Chapter 2

4 1 0
                                    

"Megan! Halika rito sa baba, nandito si Diego."

Sakto, kakatapos ko lang mag-ayos.

"Ate, saan kayo pupunta ni Kuya?" Tanong ni Meadow, nag-iisa kong kapatid na babae.

"May gala lang kami saglit ni Diego at ni Rheign, sweetheart. Babalik ako agad."

Binuhat ko si Meadow pababa para hindi na siya mahirapan sumabay sa'kin sa pagbaba ng hagdanan.

"Ang tagal mong bata ka, ano bang ginawa mo ro'n?"

"Chill, Ma." Sabi ko at ibinaba sa sofa si Meadow.

"Oh, ikaw naman, Meadow, Sasama ka sa kanila?"

"Hindi po, Mama."

Napansin kong hindi kumikibo si Diego at nakatitig lang sa akin.

"Oh, ganda ko, 'no?"

"Ang ganda mo, Megan."

"Matagal na, ngayon mo lang nalaman?"

Pft.

"It's a prank! Panget mo kaya. Tara na, naghihintay na si Rheign." Ngumiti siya nang humarap kay Mama. "Bye, Tita!"

Ang plastic naman nito.

"Alis na 'ko, sweetheart." Hinalikan ko sa pisngi si Meadow tsaka sumunod kay Diego palabas.

"Maglalakad lang tayo?" Tanong ko kay Diego dahil ang ganda ng outfit ko tapos papagurin niya lang ako sa paglalakad.

"Gusto mo ba magpiggy back?" Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.

"Tf, eggsplorer. Malulukot damit ko."

"Edi sana naghubad ka na lang."

"Bastos mo!" Hinampas ko ang braso niya.

Medyo matagal pa kaming naglakad bago namin makita si Rheign na naghihintay, nakaupo sa bench.

Nakasuot siya ng black spaghetti strap dress, nasa binti niya naman nakapatong yung knit cardigan kung sakaling lalamigin siya. Tapos naka-black spaghetti strap stiletto high heels pa siya.

Daaamn! That's my bestfriend! Aesthetic naman no'n. Sanaol.

Habang ako, ito lang ang suot. Temperament little black dress at korean fashion boots.

Oha!

"Hi, mahal!" Bati ko sa kanya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sosyal, mahal! Pose ka nga, model kita eh."

Nagpose naman ako kahit walang camera.

"Ganda ng outfit, Rheign, ah? May date ka?" Tanong ni Diego.

"Meron, inggit ka?"

Tinignan ko si Rheign. "Sosyal ang Rheign namin! Huwag magpapaano ha."

"Magpapaano? Hoy! Hindi ako gano'n, 'no! Tsaka nanliligaw pa lang yun, bakit gano'n agad nasa utak mo."

"Ayan, ang bastos ng utak. Huwag ka masyado magpapakabusog kasi baka masuka ka!" Pinitik ko ang noo niya.

"Aray naman, mahal! Oo na, sorry na, pabitin ka kasi magsalita eh."

"So, tara na! Bibili pa tayo ng dress para sa birthday ni Diego, need natin rumampa roon."

Naglakad na kami papasok sa mall at naghanap ng boutique.

"I'll take this." Sabi ko at pinakita kay Rheign ang red off shoulder puff sleeve dress. Ang napili naman ni Rheign ay red velvet dress.

"Arte niyo naman, pwede ngang pambahay lang ang isuot niyo sa birthday ko eh." Reklamo ni Diego.

Gone with the WindWhere stories live. Discover now