Chapter 15

3.8K 89 32
                                    

Chapter 15

Luha iyon dala ng sari-saring emosyon na kanyang nararamdaman.

Lumapit si Charles kay Simone upang punasan ang luha nito.

"Shhhh... Don't cry! Masisira ang make-up mo!" sabi ni Charles habang pinupunasan ang luha ni Simone gamit ang kamay nito.

"I'm speechless! I can't figure out what do I have to say! This is so perfect, Charles!" sabi ni Simone na garalgal pa ang boses dahil sa pag-iyak nito.

"You don't have to say anything Simone! All of this are for you! All you have to do is to enjoy your party." sabi ni Charles.

Tumango lang si Simone bilang tugon.

"So shall we?" sabi ni Charles sabay lahad ng kanyang kamay upang alalayan si Simone.

Iniabot naman ni Simone ang kanyang kamay Charles at lumakad na sila patungo sa gitna.

Nagsalita na ang Emcee habang naglalakad sila Simone at Charles.

Tumigil sila Charles at Simone sa gitna sabay tugtog ng band para sa kanilang cotillion.

Isa isa ding nagpuntahan sa gitna ang mga kasali.

Nagulat si Simone ng makita nya ang ibang bisita na nagsasayaw na din.

Hinapit ni Charles ang beywang ni Simone upang kunin ang atensyon nito.

Nakita ni Charles ang nagtatanong na tingin ni Simone.

"Yes Simone! We are doing the cotillion now! You know how to do this di ba?" tanong ni Charles sabay ngiti ng ubod ng tamis kay Simone.

"All I know was the step we've dance sa mga party na pinuntahan natin dati." sagot ni Simone.

Ang ibang kasali ay nagfoformation na nakapalibot kina Simone at Charles.

"Exactly! Yun ang mga steps na gagawin natin dito ngayon! So enjoy the dance at akong bahala sayo!" sabi ni Charles.

Kasabay noon ang pagtigil ng tugtug at paghihiwalay nila Simone at Charles. Ang mga kasali naman ay nakapalibot na sa kanilang dalawa.

Yumuko si Charles bilang pagbibigay galang na parang isang prinsesa ang nasa harap niya. 

Yumuko din si Simone bilang pagbibigay galang kay Charles.

Pagkatapos ay inilahad ni Charles ang kanyang kamay upang simulan na ang cotillion.

Tinanggap naman iyon ni Simone at nagsimula ng tumugtug ang banda na nandoon.

Ang mga nakapalibot sa kanila ay nagsimula na ding sumayaw.

Naging maganda at maayos ang takbo ng cotillion.

Napansin ni Charles na parang uneasy si Simone.

"Are you okay?" mahinang tanong ni Charles.

Tumango naman si Simone. "Bakit mo naman natanong yan?" 

"Nanlalamig ka kasi tapos lingon ka pa ng lingon." puna ni Charles.

"Sorry ha! Kinakabahan lang ako! Baka kasi magkamali ako eh sa akin pa naman nakatutok ang tingin ng mga bisita." sabi ni Simone.

"Just relax Simone! Malapit na naman matapos eh." sabi ni Charles.

Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Simone tsaka ito ngumiti kay Charles.

"Yan! That's better! Always wear that smile!" sabi ni Charles.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon