Chapter 2

5.5K 88 21
  • Dedicated kay @FriendsOfK3XUSA
                                    

Chapter 2

Sa mansyon ng mga Yap, unti unti ng nagdadatingan ang mga bisita. 

Sila Simone at Ysa ay nasa kwarto pa nya.

"Hindi pa ba tayo bababa Bes? Mukhang madami ng tao ah!" sabi ni Ysa na nakasilip sa bintana ng kwarto ni Simone.

"Sandali na lang ito Bes!" sabi ni Simone na nakaharap pa sa salamin.

Nakita sya ni Ysa na nakaharap pa din sa salamin.

"Bes, maganda ka na kaya wag kang mag-alala." sabi ni Ysa ng makalapit sya kay Simone.

Suot na nila ang binili nilang damit sa Runway. Isang royal blue haltered a-line dress with sequence accent ang suot ni Simone na humapit sa kanyang hubog ng katawan with matching silver stiletto . Suot din nya ang regalo sa kanya ng Mommy nya noong graduation nya noong high school na heart shape na earrings, bracelet at necklace na napapalibutan ng kumikinang na diamond.

Si Ysa naman ay isang baby pink haltered dress with baby pink stiletto. At kagaya ni Simone, kitang kita din ang hubog ng katawan ni Ysa sa kanyang damit.

Katamtaman lang ang make-up nila na bagay na bagay sa kanilang murang edad.  

"You think so Bes? Ayaw ko lang kasing mapahiya si Mommy sa mga amiga nya!" sabi ni Simone.

"Ano ka ba! You are very pretty Bes! Hindi ka dapat ma-insecure! Kung makikita mo lang yun mga bisita ni Tita Margarita eh nakadamit lang ng magagara kung hindi eh parang hindi anak ng mayayaman." sabi ni Ysa.

"Talaga? Baka kaya sinasabi mo lang yan because we're best friends?" tanong ni Simone.

"Uy hindi ah! I'm telling the truth and nothing but the truth!" sabi ni Ysa.

"Okay! One last look and then bababa na tayo!" sabi ni Simone.

Muling humarap si Simone sa kanyang life-sized mirror at muling sinipat ang sarili.

Umikot ikot at ng matapos ay nagbigay ng isang malalim na buntong hininga.

C'mon Simone! You are pretty! You can do it! Be yourself and have confidence! Aja!

"Tara na Bes!" yaya ni Simone kay Ysa na nauna pa sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Tingnan mo ito at iniwanan pa ako!" sabi ni Ysa na sumunod kay Simone at napapailing lang.

Dahan dahang bumaba si Simone. Ang ibang tao na nasa loob ng mansyon ay napatingin kay Simone habang bumababa. Ang iba ay nagbubulungan pa.

May ilan syang naririnig na usapan.

Who's that girl? I love her dress! Bagay na bagay sa kanya.

She's the only daughter of Mr. and Mrs. Yap! Ang nag-iisang tagapagmana.

Bakit ngayon ko lang sya nakita? Is she from abroad?

Nope! She's studying at De La Salle University. I've heard she's a spoiled brat kaya siguro they kept her out of the limelight.

Napatigil si Simone sa paglalakad matapos nyang marining yun huling sinabi nung babae sa may likuran nya. May kirot syang naramdaman sa puso nya ng marinig nya ang salitang "spoiled brat" mula sa mga taong iyon.

Sumulyap sya ng bahagya sa mga ito at nagbigay ng isang ngiti na ubod ng tamis. Ayaw nyang i-absorb ang anumang narining nya. Gusto nyang maging positibo sa gabing iyon alang-alang sa kanyang magulang.

"Let's go Bes!" sabi ni Ysa ng makita nya na natigilan si Simone. Nakinig din nito ang sinabi nung mga tao na nandoon.

Kaya nagpatuloy sila sa paglakad. Lumabas sila sa garden kung saan nandoon ang karamihan ng mga bisita.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon