Chapter 7

5K 66 19
                                    

Chapter 7

Sa mansyon ng mga Yap, abalang abala si Simone sa pagtulong kay Manang Gloria para sa Noche Buena.

Excited si Simone na makukumpleto silang mag-anak sa unang pagkakataon.

"Simone, ako na ang bahala dito. Magpahinga ka na muna baka mapagod ka ng sobra." Sabi ni Manang Gloria.

"Okay lang po ako Manang! Gusto kong tumulong sa inyo." Sabi ni Simone. "Tsaka alam nyo ba Manang, excited na ako! Finally we will celebrate Christmas na buo kami." Dagdag nito.

"Oo nga anak! Mabuti naman at naisipan ni Ricardo na iisang tabi muna ang business nya." Pahayag ni Manang Gloria.

"Kaya nga po ako tumutulong sa inyo eh. This is my way of saying thank you to them! No more lonely Christmas anymore." Sabi ni Simone na hindi mawala ang ngiti sa mga labi nito.

Di nagtagal ay natapos na ang kanilang pagluluto.

Nagpaalam muna si Simone kay Manang Gloria na sasaglit kina Ysa upang ihatid ang kanyang regalo. Tutal wala pa naman ang kanyang Mommy at Daddy.

"Merry Christmas po Tita! Si Ysa po?" Bati ni Simone kay Mary Ann na naabutan nyang nagpapahinga ito sa sala nila.

"Oh Simone Merry Christmas din! Halika tuloy ka muna. Tatawagin ko lang si Ysa, nasa kusina eh." Sabi ni Mary Ann.

"Okay lang po Tita! Ako na lang po ang pupunta sa kusina." Sabi ni Simone.

"Ay mabuti pa nga! Sige tumuloy ka na." Sabi ni Mary Ann.

"Salamat po Tita. Eto nga po pala ang Christmas gift ko para sa inyo!" Sabi ni Simone sabay abot ng isang malaking kahon na binalutan ng wrapper.

"Salamat Iha! Di ka na sana nag-abala pa." Sabi ni Mary Ann na inabot ang regalo ni Simone sa kanya.

"Walang anuman po yun Tita! Alam nyo naman po na para ko na din kayong nanay!" Sabi ni Simone.

Maya maya ay pumunta na si Simone sa kusina upang puntahan si Ysa.

"Wow Bes! Ang sarap naman ng hinahanda mo!" Bulalas ni Simone ng makita nya na nagluluto si Ysa ng caldereta.

"Uy Bes anong ginagawa mo dito? Halika upo ka dito." Sabi ni Ysa. "Don't tell me na dito ka mag Noche Buena?" Dagdag nito.

Sa mga nakalipas kasi na Noche Buena ay kina Ysa ito nagcecelebrate. Laging wala kasi ang kanyang magulang.

"Hindi Bes! This time it's different kasi sama sama kaming tatlo!" Sabi ni Simone na kitang kita ang sobrang kaligayahan..

"Wow! Happy ako for you Bes. So bakit ka naparito?" Tanong ni Ysa.

"Dinala ko lang gift ko sa inyo ni Tita Mary Ann! Baka kasi hindi ko na madala bukas." Sabi ni Simone.

"Naks naman! I'm so touched! Salamat Bes!" Sabi ni Ysa matapos tanggapin ang regalo ni Simone.

"Sus wala yun Bes! So paano aalis na din ako baka kasi nandoon na sila Mommy at Daddy eh." Paalam ni Simone.

"Ay Bes sandali lang, may ibibigay din ako sayo. Kala mo ikaw lang ang may regalo ha!" Sabi ni Ysa na tumayo at pumunta sa may Christmas tree nila.

Maya maya ay bumalik na ito at may iniabot na isang paper bag kay Simone.

"Merry Christmas Bes!" Bati ni Ysa na iniabot ang regalo nya.

"Salamat Bes! First gift na natanggap ko this Christmas!" Sabi ni Simone sabay yakap kay Ysa.

"Hala sige na baka gabihin ka pa! Alam ko naman na super excited ka na eh. Kwentuhan mo na lang ako ha?" sabi ni Ysa.

"Oo naman Bes! Salamat ulet and Merry Christmas!" sabi ni Simone.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon