7. One Last Song by A1 (requested by stupidlover15)

3.7K 91 7
                                    

 Love, please see me at La fleur, 7pm. I love you

It’s 6pm but I’m still here in my condo, slouch in my couch in an awkward position. Yung dalawang hita ko nakapatong sa  sandalan ng couch at yung likod ko naman nakapatong sa upuan at nakalawit ang ulo ko pababa habang nakaunat ang kamay ko pataas dahil hawak ko ang phone ko. Inuulit ulit kong basahin ang message nya sakin kaninang umaga. Ganito ko pag hindi ako makapagdisisyon, wala lang. pakiramdam ko kasi nakakatulong sa pag-iisip ko yung ganitong pwesto. What should I do?

I should talk to someone. But who?

I start to browse my contacts.

Besh Ella.. No. bubungangaan lang ako nun ng walang katapusan

Kuya Migs.. No. Maybe he’s busy with his gals partying till death.

Mom.. No. she’s in her side. Siguradong tatadtarin nya ako ng mga good traits nya.

Momsie(her mom).. No. I can’t. maiiyak ako pag kinausap ko si momsie.

Nanny Mila.. Yes! Tamang tama. Si nanny. Alam kong si nanny yung tamang tao na pwede kong kausapin about dito.

I dialled nanny’s number. Ilang ring din bago nya sinagot.

“Hello Din?”

“Nanny it’s Den po. D-E-N. hindi Din” Si nanny talaga kahit kelan. Never pa nya nabigkas ng tama yung pangalan ko ng hindi ko sya sinusuway.

“Ay nako kung anu pa man yan. Baket ka ga napatawag?” napangiti ako. I miss her. I miss nanny Mila. Her yaya.

“Hmmm Ny..” di ko alam kung pano ko sya sisimulan.

“Ay ga. Pag ganyan ang tuno nimo alam ku ng may prublema ka ga”

“Hmm ny nandyan po ba si Ly?”

“Ay naku Ga. Wala ditu. Ay nagagalet na nga si ser at mam. Elang araw na nga yang hinde umoowe. Kayu ba ga ay nag-away? Ay nako, pag yan lang sya umowe dito makurot ku talaga senget nya!” hindi ko naman maiwasang mapatawa sa sinabi ni Nanny. Naiimagine ko kasi na nakapamewang sya habang sinasabi nya yun. Pero agad ding napawi yung ngiti ko nung marealize ko yung sinabi ni Nanny. Hindi pa daw umuuwi si Ly sa bahay. Maybe it’s the same number of days of her not getting in touch with me at all.

No text.

No calls.

No Emails.

No DM’s.

No PM’s.

“Hello ga? Nandyan ka pa ga? Ako bay may kausap pa?” rinig kong sabi ni nanny sa kabilang linya.

“Opo Ny. Nandito pa po ako”

“Ay Ga. Kung kayo ni Ale(Aly) ay may problima, pag-osapan nimo. Wag nimong patagalin. Ang maliet na bagay pag pinatagal lumalake. Tingnan mo kame ni Tatang mo. Kahet kamey matanda na, ay dili man kami nagkakatampohan ng matagal. Ga pag-mamahal. Yong pag-mamahal nimo sa isat isa ang hayaan nimong mag-usap pag kayo’y nagkakatampohan. O sya, nako may gagawen pa ako sa kusena. Mag-iingat ka ga ha”

Hindi na ko nakasagot sa sinabi ni Nanny. Kung tutuusin wala pa nga akong sinasabi pero natumbok na nya. Nasabi na nya yung gusto kong marinig. Tama lang na si Nanny ang kinausap ko.

I look at the wall clock again. 30 minutes na pala ang matuling lumipas. I get up. Mabilis din akong nag-ayos ng sarili ko at bumaba na.

Sumakay ako ng sasakayan ko para pumunta sa paboritong theater house namin ni Ly. Dito kami nagkakilala. Yung tipo ni Ly? Hindi sya mukang fan ng classical musics. Natatandaan ko pa yung suot nya nung minsang nanuod kami ng cello solo concert dito ng pamilya ko. Nagkataon na katabi naming sila ng upuan. Yung suot nya nun? Nakawhite na v neck tee, tapos napapatungan ng gray blazer with hoodie, balck jogger pants and roshe run. At may nakasukbit na malaking headphone sa leeg nya. Agaw atensyon sya buong formal crowd. Mejo nainis nga ako sa kanya nun e. parang ang bastos lang kasi, this kind of events calls for a formal attire. But when I think a nine to eleven year old girl starts playing, kitang kita ko how she focus and enjoy with the heavenly music the girl is making. At nung natapos na yung pagtugtug nung bata? Sya yung pinakalamakas ang palakpak, actually OA yung pagpalakpak nya tapos simigaw pa sya. “Kapatid ko yan! Kapatis ko yan! Ang galing nya no?”. she’s crazy.. but she’s cute doing it.

Awit Mo, Kwento KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon