Alam ko, Oo alam ko na mataba ako
Alam ko na palapad ang hugis ko
Alam mo din sana na hindi ko 'to ginusto.Huwag sanang mapanghusga na pag tumaba buntis na,
Huwag ka naman ganun manghusga,
wala naman akong batang dinadala..Ang iba talaga ay nagmamalasakit,
Ang iba naman ay gusto lang makasakit,
Kaya tama na kakasabi na ako'y mataba
Kaya ko namang pumayat 'wag ka lang manghusga.Ang totoong kagandahan ay nakikita sa pangkalooban,
Ang totoo pa nga, ang may magandang kalooban ay pangmatagalan
Ang totoong nagmamahal ay hindi bumabase sa panglabas na kaanyuan
Ang totoong nagmamahal ay ipaparamdam sayo ang 'yong kahalagahan.

BINABASA MO ANG
My own poems
PoetryFeelings, love, thoughts and body shaming. This is written as English poem or Tagalog na tula.