CHAPTER 10 - EMBRACE

1.3K 52 1
                                    

YLLENA

Puno ng sakit kong inilayo ang sarili ko kay papa. Bitbit sa magkabilang kamay ang mga pinamili, umatras kami ni Yash. 

"A-anong sinabi m-mo? Pera? Ha!" pagak akong tumawa sa kabila ng pagtulo ng luha ko. 

"Ang kapal naman ng mukha mong m-magpakita matapos ng ginawa m-mong pang-iiwan, ha? Tapos pera lang ang habo-" mabilis na hinatak ni papa ang braso ko.

"HUWAG KA NANG MAGSALITA! Nasaan ang pera, ha? Nandito ba?" gulat na gulat ako sa biglaan niyang paghatak. Mariin at bumabakat ang bawat daliri.

I cried when he tried to grab my waist. Kinapkapan niya ako, pilit kong inaalis sa hawak niya ang braso ko.

Kinuha niya ang wallet na nasa bulsa ko. Mabilis niyang sinira ang zipper at nang makitang iilang isang daan lang ang nandoon, itinapon niya iyon sa mukha ko. 

"Ang susi ng bahay? Akin na! Alam kong may tinatago kang pera diyan!" 

"Tumig-gil k-ka na, papa! T-tulong!" sigaw ko sa ilang mga kapitbahay na nakatingin lang sa amin.

Walang nangahas na ilayo sa akin si papa. 

"Tumahimik kang puta ka! Nasaan ang susi?!" kinapkapan niya akong muli. Sinangga ko sa mga kamay niya ang mga kahon ng sapatos, hindi ko napansin na nawala na sa likod si Yash. 

"Amaa naa! Wam mo awayin ahnee nooo!" Umiiyak, pilit na nilalayo sa akin si papa. 

Pinilit kong manlaban kay papa. Kung saan-saang bulsa na pumasok ang kamay niya hanggang sa nahanap ang susi.

Tumili si Yash nang marahas na itinulak palayo ni papa. 

"Yasheen!" Agad kong dinaluhan ang kapatid kong matinis nang umiiyak ngayon dahil sa sugat na natamo. 

"Gago ka! Ang kapal ng mukha mo!" 

Hindi ko na alam ang sinasabi ko dahil punong-puno na ako ng galit. Wala akong nagawa.

Pinasok ni papa ang bahay namin at walang pasubaling dinampot ang lahat ng alkansiya at wallet na itinago ko sa kwarto. Lumabas ito at walang lingon lingon sa aming dalawa ni Yasheen. 

"Ayos na ito. Ituloy mo iyang pagpuputa mo nang makinabang naman ako sayo! Babalik ako. Babalikan ko kayo." 

Naglakad na ito palayo habang binibilang ang lahat ng nakuhang pera mula sa amin. Gusto ko siyang habulin at mura-murahin. Awayin at suntukin. Pero hanggang sa isip ko lang ang mga gusto kong gawin!

Agad kong inalalayan papasok si Yasheen sa loob ng bahay. At sinunod kong kunin ang mga gamit na naiwan, maging ang sirang wallet. 

Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Isa-isa kong tinapunan ng masamang tingin ang mga kapitbahay na nakinood lang sa ginawa ni papa. Pare-pareho lang kayong walang kuwenta!

Matagal kong inalo si Yash. Pilit na iniignora ang sariling nararamdaman para unahin ang kapatid. Bakas ng takot sa mga mata ng kapatid ko. 

"Tahan na... shhh... ayos lang si a-ate..." 

Niyakap ko siya at ilang minuto nang tumahan na si Yash. Hindi siya magsasalita.

Mamaya pa siya puwedeng makausap nang maayos dahil sa nangyari. Hinayaan ko muna saglit si Yash at pumunta sa kwarto. Agad akong nanghina. 

Ang lahat ng wallet na pinaglagyan ko ng pera... ang ilang alkansiya na pinagtulungan naming magkakapatid na punuin... nasimot lahat. 

Nahirapan akong huminga at parang tangang napasandal sa pader dahil sa pagod. Nawala na parang bula ang lahat ng pinaghirapan kong ipunin. Nawala nang magpakita bigla si papa matapos ng apat na taong pagkawala. 

The Billionaire's Wild Night | RBS 4 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon