KABANATA 03

172 8 6
                                    

Hi! It's been a month. Pasensya na sa paghihintay po, kung meron man.

Btw, belated Merry Christmas and a Happy New Year everyone 💗, hahahahaha masyado na akong late.

Enjoy reading 😊!

Heaven P.V.O

Tawa-tawang nakikinig ako kay Tanda habang sya ay nakasimangot habang pinapaliwanag sa'kin ang dapat gawin para lumitaw ang mga sulat na nakalagay sa gintong papel na binigay nya kanina.

"-kailangan na patakan mo ng iyong dugo ang gintong papel para lumitaw ang mga sulat."

"Tandaan mo 'rin na ikaw lang ang pwedeng makagawa nito dahil sa iyo ibinigay ang misyong ito. At kung may makakita 'man ng gintong papel na iyon, don't worry because for them it's just an ordinary paper." He further explained.

"Does that mean, hindi nila makikita o nakikita ang nakasulat 'don?" I ask. He nodded.

"Yes, dahil hanggat wala o hindi napapatakan ng dugo mo ang gintong papel ay walang lilitaw dito na kahit ano." Kung ganon, my blood is the key for the words to appear.

"-and when you no longer need this, the words written will automatically disappear. When you need it again, just stain it with your blood and the words will reappear." May kinuha sya sa ilalim ng mesa nya at inabot sa'kin.

It was a small rectangular box made of wood na may kakaibang disenyo na ngayon ko lang nakita.

"Sa loob ng kahon na iyan ay ang bagay na kakailanganin mo. Importante 'yan kaya ingatan mo." Binuksan ko ang kahon at bumungad sa'kin ang isang gintong maliit na patalim na may kakaiba 'ding disenyo.

Ang hawakan nito at nababalutan ng pakpak na nakayakap sa hawakan nito.

Dahan-dahan at maingat ko itong kinuha. Pwede ka ng makapagsalamin dahil sa kintab at talim nito.

"Ngayon, ang kailangan mo nalang gawin ay hiwain ng maliit ang iyong pulsuhan at hayaang pumatak ang iyong dugo sa gintong papel, ng saganon ay tuluyan mo ng nasimulan ang iyong misyon." Kinuha ni Tanda ang papyrus at binuklat bago nilagay sa ilalim ng kamay ko kung saan mapapatakan ng dugo.

Unti-unti kong itinutok sa kaliwang pulsuhan ko ang kutsilyo at tsaka maingat na hiniwa ito. May kaunting hapdi at sakit akong naramdaman. Maliit lang 'din ang hiwang ginawa ko. Ilang sandali pa ay pumatak na ang dugo ko sa gintong papel.

Bigla nalang tumingkad ng kulay ang gintong papel na hindi naman gaanong nakakasilaw. Sandali pa ay lumitaw na 'din ang mga salitang nakasulat sa gintong papel

Binasa ko muna ang mga paunang salita, mga batas at kasunod na ang misyon.

Unti-unting lumaki ang mga mata ko at umawang ang bibig ko.

"W-what..." Ano 'to? Bakit ganito ang misyon ko? Bakit...bakit...?

....andami?

Andaming mga pangalan ang nakasulat dito. Akala ko ba Isa lang? Pero, bakit ang dami?

"T-tanda..," Tinaasan nya lang ako ng kilay. "Bakit ganito 'to?"

"Bakit, may reklamo ka?" Agad akong umiling at hilaw na ngumiti. Hindi parin ako makarecover sa gulat.

"Wag kang mag-alala, pwede namang bukas mo muna 'yan simulan. Sa ngayon ay papayagan kitang mamasyal pero kailangan mong mangako na mag-iingat ka."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Angel's Last MissionWhere stories live. Discover now