Chapter 4

4 0 0
                                    

"Oo, tapos pag-uwi ko, niyakap ako ni Meadow, umiiyak. Tinanong ko kung bakit siya umiiyak, yung pinanood niya raw na movie, namatay raw yung bida."

Tinignan ko ang reaction ni Diego at ang bobo, hindi maipinta ang mukha. Napakaano naman nito. Natatawa ako tapos siya mukhang ewan.

"Hoy, tumawa ka naman! Ang panget mo magreact."

"Sorry na, 'di ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa eh. Bata yun, 'no."

"Hindi naman niya makikita yung reaction mo."

"Kahit na. Kung sa magjowa, that's cheating."

"Arte. Ano raw?"

"Meg, paano 'to?"

Pero medyo naaano ako kay Meadow kasi lumalaki na siya. Ayaw kong lumaki yun kasi napapalapit na magmature siya, hindi ko na siya makukulit kapag gano'n. Sana 'wag muna siya lumaki.

Meadow's a sweet kid. We're super duper close kasi ako halos ang nagbabantay sa kanya no'ng ipinanganak siya, daig ko pa si Mama. Dalawa lang kaming magkapatid pero may isa kaming pinsan na lalaki na close rin sa'min. But he's in New Zealand now. Hindi pa namin alam kung kailan siya babalik dito para magbakasyon. Noong nakausap kasi namin siya, hindi pa raw siya pwede dahil busy sa school. Pero magsasabi raw siya kapag ayos na.

Isa siya sa mga malapit kay Meadow. Halos lahat naman ata ng nakikilala ni Meadow ay napapalapit sa kanya. Napakafriendly. Hindi siya mahirap makasundo.

"Mall tayo mamayang gabi, mahal?"

"Oh, sure! With Diego and Micaela ba?"

"Yep."

"Ay, Re. Malapit na birthday ni Dye, kailan tayo bibili?"

"Message kita one week before Diego's birthday."

"Okay."

"Meg! Re!" Sabay kaming napatingin kay Micaela na hinihingal.

"Ano ba yan, lagi ka na lang hinihingal. May humahabol ba sayo lagi?"

"Pakialam mo ba, Megan? Nag-eenjoy ako tumakbo kasi maganda pa rin ako kahit pagod ako."

"Lamig, grabe! Lakas ng hangin, 'no, Rheign?" Niyakap ko ang sarili ko at tumawa naman si Rheign habang pinapanood kaming magbangayan ni Micaela.

"Rheign!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Diego na hinihingal din.

"Naghahabulan ba kayong dalawa?" Tanong ni Rheign.

"Sort of. Joke. Si Rhijane."

"Ano?"

"May kaaway."

"Ha? Sino naman?"

"Kaklase niya ata yun. Tara na!"

Oh, chismoso spotted.

"Away niya yun, 'wag mong pakialaman, Dye." Sabi ni Rheign, kalmado. Halatang may tiwala sa kapatid niya kahit hindi naman siya palaaway, pero yung kapatid niya medyo hindi sumusuko yun basta, hanggang buhay siya, ipaglalaban yung side niya. Pero kapag kaharap kami, akala mo ay pusa.

"Mukha kasing sobrang init na ng ulo niya, tapos gusto niya na manabunot." Dagdag pa ni Diego.

"Hayaan mo na nga."

"Rheign naman! Hahayaan mo lang si Rhijane roon?"

"Anong gusto mong gawin ko? Pigilan siya? Kilala mo naman yung kapatid ko."

"Nakakainis naman 'to! Tara nga, Micaela. Takot sayo yun eh." Pangugulit pa ni Diego pero hindi naman sumunod si Micaela palabas.

"Pati ba naman ikaw, Ela?"

"Dye, she's Rheign's younger sister. Kilala niya ang kapatid niya at alam niya kung paano siya disiplinahin. Kung hindi gagalaw si Rheign, what's the point of going there to stop Rhijane? Kahit alam natin na takot din siya sa'tin, si Rheign na ang bahala umayos niyan, siya ang kapatid, hindi tayo." Pag-eexplain ni Micaela.

Bagsak ang balikat, napaupo si Diego sa upuan niya. I tapped his shoulder.

"Hayaan mo na. Daig mo pa yung ate eh." Pang-aasar ko, inirapan niya lang naman ako.

"Concern lang naman ako."

"Alam ko, pero kita mo namang hindi apektado si Re, 'di ba? Dapat ikaw rin hindi. May tiwala si Re sa kapatid niya and if something bad happens, si Re na ang gagawa ng paraan doon, if she needs help, nandito lang naman tayo."

Tahimik lang siya habang pinapakinggan ang sinasabi ko nang makita naming nasa pintuan ng classroom namin si Rhijane, nakatingin lang at naghihintay sa ate niya.

"Re, si Rhijane." Pagtawag ko sa kanya kasi hindi niya napansin, nakikipag-usap kasi siya kay Micaela. Tumayo si Rheign at pinuntahan si Rhijane, kalmado lang silang nag-uusap at halatang walang galit na nararamdaman si Re dahil nakipag-away ng ganoon ang kapatid niya, baka reasonable naman.

"Oh, kumalma ka na riyan, Dye. Kita mo na, nag-uusap na sila." Sabi ni Micaela kay Diego na tahimik lang.

Napakadaldal kasi nito and at the same time, maaalalahanin. Maloko lang siya pero may kabaitan naman, syempre.

"Jane!" Lumapit si Micaela kina Rheign. "Kamusta away?"

Siraulo talaga 'tong babaeng 'to. Kinamusta pa amp.

Sinabunutan ko siya para manahimik na. Baka maasar pa yung bata. Susko.

"Aray, gaga!" Reklamo niya.

"Ano bang nangyari, Rhijane?" Tanong ko.

"Wala naman po. Tinago niya kasi yung bag ko, eh nandoon yung wallet ko, so I'll never forgive her kapag may nawala po roon. My wallet is the most important thing to me kaya pinatulan ko na. She took my bag and she enjoyed looking at me, smiling widely. Napikon ako dahil ayaw niyang ibigay pabalik sa akin ang bag ko. I'm asking her in a nice way, but I've reached my limits. Hindi niya talaga ibabalik hanggang hindi siya sinasaktan."

Tinignan ko ang ate niya. Knowing Rheign, just by the word 'wallet' of her sister, she already understood her. Ganoon si Rheign. She knows her sister very well.

"Good for her. Deserve niya yun dahil hindi niya ibinalik agad no'ng maayos ka pang nagsasabi sa kanya. But don't do anything that you didn't think of a million times. Better safe than sorry." Pagsasabi ko. Ilang taon pa lang siya, ang bata niya pa pero kapag alam niyang tama siya, akala mo'y mas matanda mag-isip.

"Dye, hindi mo tatanungin yung 'kapatid' mo kung kamusta siya? Concern na concern ka kanina ah?" Pang-aasar ni Micaela.

"Shut up." Pikon na sagot ni Diego.

"Okay." Nagkibit-balikat na lang siya.

Naiintindihan ko si Diego pero may point din naman si Micaela. At wala akong kakampihan. Walang tama, walang mali. Kaibigan ko sila pareho. At sa mga bangayan na ganoon, kami ni Rheign ang halos laging neutral sa kanila. Sila kasi ang laging hindi magkasundo dahil mapang-asar at pikon silang pareho. Iyon ang lagi nilang pinag-aawayan.

Gone with the WindWhere stories live. Discover now