“Nakakainis na talaga sya besh. Ialng araw na syang walang time sakin. Magtetext lang ng morning greeting sa uamga, don’t skip meals pag sa tanghali at good night sa gabi. Ano ba kasing pinagkaka-abalahan nya. Bwisit sya!” di maitagao sa boses ni Dennise ang pagkainis na nararamdaman sa kanyang kasintahan
“Can you calm down besh? Kawawa naman yung mga gulay at karne sayo o!” nung tiningnan nya yung plato nya, tama si Ella. Halos malamog na ang kinakain nya. Yun ay dahil sa gigil na nararamdaman nya dahil sa hindi pa nga nya nakikita ang kasintahan sa loob ng halos apat na araw na ata?
“Eh kasi naman besh!” reklamo nito sa kaibigang si Ella na kasama din nya sa pinagtatrabahuhang ospital. Ito bilang isang resident psychologist at sya naman bilang isang pediatrician.
“Kung ayaw mo nyan besh pwede akin na lang?” tanung nito tapos tinuro pa yung pagkain gamit ang kobyertos
“Besh naman! Naiinis na nga ako dito tapos pagkain pa rin nasa isip mo? Magseryoso ka naman!” sabi ng dalagang daig pa ang bulkang handa ng sumabog. Padabog syang sumandal sa upuan na nakalikhan g kaunting ingay sapat lang para mapatingin sa kanila ang ibang kumakain sa cafeteria ng kanilang hospital na pinagtatrabahuhan.
“Okay okay. Seryoso na. ano ba kasing pinagpuputok ng butsi mo dyan ha?” sabi pa ni Ella na binaba na ang gamit na kobyertos at matamang tumingin sa kaibigan nya
“Tss di ka naman pala nakikinig kanina pa e!” nakatanggap si Ella ng irap sa kaibigang si Dennise
“Nakikinig po ako. At sa buong oras na palalagi natin sa pagkain ay wala akong narinig sayo kundi ang mga rants mo sa oh-so-hot-girlfriend mo!” natatawang sabi nito sa kaibigan
“Ella!”
“Oo na. titigil na. Grabe ka naman kasi besh. Baka naman kasi busy talaga yung gf mo” sa wakas mukang seryoso na rin si Ella sa usapan
“Sobra naman yung pagkabusy nya besh para hindi nya magawang magpakita sakin ng apat na raw plus ngayong araw so totally 5 days ko ng hindi nakikita yung panget nyang muka” natawa naman si Ella sa sinabi ng kaibigan. Kung hindi nya lang sana alam kung gano ka-head over heals itong kaibigan nya sa girlfriend nito maiinis na sya sa inaasal nito. Ang childish!
“Besh diba nga kakalapit lang sa kanya ng position bilang CEO ng company nila so baka busy talaga yun. Saka araw araw ka naman nyang tine-text diba?” pagpapaliwanag nito sa kaibigan
“Alam ko naman yun besh. But that happened a month ago. At hindi sya naging ganito kabusy nung nakaraang buwan nay un. Baka naman pinipendeho na ko ng panget na yun. Makikita nya lang. dudukutin ko talaga yung mata nya!” kinuha ni Ella ang kobyertos at kutsilyo na ginamit ni den kanina pang-hiwa ng pork steak dahil nang-gigil na naman ang kaibigan nya
“Ikaw besh! Pinanganak ka bang may kasamang pagdududa? Mahal ka nun. Kasal na nga lang ang kulang sa inyo e” balak sanang pagaanin ni Ella yung usapan nila pero mukang namali sya ng banat dahil lalong nalungkot ang itsura ni Dennise.
Oo nga pala, sensitive ang usapang ito kay Dennise.
Ella mentally slap herself.
“Pina-alala mo pa besh. Yan nga din yung pinagtataka ko besh e. Besh 28 na ko. That means 10 years na rin kaming couple ni Alyssa pero wala ata syang balak pakasalan ako. Masyado nya atang ine-enjoy yung status nyang most-sought-after-bachelorette” hay eto na naman po tayo sa napakaraming insecurities nya. Sabi ni Ella sa isip nya.
At tama po kayo. Dennise and Alyssa is together now for 10 years. Naging sila nung mag-18 na sila pareho. Yung kasi ang pangako nila sa parents nila. Saksi ako sa love story nila. They are childhood sweetheart. Bata pa lang kami parang sigurado na yung dalawa na sila ang para sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
Awit Mo, Kwento Ko
FanfictionThis one is some sort of short stories compilation na ang theme ng bawat story ay ang mga kantang tumatak sa puso't isip ko. Aish dahil sa hilig ko sa music pati kanta nagagawan ko ng story.