Chapter 1

13 1 4
                                    

(Grammatical errors ahead.)

"Ma, pasok na 'ko ha?"

"Hindi kana ba magpapahatid kay Papa mo?"

"Nandito na bestfriend ko, Ma. Sabay nalang kami maglakad papasok."

Lumabas na 'ko ng bahay at nakita ko naman agad yung bespren kong ulok sa labas ng gate.

"Oy, Diego! Goodmorning!" Bungad ko sa mukhang bored na bored maghintay na si Diego, boybestfriend ko.

"Wow, Megan! Lumabas ka pa? Akala ko hindi kana papasok sa tagal mong 'yan eh."

"Buti nga lumabas pa 'ko eh, kung hindi ako lumabas, baka nabulok kana lalo rito sa labas kakahintay sa maganda mong bestfriend." Sabi ko at kumindat.

"Nyenyenye, whatever, Megan. Halika na, ang daldal mo, baka malate tayo."

"Nga pala, kumain kana ba, eggsplorer?"

Eggsplorer kasi tawag ko sa kanya kasi Diego name niya. Ewan ko ba, naisip ko lang din. Tapos tawag niya sa'kin Meganda kasi magandang Megan ng school, charot. Kasi nga maganda ako, ba't ba?

"Oo, tapos na. Kantahan mo nga ako."

"Sige."

I started singing 12:51.

This is the first song that i sang to him.

"Scrolling through my cellphone for the twentieth time today. Reading the text you sent me again, though i memorized it anyway. It was an afternoon in December, when it reminded you of the day. When we bumped into each other, but you didn't say hi 'cause i looked away..."

Nakisabay pa siya sa pagkanta hanggang sa makarating kami sa university.

"Oy, late ata kayo ngayon?" Bungad sa'min ni Rheign. Isa pa sa bestfriend ko at bestfriend din ni Diego.

"Ito kasing si Megan, nagpapaganda pa sa bahay nila, ang tagal-tagal, wala namang pinagbago."

Gusto kong sakalin si Diego kaso dumating na yung first subject teacher namin kaya hinayaan ko nalang.

You're lucky, Diego.

"Rheign mahal, pakopya ako ha?"

"Miss Fernandez!"

Agad akong umayos ng upo.

Nahuli na naman ako, aish!

Tapos nahuli ko rin si Diego na nagpipigil ng tawa. Aish! Bwisit ka talaga! Mamaya ka sa'kin!

"Miss Fernandez, bakit ganyan ka makatingin kay Mr. Cruz? May problema ba?"

Napangiwi ako. "Wala po, Maam."

"Ikaw ah, may binabalak ka na namang gawin sa'kin. Ano bang nagawa ko sayo?"

Piningot ko ang tenga niya saka naglakad papunta sa pila sa cafeteria.

"Bakit mo 'ko tinawanan kanina, ha? Nanggigigil na 'ko sayo ah, eggsplorer!"

"Oh, chill. Mangongopya ka na nga lang kasi, sa time pa ni Maam Joanna. Alam mo namang daig pa no'n yung katabi mo sa lakas ng pandinig."

"Aba, siraulo ka ah! Ngayon lang naman ako mangongopya, tinatamad kasi akong mag—ARAY! Inaano ba kita, mahal?!"

"Huwag tatamad-tamad, mahal." Awts, pinagalitan ako ni Rheign.

By the way, kaya mahal ang tawagan namin ni Rheign, eh lahat naman ata ng friends niya, mahal tawag niya eh so 'yon end of the chika.

"Sabi ko nga, oo na, oo na, mahal! Gosh! Sakit ah? Anong bibilin mong food, mahal?"

"Ako, hindi mo tatanungin?"

"Hindi. Sino ka ba?"

"Ako lang naman ang napakagwapong si Diego." Kumindat pa siya. Eww.

"Kilabutan ka nga, pre! Nawalan na tuloy ako ng gana kumain, eh."

"Sus, ikaw, mawawalan ng gana kumain? Kaya mo nga ata manood ng patayan kahit kumakain ka."

"Hoy, grabe ka! Baka nakakalimutan mo, may utang ka pa sa'kin." Nakuha ko na ang burger at juice ko kaya sinundan ko na si Rheign papunta sa table na available, naiwan si Diego roon sa pila.

"Kayong dalawa talaga, bibili nalang ng pagkain, magbabangayan pa. Hindi ba kayo napapagod magsalita, mahal?" Tanong ni Rheign na ngayon ay nagsisimula ng kumain.

Kakagat pa lang ako sa burger ko nang umupo sa tabi ko si yung asungot.

"Hi, Meganda." Ngumiti pa sa'kin.

"Oh? Ang bait mo bigla? Ano meron, Diego?"

"Ang ganda mo, Megan. Promise. Kaya marami nagkakagusto sayo eh. Mahaba pa rin ba yung pila?"

"Tigilan mo 'ko. Ayaw mo lang bayaran utang mo." Binaling ko ang atensyon ko kay Rheign. "Mahal, are you free sa Saturday?"

She nodded. "Yes, mahal. Why? Magseset ka ba ng gala?"

"Oo sana."

"Kasama ako?" Tinignan ko si Diego. "Hindi."

"Bakit?! Galit ka ba? Ito na nga eh, babayaran na nga utang ko eh! Magkano ba?" Nilabas niya yung wallet niya, ready na maglabas ng pera.

"100."

"100?! Napakaliit na halaga naman nyan, oh ayan, lima. Sa susunod na yung 95 pesos, gipit ako eh."

Ano pa nga bang maaasahan ko sa lalaking 'to?

"Pinagtitripan ka ni Diego, mahal, payag ka no'n?" Rheign finished her food.

"Oo, pero hindi na siya kasama sa gala natin." Tumayo ako, dala ang kalat ko pati na rin ang limang piso na binigay ni Diego at inaya si Rheign pabalik sa classroom. Hindi na namin hinintay matapos kumain si Diego, tagal eh.

"Mahal, saan naman tayo gagala?"

"Uy, may gala kayo? Ba't hindi niyo 'ko sinasabihan, ha?! Nakakatampo kayong dalawa." Biglang sulpot ni Micaela.

"Bakit ngayon ka lang namansin, Ela? Kanina ka pa namin tinatawag." Kinurot ko ang tagiliran niya.

"Wala, tinatamad ako bumili na kasama si Diego, ang daldal kasi nun, aabutin tayo ng siyam-siyam."

"Weh? Crush mo lang eh." Pang-aasar ko sa kanya.

"Crush? Si Diego? Kadiri naman, Megan! Umayos ka nga."

"Sus, Elaaa! Rheign, crush niya siguro si Diego, tingin mo?"

"Hindi nga, ilang beses ka ba inire, Megan? Napipikon na 'ko ha." Seryosong sabi ni Micaela.

"Yie! Napipikon na! Yieee! Diego! Diego!"

"Mahal, hindi naman namin sasabihin kay Diego kung—"

"Rheign! Megan! Ela! Magkakasama na pala kayo, bakit niyo naman ako iniwan dun sa cafeteria?"

Nakangisi kaming nakatingin kay Micaela habang si Diego naman, pabalik-balik ang tingin sa aming tatlo.

"Diego—"

"Megan! Tawag ka ni Maam."

Luh, epal.

"Panira naman 'to."

"Alis na, Megan, dali! Tawag kana ni Maam." Nakangiting wagi na si Micaela, mamaya ka sa'kin.

"Diego, mamaya may chika ako, sabay tayo umuwi ha?" Sabi ko tsaka kinindatan si Micaela. Kita ko naman agad na nagsisimula na naman siyang mainis.

'Kala mo takas kana ha.

Naglakad na 'ko papunta sa classroom. After ako kausapin ni Maam, lumabas ulit ako tapos naghanap ng pogi. Hindi ko pa nakikita crush ko ngayon ah? Absent ba yon?

"Sino hinahanap mo?"

Gone with the WindWhere stories live. Discover now