PROLOGUE

99 9 3
                                    

Paano nalang kung isang araw ay magbago ang takbo ng buhay mo?

Isang napakakulit na anghel ang ipapadala sa lupa para sa isang mahalaga at kanyang huling misyon.

Ang misyong babago sa takbo ng kanyang buhay. Mula sa langit ay ipapadala sya sa lupa upang tapusin ang misyong ito.

Kailangan lang naman nyang baguhin sila, at pagkatapos 'non ay makakabalik na sya sa langit.

Ngunit papaano kung mapalapit sya sa kanila? Sa kanyang misyon?

Papaano kung ang isang Anghel na kagaya nya ay umibig sa isang tao? Papahintulutan ba ito ng kalangitan o sila'y pagbabawalan?

Maipaglalaban kaya nila ang pagmamahalang ipinagbabawal hanggang dulo? O, sila na mismo ang iiwas sa isa't-isa?

"Hindi ma-aaring magsama ang isang Anghel at tao."

Kaya ba nilang malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating?

"Oo, misyon lang kita. Misyon ko lang kayo. Pero, mahal kita, 'yun ang panghawakan mo. Dahil, kaya kong talikuran ang lahat. Para lang manatili sa tabi mo, sa tabi nyo."

"It's hurt when you say that I, we're just a mission of you. But, when I heard you, saying that you love me too, the pain I'm feeling is slowly fading. I'm in love with you too baby. I love you my Angel. You are my heaven baby."

Dalawang pusong nagmamahalan, kaya kaya nilang ipaglaban?













Sa wakas, sa hinaba-haba ng paghihintay ko ay dumating narin ang araw na hindi ko aakalaing mangyayari.

Dahil ako ay ipapadala na sa lupa para sa isang napakalaking misyon. Hindi lang ito isang ordinaryong misyon. Dahil ito ay napakahalagang misyon para sa akin.

Ito na kasi ang magiging huling misyon ko upang tuluyang maging purong Anghel.

Naihanda ko na'rin ang mga gamit ko na kakailanganin ko sa pagdating ko sa lupa. Excited na ako na makatapak muli sa lupa pagkalipas ng ilang taon.

Balak ko rin na bisitahin ang isang lugar na napakahalaga para sa akin. Hindi na ako makapaghintay.

"Handa ka na ba anak?" Isang malamyos at baritonong boses na tanong sa akin.

"Opo, handang-handa na Ama.." Hindi naitago sa boses ko ang sabik. Sabik na makababa ulit sa lupa.

"Kung ganon halika kana. Naghihintay na sila sa may tarangkahan." Agad kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod kay Ama.

Agad kong nakita ang iba't-ibang mga Anghel na naghihintay sa may tarangkahan palabas at pababa ng kalangitan. Napakalaki nito at kulay ginto. Wala ka ring makikita sa paligid kundi ang mga ulap at mga Anghel na may ngiti sa kanilang mga labi.

Huminto kami ng nasa tapat na kami ng tarangkahan. Humarap sa akin si Ama at bahagyang ngumiti.

Nakasuot sya ng mahabang puting tela na abot hanggang talampakan. Hanggang balikat lang din ang buhok nya at may balbas sa kanyang baba. Ngunit kahit ganon ay litaw parin ang kagwapuhang meron si Ama.

"Sa pag baba mo sa lupa. Buhay mo'y magbabago. Mga bagong kakilala'y mapapalapit sayo. Ngunit tandaan mo ang batas na meron tayo. Mag-iingat ka, anak ko......"

Unti-unting bumukas ang tarangkahan ng kalangitan. Ngumiti muna ako kay Ama ganon din sa iba bago dahan-dahang naglakad palabas ng tarangkahan.

Unti-unti ang tarangkahan ay muling nagsasarado at unti-unting naglalaho hanggang sa matakpan na ito ng mga ulap.

Nadaanan ko pa si San Pedro na may tinignan sa libro. Binati ko muna sya bago naglakad patungo sa lagusan.
Tumingin ako sa baba, nakita ko kung gaano kaganda ang mundong nilikha ni Ama.

Dahan-dahan akong pumunta dito sa may lagusan at hinayaang mahulog ang katawan ko. Yakap-yakap ko ang mga gamit ko habang nahuhulog mula sa kalangitan.

Unti-unti, ay ibinuka ko ang mga puting pakpak ko at hinayaan itong makisabay sa ihip ng hangin.

Kailangan kong mahanap ang isang simbahang hindi pangkaraniwan dahil nadoon ang nilalang na tutulong sa akin........




Ngunit ang misyon palang ito ang nagpabago sa buhay ko.

Hindi ko akalain na nagawa kong lubagin ang batas ng kalangitan para sa kanila. Hindi ko akalain na nakagawa ako ng napakalaking kasalanang hindi ko kahit kailan man pagsisisihan.

Dahil sa misyong ito. Nabago ang buhay ko.....







~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tadah!!! Kamusta kayo? Sana nagustuhan nyo ang bagong prologue na ginawa ko.

Malayong-malayo kaisa sa unang ginawa ko. Nagustuhan nyo po ba? Sana po oo.

Humihingi din po ako ng paumanhin sa mga nabangit na salita. Ahmm, uulitin ko po galing po ito sa imagination ko.



The Angel's Last MissionWhere stories live. Discover now