Chapter 18

2.4K 61 15
                                    

Chapter 18

Nagulat at napasigaw ang lahat ng nakita ang pagbagsak ni Simone sa pool.

"Simone!" sigaw ni Charles.

Si Megan naman ay bumulalas ng malakas na tawa gayundin ang kanyang mga kasama.

"Shut up Megan!" galit na sigaw ni Charles.

Dali-dali namang lumapit sila Ysa at Harold ng makinig ang sigaw ni Charles.

"Anong nangyari?" tanong ni Ysa.

Hindi nakaimik si Charles ng makitang lumulubog si Simone sa pool. Panay ang kampay ng kamay nito na parang humihingi ng saklolo.

"Help!" sigaw ni Simone na nakainom ng tubig sabay lubog sa pool.

"Oh my God!" sigaw ni Ysa.

"Bes! Help!" sigaw ulit ni Simone ng lumutang ito at makita si Ysa.

Nataranta si Ysa. Ang iba naman ay napatulala lang sa kanila.

Kasabay noon ay lumubog ulit si Simone. 

"Hon, help!" sigaw ni Simone na unti unti ulit lumubog sa ilalim ng pool pero sa pagkakataong iyon ay hindi na ulit ito lumutang.

Napatulala si Charles dahil sa narinig nya mula kay Simone.

She called me Hon!!!

"Charles dalian mo! She can't swim!" sigaw ni Ysa ng makitang hindi na lumutang si Simone.

Doon bumalik ang ulirat ni Charles at walang isang sabi ay tumalon si Charles sa pool gayundin si James na kahit may kalayuan ang kinaroroonan upang saklolohan si Simone.

Sinisid ni Charles at James ang pool. Si Charles ang unang nakakita kay Simone na walang malay dahil sa malapit lang iyon sa pinagbagsakan nito.

Dali dali niya iyong iniahon. Nang makita nila Ysa, Harold at James na walang malay si Simone ay tinulungan nila si Charles.

Agad na ibinaba nila Charles si Simone sa tabi ng pool.

Wala pa din itong malay.

"Do you know how to do the first aid?" tanong ni James.

"I have knowledge naman and I will do my best to save her so don't you worry James!" sagot ni Charles na may paninindigan.

Inilapit ni Charles ang kanyang tenga sa bibig ni Simone upang pakinggan kung humihinga ito.

Nang wala syang makinig ay pinakiramdaman nya ang pulso ni Simone.

Wala ding pulso na maramdaman si Charles kaya gagawin na nya ang CPR.

Inilagay nya ang kanyang kamay sa may parte ng dibdib ni Simone at nag-pump ito ng 3 beses. Matapos ay pinakinggan ulit kung may hininga na si Simone.

Nang wala pa ding madinig si Charles ay inulit ulit niya iyo.

"Come on Honey! Come on!" mahinang usal ni Charles habang ginagawa ang pag-pump.

Wala pa ding response ang katawan ni Simone.

Ginawa iyon ni Charles ng tatlong beses.

"Charles baka you need to resuscitate Simone?" tanong ni Harold.

"Oo nga Charles do it para naman magkamalay na si Simone! I'm so worried na!" sabi ni Ysa na namumutla na sa kaba.

Ginawa na nga ni Charles ang mouth to mouth resuscitation. Pinisil nya ang ilong ni Simone at ibuka ang bibig nito saka inilagay ang kanyang bibig upang bigyan ng hangin si Simone.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon