CHAPTER 10

101 7 2
                                    

AFTER TWO MONTHS

Makikita ang pagkatok nila Max at Marky sa pintuan ng bahay ni Evan. Ilang saglit pa ay pinagbuksan naman niya ng pinto ang mga ito.

"Bro...buti napadaan kayo?" Gulat na sambit nito sa mga kaibigan niya

"May pinuntahan kasi kami ni Marky na malapit dito kaya naisipan namin na puntahan ka tsaka matagal na din kasi kaming di nakakapasyal dito sa bahay ninyo."sambit ni Max. Nahalata naman nila na nakainom si Evan dahil amoy alak ito.

"Tuloy kayo bro."sambit nito sa mga kaibigan niya.Agad namang napansin nila Marky at Max yung mga bote ng beer sa may mini table. Nagkatinginan na lamang sila.

"Naghapunan na ba kayo mga bro?...ipagluluto ko kayo."agad niyang sambit sa mga kaibigan niya.

"Oo bro...naghapunan na kami ni Max bago kami dumiretso dito...bro parang napapadalas ata yung pag inom mo?"tugon at tanong naman ni Marky sa kanya.

"Hindi naman bro...minsan kasi kapag sobrang pagod ako...at kapag hindi ako makatulog at gusto kong mabilis na antukin at makapagpahinga umiinom muna ako ng iilang bote."tugon nito.

"Ganoon ba bro...naalala ko kasi dati parang ganito ka din ng ikasal kayo ni Mandy."sambit ni Marky tila natigilan naman si Evan dahil sa sinabi nito.

"Beer bro gusto ninyo ba?Saglit lang kukuha ako ng yelo."tugon niya sa mga kaibigan niya.

"Sige bro...wala namang pasok bukas kaya okay lang na uminom. Matagal na rin ng huling uminom tayong magkakaibigan."
tugon ni Marky.

Maya maya pa ay lumapit siya sa mga ito at ipinagbuhos niya sila ng beer sa baso.

"Kumusta pala bro... nakausap mo na ba yung parents mo at si lolo Frederick?"
tanong ni Max.

"Hindi bro...hindi ko pa sila nakakausap...
galit sila sa akin lalong lalo na si lolo Frederick."sambit nito pagkatapos ay ininom nito ng diretso yung isang baso ng beer.

"Kumusta kayo ni Aaliyah?"tanong ni Max.

"Okay kami."seryoso nitong sambit pagkatapos ay ininom nito yung alak sa basong hawak niya.

"Ikaw ba bro...okay ka ba talaga?"tanong ni Marky sa kanya.Di naman ito nakasagot. Pagkatapos ay muli nitong ininom yung alak na ibinuhos siya sa baso. Makalipas ang ilang oras ay naparami na yung inom nila.

"Bro huwag ka sanang magagalit pero iba kasi yung napapansin ko... masaya ka ba talaga kay Aaliyah?mahal mo ba talaga siya ?kasi simula ng umalis si Mandy at nalaman ng parents mo at  ng lolo Frederick mo yung tungkol sa inyo  ni Aaliyah... iba yung napapansin ko...yung pagkawala mo sa focus mo sa trabaho...
yung pagiging iritable mo... at yung napapadalas mong pag inom... tungkol lang ba talaga ito sa gusot mo sa pamilya mo dahil kay Aaliyah?o baka tungkol na ito kay Mandy kaya nagkakaganyan ka?kasi sa lahat ng pinalaya mukhang ikaw  bro yung hindi masaya eh...hindi ba dapat masaya ka kasi malaya na kayo ni Aaliyah?"usisa at lasing na tanong ni Marky sa kanya.

"Evan bro pagpasensiyahan mo na itong si Marky mukhang napadami na yung nainom niya."sambit naman ni Max sa kanya.

Di naman siya nakaimik sa sinabi ng kaibigan niya at nagpatuloy lang siya sa pag inom.

Meanwhile.......

MANDY'S IGS

MANDY'S IGS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bakit Nga Ba Mahal Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon