Ang kadaldalan ni Shani :))
Matagal-tagal din ako di naka sulat sa diary ko. Wala lang, busy eh.
Birthday ko nga pala kahapon. At ang saya-saya ng birthday ko! Kasi, involved si My everloving stinostalk: Vlad Jacinto.
Ganito kasi yun, sa party. Inivite ko yung mga cousins ko. Alam mo na, di ko naman kilala lahat ng cousins ko. Kaya yun, may nakilala akong isa.
"Hello. I'm Zenia.", nakikita ko to siya everyday sa school. Pero di ko inakalang magpinsan pala kami.
"Hi.", sabi ko.
"Happy Birthday nga pala! Class A ka diba? Hiya naman ako!", sabi niya habang tumatawa.
"Thanks. Opo. Heh, wag ka po mahiya! Kayo po?", tanong ko naman.
"Taga Class C ako. Magkabatch lang tayo!", ganun? Sayang po at opo ko. Lol.
Wait. CLASS C? Taga dun si ano.
"Ah, yun naman pala. Kilala mo si Vlad?", bigla kong sabi.
Homaygas. Shunga moment gad yun. @@
"Oo. Barkada ko yun. Ikaw, Shani ah! Crush mo noh?", sabi niya.
"Huh? Hinde. Pag tinanong ba, crush agad?", sabi ko. Defensive mode. Hahahaha.
"Eh kaninong crush? Bat mo tinatanong? Denial!", sabi niya sa akin.
"Oy Shani! Picture2x daw.", biglang dating ni Mine.
"Siya. Siya po yung may crush!", sabi ko kay Zenia habang tinuturo si Mine.
"Naker, Shani. Shunga lang? Kilala ko si Zenia noh! Sabay kami sa Science Org at alam niya rin na wala akong crush!", sabi ni Mine sakin.
Pwede mamatay muna tapos mabuhay lang ulit?? REPUTASYON!
"Gusto mo tawagan natin si Vlad? Kinukulit niya ako kanina kung san daw ako pupunta eh!", sabi niya.
Ho hem. Sana inivite ko na lang. Too late. Kainis. Wrong timing!
"Postpaid iyan siya, Zen. Call mo, dali!", sabi ni Mine. Binabara talaga ako ng babaeng to. Ugh!
At tinawagan nga ni Zenia si Vlad.
"Hello? Jacinto! Greet mo naman tong cousin ko ng Happy Birthday!", sabi ni Zenia.
"Huh? Sure.", narinig kong sabi ng boses.
Binigay na sa akin ni Zenia yung Blackberry ko. Nilagay ko sa tenga ko. Shiz. Kinakabahan ako!
Di tuloy ako nakapagsalita, siguro tomato na ang mukha ko sa pula!
"Happy Birthday", sabi ni Vlad sa akin.
Call ended ko na. Nakakhiya baka ano pang masabi ko.
Buong gabi. Laughtrip talaga. Shunga to si Zenia, ang daming alam na kalokohan. Binablock-mail pa raw ako. Sasabihin niya raw kay Vlad.
Takot ako. HAHAHAHA Pero di iyan. Lol.
Best birthday ko gad yun kagabi ba, promise!
Biro mo? Ang tadhana nga naman oh! Everything happens for a reason na gad.
Ay, nalimutan ko. Nung Friday nga pala, nag advance celebration sa akin yung mga kaklase ko.
Tapos, may ewan na naman akong scene kasama si Charles! @@
Ano, ikwekwento ko ba? Huwag na lang. Sige na lang. Promise mo ah, di ka kikiligin! HAHAHAHA.
Pero, seryoso ako. Ganito yun.
Binibigyan kasi iyan ang celebrant ng isang malaking card tapos lahat may signature dun.
Eh, syempre.. Gusto ko lahat may signature. Alangan naman my kulang diba?
Binilang ko. 28 lang. Eh 30 kami sa room eh. Syempre, minus ako eh dapat may 29 signatures.
Inisa-isa ko gad. Eh ang wala pala, si Charles na siyang seatmate ko pa. Shungahan lang eh!
"Huy, isign mo na. Please?", sabi ko sa kanya.
"Yuck. Nagmamaka-awa ka? Saka, ayaw ko niyan. Ang corny!", sabi niya.
"Nah. Please? Please?", naga beautiful eyes na ako pero di pa rin nagwork.
"Dali na Charles! YOU LOVE ME MAN.", sabi kong bigla.
@_@
"Huh?", tanong niya.
"What? Everybody loves me.", sabi ko na lang.
Kinuha niya bigla yung card sa akin.
"Oo, I LOVE YOU.", sabi niya habang ngumingiti.
"Huh?", sabi ko na naman.
Nabigla rin siya sa tanong ko.
"Sabi mo eveybody loves you. Tapos sinabi ko lang i love you bigla kang nag huh jan. Gulo lang, Frances ah! Sinign ko na oh! Maka-alis na nga. Nako.", parang babae din isang to kung sumagot.
Shunga rin kasi ako eh! Sorry naman. @@
Kailangan talaga silang tatlo yung present sa lahat nf entry? Tsk. Fine!
Si Leo naman, ewan ko. Awkward yung ginawa niya. Gee.
Sinendan niya ako ng mahabang-mahabang text kaya nag some text missing sa cellphone ko.
Di ko na itype. Kapagod kaya! Basta yun. Wala lang akong nafeel.
Awkward kaya. Heartless nga talaaga ako sa mga ganung bagay.
Birthday wish? Secret ko na yun. Baka kasi one day, may magbubukas nitong diary ko at maka alam pa ng wish ko.
Mehe. :p
~ang daming gagawin. @@ sorry talaga late update. :)) thanka sa mabilis na pagdami ng readers ng FNS. Vote, Comment, Share. Salamat!
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Isang Feeling na Stalker
Teen FictionSi Shani Frances ay isang studyante. Simple lang naman: Feeler na nga siya, eh stalker pa! Ano kayang mangyayari sa love story niya? May silbi kaya kung sisilipin mo ang diary niya?