumunta diyan sa Washington ...yang lugar na malayo mula dito....malayo...sa gulo malayo sa mga bad memories...at doon sa mga ano...alam mo na ate."tugon ni Lia
"Tama ka...para makapagsimula siya ulit...alam ko in time malalagpasan niya rin lahat ng ito...magiging okay din yung lahat...di nga lang ganoon kadali at kabilis yung proseso...basta ang mahalaga ay mapagtagumpayan niya yung lahat ng pagsubok na ito."muling sambit ni Mitch.
"Oo ate ...matibay yang kaibigan ko na yan madami na yang pinagdaanan kaya di yan basta magigiba na lang...babangon at babangon yan."
"Ma'am Lia excuse me po...may dumating po na client."sambit ng secretary nito mula sa kabilang linya
"Ate Mitch...I need to go may dumating na client tatawag na lang ako ulit...bye ate."paalam ni Lia kay Mitch
"Okay lang Lia...naiintindihan ko alam kong super busy ka din...basta kapag may free time ka.. tumawag ka lang... ingat ka diyan palagi sa Pinas...bye."tugon naman ni Mitch
"Thank you ate Mitch...ingat kayo palagi ni Mandy...ikaw na yung bahala sa bestfriend ko...bye ate."
Sambit nito pagkatapos ay naputol na yung linya.
--------MANDY'S IGS ---------
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.