CHAPTER 3 - GLIMPSE

1.8K 53 0
                                    

Tulad nang sinabi ng amo ko, nagtungo ako sa kwarto ng kanilang bunsong anak para gisingin na ito.

Isa sa mababait na employer ang pamilyang Black. Bukod kasi sa maayos na pagpapasweldo, minsa'y nabibiyayaan din ang mga kapatid ko. Pabonus kumbaga. Hindi sila tulad ng iba na hindi makatarungan ang sahod sa tinrabaho mo. May mga ganoon kasi kaya buti na lang at natanggap ako dito bilang baby sitter.

Nginitian ko ang ibang maids sa mansyon. Mababait naman at ka-close ko sila kaya hindi rin ako nahihirapang magtrabaho rito.

"Ang aga mo, Yna ah," bati sakin ni ate Deborah. Anak siya ng mayordoma rito at ilang taon lang ang tanda nito sa akin.

"Kailangan sa buhay," biro ko na siyang ikinatawa nito.

Sumenyas akong mauuna na sa taas. Tumango ito sabay ngumiti.

"Miss ka na ng alaga mo. Noong isang araw pa ako kinukulit non kung kailan ka daw pupunta dito."

At dahil doon ay mas lalo akong ginanahan para sa araw na ito. May kaonting kirot ang ulo ko dahil sa puyat pero sa tuwing iniisip ko kung para saan ang pagtatrabahong ginagawa ko, mawawala na lang ito nang hindi ko namamalayan. It's just that I lived this life with a purpose of giving the best for my siblings. Mas mahal ko sila kaysa sa sarili ko.

Mahinang katok ang ginawa ko nang makarating sa kwarto ni Freah. Binuksan ko ang pinto nang dahan dahan at nakitang tulog pa ang anim na taong gulang na batang babae. Inilibot ko ang paningin sa kwarto at napansin ang kalat nito.

Pumasok ako at sinimulang linisin ang mga laruang nasa matt. There are dresses on her mini sala. Mukhang bago lang ito at hindi pa niya naisusuot. Inilagay ko ang mga iyon sa closet.

Nakaramdam ako ng kaunting lungkot habang pinagmamasdan ang linya ng napakaraming damit.

Magugustuhan siguro ni Yash ang mga ganito. Lagi na lang itong naka short at mahabang tshirt na pinaglumaan ng mga ate niya. Pero kung iisiping bibigyan ko siya nito, hindi ko na lang itutuloy. Mas mahalaga sa akin ang emosyon at pag-iisip ni Yash.

Ayaw ko nang alalahanin pa ang dahilan kung bakit humantong sa ganoon si Yasheen.

"Yaya Lena?" I turned to where the soft, sweet voice came from.

Nakasilip mula sa labas ng walk-in closet si Freah, magulo ang buhok at kinukusot pa ang mga mata. Dinaluhan ko siya at sinuklayan gamit ang mga daliri.

Naningkit pa ang mga mata nito habang pinoproseso ang itsura ko. Nginitian ko siya.

"You're back, Yaya Lena! I mish you!" Tumalon ito at iniyakap ang mga bisig sa bewang ko. Natawa ako sa bahagyang pagiging bulol nito sa S. Susubukan ko nalang ulit turuan ang batang ito sa pagsasalita at pagbabasa.

May private tutor namang kinuha ang mag-asawang Black para kay Freah pero hindi parin ito masyadong natututo. She's spoiled, yes. Knowing na bunso siya kaya alam kong binibigay lahat sa kanya. Pero madalas talagang awayin nito ang tutor niya at tatakbo sa akin para magsumbong.

"Namiss din kita, Freah. Halika sa baba at nang makapag breakfast kana tapos papaliguan kita dahil dadating ang tutor mo maya maya." Tumango siya pero agad ding sumimangot. Sabay kaming bumaba sa kusina habang nag-uusap.

Hawak niya ang kamay ko at patuloy sa pagkukuwento ng mga nangyari sa kanya sa anim na araw na wala ako.

"I hope you shtay here, Yaya Lena. I hate my tutor sho much." Bugnot nitong sabi habang pinaghahandaan ko ng kanyang agahan. Tumawa na lang ako at umiling.

"May sariling bahay si Yaya Lena, Freah. You should be grateful that she's taking good care of you every Saturday." Pumasok sa kusina si Mrs. Black at nginitian kami. She kissed Freah's forehead.

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon