Chapter 1

7.7K 102 21
  • Dedicated kay @KimXianATG
                                    

Chapter 1

Simula na ng klase nila. Freshmen na sila sa La Salle. Magkaklase sila Simone at Ysa sa halos lahat na subjects nila. 

"Hi Bes! Kanina ka pa ba?" sabi ni Ysa ng makita si Simone na nakaupo sa may hallway ng kanilang school auditorium kung saan gaganapin ang orientation nila.

"Hi  Bes! Hindi naman. Halos magkasunod lang tayong dumating." sagot naman ni Simone.

"Tara na sa loob at baka wala na tayong maupuan." yaya ni Ysa.

Sumunod naman si Simone.

At dahil sa hindi nakita ni Simone na may paparating ay nagkabanggan sila nito.

**** BLAG ****

"Ouch!" sigaw ni Simone na napaupo sa sahig.

"Bes! Ok ka lang ba?" tanong ni Ysa ng lapitan nya si Simone.

"Okay lang ako Bes! Ito kasi eh hindi tumitingin sa dinadaanan nya!" sabi ni Simone ng sya ay makatayo.

"Excuse me Miss. Ako pa ngayon ang may kasalanan? Ikaw nga itong hindi tumitingin sa dinadaanan eh." sabi ng lalaking nakabangga nya.

"Hmmp!!! Walang modo!" sabi ni Simone sabay alis.

"Anong problema nun!?!" tanong ng lalaking nakabanggaan ni Simone.

"Ahhhmmm.. In behalf of her, ako na ang humihingi ng pasensya. Mainit lang ulo nun." sabi ni Ysa na pinagtanggol si Simone.

"Ah ganun ba? Siguro meron sya no?" sabay tawa ng nakakaloko.

"Agad agad?" sabi ni Ysa.

"Ano bang pangalan nun?" sabi nun lalaki na tinuro pa si Simone.

"Sya si Simone Sue Yap. You can call her Simone! At ako naman si Ysabel Garcia and you can call me Ysa. And you are?" sabi ni Ysa.

"Simone! Nice name pero mukhang hindi bagay sa ugali nya!" sabi ng lalaki. "Ako nga pala si Charles Andrew Lim, you can call me Charles if you want." dagdag nito.

"Ysa! Are you coming or iiwan na kita dyan?" sigaw ni Simone.

"Okay Simone andyan na ako!" sagot ni Ysa. "Sige Charles nice meeting you!" dagdag nito.

Pumasok na sila Simone at Ysa sa auditorium. Kokonti pa lang ang tao doon kaya sa may bandang unahan sila umupo.

"Bakit ba ang tagal mo?" tanong ni Simone ng makaupo na sila.

"Eh kinausap ko pa yun nakabanggaan mo. Mukhang aksidente naman yun nangyari Bes!" sabi ni Ysa.

"Ako na nga yun nasaktan eh mukhang pinagtatanggol mo pa sya?" pairap na sabi ni Simone.

"May problema ka ba? O meron ka ngayon?" tanong ni Ysa na natatawa.

"Huh? Wala akong problema at wala akong monthly period ngayon!" sabi ni Simone.

"Okay! Kalma lang ha... Kalma lang..." sabi ni Ysa na tinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Akala ko kasi tama si tangkad eh!" dagdag nito sa mahinang tono.

"Sinong tama?"  tanong ni Simone.

"Ah wala.." sagot ni Ysa. "In fairview Bes, gwapo si tangkad ha. Mukhang mayaman at mabango!" dagdag ni Ysa.

"Tumigil ka nga dyan Bes kung ayaw mong iwan kita dito." sabi ni Simone.

"Ito talaga di na mabiro." sabi ni Ysa.

Maya maya ay nagsimula na ang orientation nila.

"Dude! Mabuti naman at dumating ka na! Kanina pa ako naghihintay sayo eh!" sabi ni Harold ng makita si Charles.

Love Takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon