Kape

48 8 2
                                    

Hinahanap hanap sa umaga
Hinihigop ng paunti unti sa isang tasa
Nakakaadik ang amoy ng kanyang aroma
Nagpapainit sa katawan kapag nag iisa.

Nagkakape na naman ng matapang na timpla,
Habang nagbabakasakaling magising ako sa katotohanang may mahal kang iba.
Nagkakape na naman ng mainit na timpla,
Habang nagbabakasakaling uminit ang gabi kong malamig dahil ikaw ay wala.
Nagkakape na naman nilalasahan ang pait sa bawat higop sa aking tasa,
Habang nagbabakasakaling matabunan ang pait na aking nararamdaman sa iyong pagkawala.

Sana para na lang akong kape, hindi man gusto ng lahat ngunit kapag ito'y iyong nagustuhan, hindi makukumpleto ang iyong araw ng wala ito.
Sana para na lang akong kape, hindi man madali ang pinagdaanan, mahuhubog naman ng panahon ito.
Sana para na lang akong kape, gaano man ito kapait, magdagdag ka lang ng asukal at gatas mapapasaan ba't su'swak din ito sa iyong panlasa.
Sana para na lang akong kape, pwedeng mainit, pwedeng malamig, at pwede ding katamtaman depende na lang sa iyong mood at pagtimpla.

Sa totoo lang naman talaga'y ang gusto ko lang, ako'y iyong magustuhan
Makita mo naman ang aking kahalagahan
Kaya kong maging matapang upang ika'y aking ipaglaban
Kaya lang.. Kaya mo din kaya akong ipaglaban?
Sa totoo lang naman talaga'y ang gusto ko lang, ako'y iyong hagkan
Makita mo naman ang aking pananabik sa iyong katawan
Kaya kapag ikaw ay nanlalamig maalala mo sanang nandito ako para ika'y hagkan
Kaya lang.. Kailan kaya mangyayare yan?


Nagising na ako!
Nagising na nga ako!
Naalala ko nga pala'y hindi ka nagkakape,
Pano mo ko magugustuhan kung iba ang iyong tipo.
Naalala ko nga pala'y ayaw mo ng kape,
Para saan pa ang pangangarap kong maging kape kung ayaw mo din naman dito.
Napagtanto ko, kahit maging ano o sino pa ako o kahit ako'y kape,
Para saan pa kung..
Para sa kanya lang naman nakalaan ang iyong puso.

My own poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon