January 5, 2013

38 0 0
                                    

Ohemgies. 2013 na. Bagong buhay, Shani. AJA!

So, diary. Ewan ko kung pano to sabihin.. Pero masama ang nangyari. Nabubwiset ako sa mundo. Diba, birthday ni Vlad nung ano. Basta, yun. Akala ko makakapagbigay ako ng surprise at ano-ano pang mga eche na napapanood ko sa tv. Haha. Nakakatawa ako. Nakakaawa.

Galing ako sa mall nun. Binilhan ko siua ng gift. Mahal kaya yun. Di ako nakapagbayad ng ilang weeks sa class funds namin. :)) pero ok lang, si Mine kasi ang treasurer.

Nagcecelebrate yung mga barkada niya at invited ako. Ang lakas ko talaga noh? Dahil kay Zenia kasi. :)) so, yun nga. Pagdating ko dun, @@

Yung magaling na best friend ni Vlad na si Gelina ay nagchichismisan kasama mga iba pang barkada. Bigla ko na lang narinig...

"Sana, di niya sirain araw ni VJ. Haaay, birthday pa naman niya."

Aje. At sino naman may gustong sumira sa birthday ni Vlad? Nako2x.

"Huy, wag ka maingay. Baka marinig niya, nako. Patay tao niyan. Siya lang naman naiiba dito."

Haha. Okay. Ako ata pinag-uusapan nila. Or not.

"So what? Class A nga, eh ampanget naman.", sabi ni Gelin at biglang halakhak na lamang ang ekspresyon ng mga kasama niya.

An. Ako nga talaga.

Diba uso magrant sa twitter? Kaya ayun. Tumwitter na lang ako. Ang madama pa niyan, may nakita ako:

@gelin11: Birthday ni bestie ngayon, wag kang panira. Ok?

Wow. POTAto. TT

Umiyak ako. Tinatawag ko si Mine pero hindi ko mareach. Can'tbe reach ba. Naaaah.

Andun si Charles. Bubwisitin lang ako nun kaya di ko na lang siya nilapitan. Umupo na lang ako sa side.

Ganun na na talaga ako kapanget?

Ano ba mali sakin?

"Hoy. Para kang sira jan.", sabi ni Charles.

"Kung gagalawin mo lang ako, umalis ka na lang.", sabi ko.

"Hinde..ano nga? May nakaaway ka?"

"Wala. Alam mo, may tanong ako."

"Ano? About sa quiz? Hindi ko rin.."

"Panget ba ako? Ha Charles? Yung totoo."

"Ha? Ah...oo."

"Great. Umalis ka na nga lang. Wala kang kwenta."

"Pero maganda ka."

Ano daw?! Ang gulo.

"Oo. Panget ka pero maganda ka."

"Wow. Ang cool ng joke natin, ano?"

Tss.

"Basta, di mo maiintindihan."

"So tanga ako, ganun?"

Nag cr ako sandali para punasan luha ko. Naisip ko lang, baka nga crush ko si Charles. Baka.

Pagbalik ko..

"Andito ka lang pala. Nalimutan mo ba yung usapan natin na magkita sa labas? Aino bang.."

Bigla akong nakita ni Mine.

"Oh, Shani. Anong..meron?"

Nagtinginan kami ni Charles.

"Ah wala.", sabay naming sagot.

"Okay?"

"Teka.. Magkasama kayo?"

~sorry. TT happy reading po!

Ang Mundo ng Isang Feeling na StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon