6. Hiro's Absense

119 7 1
                                    

Author's Note

Hiiiii! So this chap/part is dedicated to richbbel super super suuuuuuuuper thank you sa support dito sa book na to.

Rainie/Akemi's POV

Katulad pa rin ng dati, maaga kami'ng gumising dahil Friday na naman. Ibig sabihin, magsosolve na naman kami ng case ngayon. Ang kaibahan lang, wala si Hiro. Wala ang leader namin.

Noo'ng Monday ng umaga, may kakaiba'ng lalake na nakasoot ng itim na cape ang dumating sa school. Akala namin, shinigami. Pero magsusundo lang pala kay Hiro. May dala siya'ng malaki'ng scythe and iba ang aura niya. It's like he's gonna kill you in a blink of an eye.

Flashback...

"Hiro? Sasama ka talaga sa kaniya?" tanong ni Ken na nakaturo ang hintuturo sa estranghero.

"He's here to fetch me, bakit naman ako hindi sasama?" sagot ni Hiro at tinignan ako. I don't know why pero pakiramdam ko, may kakaiba sa tingin niya'ng iyon.

"Bakit may pag tingin sa'yo si Hiro?" Akane asked teasingly. I raised my eyebrow on her kaya naman napabuntong hininga siya. "Hindi ka 'man lang ba magpapaalam sa mama niyo, Hiro?"

"Ihahatid ako ni mom sa gate ng school," sagot ni Hiro kay Akane at nauna nang mag lakad sa amin. Magliligpit pa kasi siya ng gamit niya.

Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna sa puntod ng mama ko, kaya naman hindi ako sumabay sa kanila pumunta sa dorms. Nagulat ako nang makita ko si Hiro na nakasandal sa isa'ng puno malapit sa puntod.

"Hiro?" I called out. Hindi nga ako sure if si Hiro ba iyon or hindi eh! Kasi kanina nakita ko siya na pumunta sa dorm.

Tantei High (Fanfic One Shots)Where stories live. Discover now