Kadaldan ni Shani ;)
First of all, diary.. Gusto kong magsorry at hindi kita nasulatan for days. Eh syempre busy talaga ako. Ewan ko kung saan ako naging busy.
Ang dami kong kalokohang ginawa kaya di na ako nakasulat dito. Ang bilis ng pangyayari te! Sobra.
Isa-isahin natin kasi wala naman talaga akong mapagsasabihan sa totoong buhay. Hahaha.
Isang araw, iaannounce ko room-to-room yung about sa Science Camp. Tapos, hihihi. Excited nga ako pumasok sa Class C. Pero takot din. Kasi diba.. Yung phone call!
Class C na. Nagulat ako. Sinalubong ako ni Zenia at Vlad sa pintuan. Wth. @@ papasok na sana ako pero hindi na lang. Syet. Tinry ko magtago pero di effective! Hinila ako ni Zenia. Tapos.. Tapos..
"Happy Birthday, Shani!", sabi ni Vlad at nagsmile pa.
Nananaginip ba ako?! Homaygudnes. @@ nagsisigawan yung mga tao. Trending nga talaga ako.
After nun, wala. Tulala lang ako na namumula. Parang imposible kasi.
"Sst. Tama na. Move on!", sabi ni Mine.
"Kontra lang ang peg?", sabi ko.
"Late na tayo noh. Bilisan mo na nga!", sabi niya.
Suus. Pagdating namin sa room, eh wala namang teacher. Pinagalitan lang kami ng guard kasi raw maingay.
Dun lang ako umupo sa seat ko. Booooring, walang kausap. Kaya yun nagsusulat ako ngayon dito sa diary.
"Seryoso ah.", sabi ni Leo.
Eeek. Awkward. Pero friends man to kame. Haha.
"Wala kasi akong magawa eh. Kaya yun.", sabi ko.
"Shani."
"Oh?"
"Crush mo ba siya?"
"Si Vlad? Oo! Obvious ba?!
"Hinde siya. Si Charles."
Huuuuuh? Yikes. Siya yung may gusto sakin. Di ako. Suuus,
"Punny. Punny. Hahahahaha. San mo naman nakuha iyan?", sabi ko na lang.
"Nahahalata ko."
"Okay na. Gawin mo na lang daw yung class entry natin. Dali na.", pinagtutulakan ko na siya. Di ko kasi alam anong sasabihin next eh.
"Ehem", sabi ni Charles nang umupo na siya sa seat niya.
"Tigilan mo nga ako. Tss. Maghahanap ako ng pwede kong itukso sayo. Tandaan mo iyan!"
"Kung may mahanap ka. Hahaha."
"Hala. Ang saya natin ah? Busy ako."
"Yuck? Diary? Seryoso?"
"Baket? Kontra? Magsama kayo ni Mine!"
At umalis na ako.
Paglabas ko sa classroom naabutan ko si Vlad at Niña. Sabay. Wala naman ako right magselos. Pero.. K.
Off limits na lang muna ako. Crush lang naman yun eh. Crush lang. Si Mine lang talaga tong maingay eh. Parang gusto ng ipagsigawan sa mundo. Syet.
Break na. Nakita ko si Ellaine sa may stage na classmate ko na may dalang microphone. Magpapractice raw kasi siya.
Nasabi ko bang isa akong beteranong singer? HAHAHAHA.
Oo nga!
"Peram ako ah.", sabi ko.
"Pero.."
"Hayaan mo na, high iyan.", sabi ni Mine.
"WE COULD BE BEAUTIFUL MIRACLE, UNBELIEVABLE. INSTEAD OF JUST INVISIBLE.", kinantabko yun ng bongga.
Nakita ko na lang mga tao sa iba't ibang floors nagsiksikan na.High talaga ako. Haha. Pero nakakahiya tong moment!
"CONNECTED PALA YUNG MIC SA SPEAKERS?", sigaw ko habang pinagpapawisan!
"Follow me on twitter!", sigaw ko pa.
Homaygad. Baka magfeeler yun si Vlad na para sa kanya to. Feel ko lang gad kumanta. Suus.
Nakakahiya. @@ Trending talaga ako sa school. Huhuhu.
Nagbibihis kami ni Mine sa girls cr. Tapos sa kabilang cubicle narinig namin yung isang girlash kinakanta yung Invisible by T'Swift.
Tapos pagkadaan ko sa hallway, tinatanong ng mga sinu-sino doon kung sino ba raw si Shani Recto. Duhh?!
One and only kaya ako. Tsk.
~sarreh for boring update. Lol. Pero alam kong may kinikilig jan. lol. Sige na. ^^ vote, comment, share. Thanks!
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Isang Feeling na Stalker
Novela JuvenilSi Shani Frances ay isang studyante. Simple lang naman: Feeler na nga siya, eh stalker pa! Ano kayang mangyayari sa love story niya? May silbi kaya kung sisilipin mo ang diary niya?