Dear self

51 8 0
                                        

Dear self,

Kamusta ka na?
Okay ka lang ba?
Masaya ka pa ba?
Kaya mo pa ba?

Alam kong hindi madali
Mabuhay sa mundong ito na madaming nakatingin
Alam ko ang iyong pighati
Mahirap bumangon kung nahulog ka na sa bangin
Alam kong gusto mong ibalik ang iyong totoong ngiti
Malungkot makulong sa dilim
Alam kong umiiyak ka sa gabi
Malalim ang iyong problema kaya't di mo mapigilan mag isip ng mataimtim.

Natatakot ka maiwan mag isa
Pagod ka na umiyak habang nag iisa
Natatakot ka harapin ang iyong problema
Pagod ka na maghintay kung matatapos pa ba?
Natatakot ka na hindi ka nila maalala
Pagod ka na magpanggap na okay ka pa
Natatakot ka mahusgahan na naman ng iba
Pagod ka na marinig ang kanilang panghuhusga at pangungutya..

Kung ang sarili mo nga, hindi mo maintindihan
Paano ka pa nila maiintindihan?
Kung ang sarili mo nga ang iyong kalaban
Pano ka nila maipaglalaban?

Pasensya ka na
Pasensya ka na
Pasensya ka na kung hindi kita pinahalagahan
Pasensya ka na kung tinanggalan kita ng karapatan
Pasensya ka na kung naging masama ako sayo
Pansesya ka na kung sinisisi ko lahat sayo.

Kaya mo yan!
Kakayanin mo pa yan!
Magiging maayos din ang lahat
Maaayon din sayo ang lahat dahil ikaw ay karapatdapat.

Nagmamahal, Ako.

My own poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon