(Grammatical and typographical errors ahead.)
"Ate, where are you going?" Tumingin ako kay Meadow na bagong ligo.
"We have gala ni Kuya Diego, baby girl." Kinuha ko ang suklay at sinuklayan siya dahil magulo pa ang buhok niya.
"Gala? Can i go too, Ate?" Tanong niya habang inaayusan ko siya.
"I'm sorry, baby, but no. We have something important na pupuntahan ni Kuya Diego, eh. Next time na lang, baby, okay? I'll buy you pasalubong na lang." I kissed her cheeks.
"Napapadalas ang alis niyo ni Diego, ah? Baka pinopormahan ka na no'n?" Mabilis pa sa alas-kwatro akong tumingin sa pintuan ng kwarto ko kung saan nandoon si Mama.
"Nandyan ka pala, Ma. Naku, Ma! Huwag kang mag-iisip ng ganyan dahil kaibigan ko lang yon. Sasamahan ko lang siya dahil may imimeet siya."
"Sinong imimeet niya? Nililigawan niya? Girlfriend niya?"
"Ito naman si Mama, ganoon lagi ang tinatanong. Si Papa niya ang kikitain niya, hindi babae. Single yun, 'no."
"Ay, single. Wala bang pinopormahan? Umaasa ka ba?"
"Hmm. Ewan, Ma. Need ko muna ng money before ko masagot yan." Tumawa ako nang makita ko na inirapan niya ako. Bleh.
"May ipapabili ako sayo pag-uwi mo." Aba, aba, aba! Pagkatapos akong interview-hin, biglang babanat ng ganyan?!
"Lakas mo, Ma, ah! You have a car naman, 'di ba? Don't tell me tinatamad ka na naman magdrive? Bumili ka pa ng kotse, hindi mo rin naman sasakyan."
"Wala akong pake, sayo ko gusto ipabili eh. Perfume lang naman, hindi masakit sa bulsa."
"Masakit sa bulsa?! Am I thinking what I'm thinking?! Magpapabili ka sa akin ng perfume?!"
"Walang masama."
"Wala?! What?! Mama, sa pagkakaalala ko, ang sabi mo, may ipapabili ka sa akin, hindi mo naman sinabi na pera ko rin ang gagastusin."
"Perfume lang eh. Malapit na ang birthday ko, 'di ba? Pagbigyan mo na ako."
"Pagbigyan when all I did was give you all the perfumes you want every year. Grabe, Ma, ha? Wala naman akong work, grabe ka manghingi, Ma, ha? Ano bang gusto mong perfume this time?"
"Sinend ko sayo yung screenshot ng nahanap kong perfume na mukhang maganda. Bilhin mo, ah?" I checked my phone ta's may message si Mama sa'kin. Must be the perfume.
"What if ayaw ko, Ma?" Biro ko tsaka lumabas ng kwarto at bumaba na para hintayin doon si Diego. May nakita akong sandwich sa table kaya kinuha ko 'yon at kinain. Sakto nagugutom na 'ko.
"Meg?" I heard Diego's voice na malamang ay nasa labas na ng bahay namin. "Wait lang! Pasok ka muna rito, kumakain pa ako." Sigaw ko para marinig niya. Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko na nga ang bwisita.
"Uy, ano 'yan? Pahingi naman ako!" He tried to steal my sandwich pero bago niya pa tuluyang makuha at makagatan ang kinakain ko ay biglang lumapit si Mama na may dalang isa pang sandwich. Agad naman kinuha 'yon ni Diego.
"Hoy, sasamahan lang kita. Wala tayong usapan na makikikain ka rito. Doon ka kumain sa bahay niyo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya habang siya naman ay enjoy na enjoy lang sa kinakain. Akala ko ba sasamahan lang at ako dapat ang ililibre niya? Ano 'to at nakikain pa rito. Ano ba 'yan! Imbis na ako na lang sana ang kakain ng sandwich na nandito sa bahay. Gutom pa naman ako.
"Ang panget mo, Megan. Huwag ka nga sumimangot dyan, nawawalan ako ng gana kumain. Ayaw mo na bang kainin 'yan? Akin na lang?" Napakatakaw talaga. Itext ko nga mamaya si Tita kung pinapakain ba nila si Diego sa bahay nila.
"Nasaan na raw ba si Tito? Malapit na ba?" Tanong ko. Nandito na kami sa meeting place namin at hinihintay na lang ang Papa ni Diego. Ewan ko rin kung bakit ako sumama rito. Definitely because I want libre hehe. Minsan lang manglibre ang isang Diego! Sulitin ko na. Ano kaya ang ipapabili ko mamaya?
"Gutom ka na ba ulit? Ang tahimik mo, ah." Diego asked. "Nag-iisip kasi ako nang mabuti kung anong ipapabili ko sayo later. Ready na ba ang wallet mo?" Hindi naman na siya sumagot at mukhang nakakita ng kaaway dahil nagsalubong bigla ang mga kilay niya. Naks. Sungit yarn?
Tinignan ko rin kung ano ang tinitignan niya at ngayon, alam ko na kung bakit siya nakasimangot.
"Good morning po, Tito. Kamusta po ang flight?" Bati ko sa Papa niya na kakadating lang. Ako na ang unang bumati dahil itong kasama ko ay mukhang hindi alam kung anong gagawin o sasabihin.
"Naku, nakakapagod! Ang tagal kong naghintay para sa araw na ito. Ang tagal ko na ring binabalak bumalik dito dahil namimiss ko na ang Pilipinas." Hindi man lang siya nagpakaplastic at sinabing namiss niya sila Diego.
"Anak, how are you? Hindi ka nagrereply sa messages ko." Tinanong niya naman si Diego na tahimik lang at nakatingin sa malayo. Buti pala ay sumama ako sa kanya. Hindi siguro sila mag-uusap kung wala ako rito.
Tumingin saglit si Diego sa kanya at tumingin ulit sa iba. "Fine. Bakit kayo nandito? Anong balak niyo at bumalik pa kayo? Ang alam ko, wala na kayong babalikan dito, ah?" Hindi nakasagot agad ang Papa niya at mukhang nag-iisip pa ng sasabihin.
"How's your mother? May bago na ba?" Sa lahat ng pwedeng itanong, 'yon pa talaga, Tito? Grabe, ang lakas naman ng loob ni Tito magtanong ng ganyan sa anak niya. Tinignan siya nang masama ng anak niya. "None of your business. Bakit? Babalik ka sa kanya? Don't even think about it. You will never get a second chance."
"Napakasungit na ng anak ko. May girlfriend na ba 'yan, iha?"
"Naku, wala po, Tito! Nag-aaral po nang mabuti 'yan at wala pang time para manligaw."
"Aba'y dapat lang. Huwag ka mag-aasawa agad. Kapag nag-asawa ka ay mahihirapan ka na mangchix. Mahuhuli ka agad." Omg! The audacity! Takot pa talaga siyang mahuli, hindi masira ang pamilya niya, kapag nagcheat siya? I mean, he already did. The audacity para sabihin sa anak niya na huwag mag-aasawa agad dahil mahihirapan na mangchix. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nambabae. Ganito naman pala ang mindset.
"Sa inyo pa galing 'yan, eh kahit sa tamang panahon na kayo nagpakasal ni Mama, nagawa mo pa rin naman mambabae. Ba't ka pa nagpakasal kung gusto mo rin naman tumira ng iba." Ramdam ko na umiinit na ang ulo ni Diego kaya naghanap ako ng pupwedeng makapagdistract sa kanya.
"Tito, madami po kayong dala? Dalin niyo po muna sa chosen hotel niyo. Maghahanap lang po kami ni Dye ng makakainan nating tatlo. I'll text you the address po." Pagsingit ko sa usapan nila dahil anytime, pwede silang magkasakitan dito.
I held his hand and I started finding a good restaurant for us. "Thank you, Meg." I’m quite shocked. I already forgot na kasama ko siya rito. Kanina pa kasi siya tahimik.
"For what?" I asked while I’m still busy looking for a resto. "Sa pagsama sa’kin dito and for taking care of me." Napairap ako. "Ano ka ba? Wala naman akong ginawa. Pinigilan ko lang kayo magkasagutan masyado dahil baka mag-iskandalo kayo roon. Mahirap sumikat with a bad image, ha?"
"Still, thank you. Kung wala ka ay baka hindi rin ako sumipot dito. Bakit ko naman siya sasalubungin when I’m not even happy that he’s back?" Ito na naman tayo, eh. Hindi ko na naman alam ang isasagot ko sa mga ganitong usapan. Baka mali pa ang masabi ko at sumama lalo ang mood niya.
"Dye, what do you think? Do you think Tito will like the foods here? Hindi ba siya picky?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Huwag mo nang isipin kung magugustuhan niya ba o hindi. Pasalamat nga siya at mayroon pa siyang makakain." Nakakainis naman ‘to! Iniiba ko na nga ang usapan dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko, eh.
"I’ll text him the name of the resto. Umorder ka na ng gusto mo." Diego said and handed me his wallet.
—
It’s been almost a year since I’ve posted. Been busy and I lost my interest in continuing this.
- desti_nyyy
YOU ARE READING
Gone with the Wind
Teen FictionYou're both happy with each other but you realized something.