"Megaaan!"
"Jusko, Micaela! Ang aga-aga, yung boses mo rinig hanggang labas ng school. Bakit ka ba sumisigaw? Tumatakbo ka pa, ano ka ba, hinahabol ka ba ng aso?"
"Hindi, ng mukhang aso lang."
"Ang gwapo kong 'to?!" Reklamo ni Diego pagpasok ng room.
"Ang lakas naman ng pandinig mo, bes. Pero kapag sa lesson kahit tahimik ang lahat hindi mo marinig."
"Sus! Ikaw nga may crush sa'kin eh!"
"Anong connect?"
"The connection between us, yie!"
"Ano daw, Megan? Pakiexplain nga, hindi ko magets."
"Bahala kayo riyan. Huwag niyo akong idamay."
"Ay, sungit. Red days?"
"Sisipsipin mo?"
"Dugyot naman!"
"Mga mahal, good morning! Nandyan na si Maam. Go to your proper seats, please." Sabi ni Rheign.
Agad namang sumunod si Micaela at Diego. Rheign's nice pero kapag umaga, huwag inisin.
Our class for morning already ended. We're on our way sa labas ng school para maglunch. Pumasok kami sa isang fastfood. Gutom na 'ko kaya ang inorder ko ay chicken with rice, burger, fries tapos softdrinks. Hindi ko na sasabihin ang sa kanila dahil tinatamad akong alamin kung ano.
"Eat slowly, mahal. Are you that hungry ba?"
"Oh, i'm sorry, mahal. Nastress ako sa dalawang ito kanina eh. Ang aga-aga, nagbabangayan sa harap ko."
"Kayo naman kasing dalawa, kung magbabangayan kayo, sa gilid na lang niya. Just kidding, mahal."
Psh.
Ang sarap na ng kain ko tapos may pumasok na customer na familiar sa'kin.
"May problema ba, Meg?" Tanong ni Diego.
"Wala naman." Sagot ko kahit naglalakad na palapit yung crush ko rito sa table namin.
"Hi! Dito rin kayo kumakain?" Tanong niya sa'min. He's with his friends na puro boy din.
"Uh, obviously." Masungit na sagot ni Micaela.
Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng table para umayos siya. Salubong ang kilay niya nang tumingin sa'kin.
"Why?" Bulong niya sa'kin. Nilakihan ko lang siya ng mata, sana magets niya 'no.
"Ah, sige, kain na kami ng friends ko, enjoy your meal!"
Ngumiti lang kami ni Rheign habang nakasimangot naman si Diego at Micaela.
"How can i enjoy my lunch now?" Sabi ni Diego.
Napakunot ang noo ko. "Ano bang problema niyong dalawa?"
"Magtatanong pa kasi, yung obvious pa. Kita naman niyang kumakain tayo rito, ano pa ba ang gagawin natin dito? Kainan 'to, 'di ba? Alangan naman magconcert tayo rito."
"Chill, Micaela. Nasa harap ka ng pagkain." Saway ni Rheign.
Ngayon ko lang nakita si Micaela na tahimik, same kay Diego na madaldal naman araw-araw.
Ano bang nakakainis sa tanong ni Kevin? Tinanong niya lang naman ah? Anong problema ng mga 'to?
"Bilisan niyo kumain na dalawa. Baka malate tayo sa next class."
After kumain ay bumalik na kami. Tahimik pa rin si Diego at Micaela kahit nakabalik na kami sa room.
Mabilhan nga 'to ng milktea mamaya.
"Mahal, may pupuntahan ka ba after class?" Tanong ko kay Rheign.
"Meron but hindi naman ako nagmamadali. Why?"
"I'm planning na ilibre yung dalawa ng milktea, you coming?"
"Of course!"
Dumating na si Sir kaya bumalik na ako sa upuan ko at tahimik na nakinig nang magsimula siyang magturo.
"Eggsplorer! Ela!" Inakbayan ko silang dalawa habang naglalakad palabas ng room. Ngayon ko pa lang sila aayain na magmilktea.
Tinignan lang nila akong dalawa. Grabe na 'to, minsan na nga lang manlilibre, cold pa.
"Milktea?"
"Pass." Sabay nilang sagot. "Wala na 'kong pera." Dagdag ni Diego.
"Libre ko."
"Saan ba?" Agad na tanong ni Micaela.
Wow.
"Hindi ko pa alam, wait natin si Rheign."
Pinuntahan ata ni Rheign yung kapatid niya na nag-aaral din dito, si Rhijane.
Hinintay na lang namin siya sa gate para madali niya kaming makita, tinext ko na rin siya para hindi na siya bumalik sa room.
"Ang tagal naman ni Re. Nauuhaw na 'ko." Reklamo ni Micaela.
After ilang minutes, nakita na namin si Rheign na naglalakad kasama si Rhijane. Sinalubong ko si Rhijane at niyakap.
"Hi, bebe! Ate Megan missed you!" I kissed her cheeks. She just giggled.
"I'll take her with us na, ha? Wala kasing susundo sa kanya ngayon, umalis sila Mommy." Sabi ni Rheign.
I held Rhijane's hand and her other hand reached for Diego's. We started walking papunta sa milktea shop na malapit para hindi mapagod si Rhijane kahit nandyan naman si Diego para buhatin siya, kung babiyahe naman ay baka biglang gustuhing umuwi ni Rhi kaya sa malapit na lang.
"Kayong dalawa, ha. Anong problema niyo kanina?" Tanong ko nang makapasok na kami sa milktea shop at makahanap ng uupuan. Nasa gitna namin ni Diego si Rhi. She loves to stay at her Ate's side, but when she's with us, her mind changes.
"Wala naman, nabubwisit lang ako sa lalaking yun, isn't that guy your crush?" Sabi ni Micaela na ngayon ay namimili ng milktea.
"May atraso ba sayo?" I asked again before looking at Diego who is now playing with Rhijane.
"Wala, pero naiirita ako kapag nakikita ko yung pagmumukha niya. Ang init ng dugo ko bigla."
"Paanong init?" Asar ni Rheign sa kanya.
"Akin na lang yung milktea mo, Re."
"All yours, mahal. I'll buy ulit."
"Isa pa 'tong sosyalin! Rhijane, does your Ate Rheign always have money?"
"Yes po. Her allowance everyday is like one thousand pesos. Not mentioning the money she receives from our family when we have occasions."
"Wow, just wow. Ganoon kayo kayaman, Re? Bakit hindi ko alam? Baby Rhijane, ampunin niyo na ako. Pakisabi sa Mommy and Daddy niyo, i'm your new Ate na." Sabi ni Micaela at pumapalakpak pa.
Rheign just laughed, while Diego is still playing with Rheign's younger sister.
Nilapag ni Micaela ang mga milktea namin sa table tsaka umupo sa tabi ni Rheign.
"Wait! I'll take a picture of it muna." Sabi ni Rheign. Baka i-story niya sa ig.
We bought one small milktea for Rhijane para hindi naman unfair na kami lang ang iinom. Masamang takamin ang bata, mahirap na.
"Diego, ba't ang tahimik mo? Naiinis ka pa rin ba?"
"Nah, Meg. I'm just tired."
"Sosyal! Englishero!" Sabay na react namin ni Micaela.
"Grabe naman kayo! Minsan lang mag-english, eh. Mukha ba 'kong bobo?"
"Oo, eh. Sensya ka na, ha."
YOU ARE READING
Gone with the Wind
Teen FictionYou're both happy with each other but you realized something.