KABANATA 1

119 8 7
                                    

Heaven P.V.O

Agad akong lumanghap ng sariwang hangin pagkatapak na pagkatapak ko sa lupa.

Dito ako banda sa walang taong lugar lumapag at agad na pinaglaho ang mga pakpak ko. Itinaas ko ang suot kong bestida na abot talampakan at tinignan ang paa kong walang sapin.

Nakikiliti ako sa tuwing humahakbang ako dahil sa mga damong natatapakan ko.

Napatingin ako sa harapan ko ng makita ang isang simbahan. Mukang ito na ang hinahanap ko. Napangiti ako ng malaki, mukang dinala ako ng hangin sa lugar na hinahanap ko. Kumatok ako sa pinto ng simbahan ngunit walang nagbukas. Ilang sandali pa ay kusa itong bumukas ng mag-isa.

Dahan-dahan akong sumilip sa loob ngunit wala akong nakitang kahit isang tao o nagdarasal dito. Maging ang mga kandila sa gilid ay nakabukas.

Binuksan ko ang pinto at tuluyan ng pumasok bitbit ang mga gamit ko. Naglakad ako patungo sa altar at agad nagbigay galang.

"Andito kana pala. Kanina pa kita hinihintay." Gulat akong napalingon sa isang hindi katandaang lalaki na nakangiting nakatingin sa'kin. Mukang nasa mga 50+ palang ang edad nya.

"Limampu't dalawang taong gulang pa lamang ako." Nakakamangha. "Hindi ko binasa ang nasa isip mo. Nakita ko lang sa reaksyon mo."

Naglakad ako palapit sa kanya para magpakilala. "Ako nga po pala si Heaven." Pagpapakilala ko. "Nasabi nyo 'din po na kanina nyo pa ako hinahantay. Kung ganon, kayo po ba---"

"Oo, ako nga." Pagputol nya sa sinasabi ko. Ibang klase, hindi 'man lang ako pinatapos magsalita.

"Hayaan mong ipakilala ko sayo ang sarili ko." Sandali syang tumikhim at bahagyang inayos ang kanyang suot bago magpatuloy.

"Ako ang magiging gabay mo hanggang sa matapos ang iyong misyon. Maari mo akong tawaging Andres."

Fifty years old na sya diba? Maasar nga, hihihihihihi.

"Okay po Tanda." Ngiti ko. Napaawang naman ang labi nya at binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"I-ikaw, aba't," Natigilan ulit sya, "a-anong Tanda! Bata pa ako noh!" Napatakbo ako ng habulin nya ako habang bitbit ang kanyang baston.

"May baston ka po! Kaya matanda kana po Tanda." Lalo akong napatawa ng mas lumukot ang mukha nya.

Hinihingal syang napahinto kaya tumigil na 'din ako sa pagtakbo. "Susmaryosep kang bata ka! Jusko! Ang mga buto ko."

Umalingawngaw ang malakas na tawa ko sa bawat sulok ng simbahan.

"Sinasabi ko po e. Matanda kana po talaga. Feeling bata lang." Napailing nalang sya at umupo sa isa sa mga mahabang upuan dito sa simbahan.

"Pasaway." Dinig kong bulong nya habang papalapit ako sa kanya.

"Tanda? Akala ko ba kakaiba ang simbahang 'to. Tignan mo oh, parang wala namang pinagkaiba sa ibang simbahan." Tanong ko habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng simbahan. Wala namang kakaiba.

"Una, bata pa ako. Pangalawa, kakaiba ang simbahang ito." Tumayo sya at pumunta sa isang pintuan. Banda sa gilid ng pader.

Takhang sumunod ako sa kanya. Binuksan nya iyon at pumasok kaya sumunod ako.

Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa loob ng silid na ito. Lahat ng makikita mo sa loob ng silid na ito ay makaluma subalit napakaganda sa paningin. Sa gitna, may lamesang kulay brown na may kakaibang design. May upuan din na nakalagay para sa mesa. Sa ibabaw naman ng mesa ay nakalagay ay mga tambak na papel na hula ko ay pagmamay-ari ni Tanda. May iba't-ibang mga gamit din ang nakaayos. Masasabi kong makaluma na may pagkamoderno ang istilo ng silid na ito. Hindi masakit sa paningin. May kadiliman din ang silid na 'to ngunit may Chandelier naman sa itaas. Sa paligid ng silid ay ang iba't-ibang klaseng libro na nakapaikot sa silid na ito.

The Angel's Last MissionWhere stories live. Discover now