"Hi Aly!"
"Hi girls!"
This is the usual scene I have to experience everyday of our school life. From grade school up until now that we're college students. Alyssa greeted and mob by her fans, while me being shove to the side by her wild fans. Specially girls.
Alyssa is one hell of a famous student while me being her nerd best friend, which by the way people always say that I don't deserved to be.
"Huy labo! Kinaka-usap kita! Pambihira ka naman o! Kanina pa ko salita ng salita dito di ka naman nakikinig. Nasan ba utak mo?" Oo, ganyan sya sakin, harsh. But at the same time, malambing.
"hoy ka rin nog! Malay ko ba kung busy ka pa rin sa mga fans mo! Ano ba kasi yun" yan ang asaran namin, tinatawag nya akong labo dahil malabo na ang mata ko, at tinatawag ko naman syang nog dahil sunog/nognog sya. Hahaha
"Sabi ko po, may victory party yung team. Ikaw date ko ha!" nakayuko lang ako all the time. Di ko kasi matagalan yung tingin ng mga tao sa gawi ko sa twing naglalakad ako kasama si Alyssa. I feel so small.
"bakit ako? Bakit hindi na lang si Laura yung gawin mong date. Bagay kayo, captain ball and cheerleader" hindi ko na lang pinansin yung mga bulung bulungan ng mga taong nadadaanan namin sa hallway. Sanay na ako. Pag pinasin ko pa sila, lalo lang nila akong aasarin.
"Ayan na naman yung kapit tuko nyang best friend"
"Bakit ba pinagtatyagaan ni Alyssa yung nerd na yan?"
"Oh gosh, sinisira nya yung magandang view ko kay Aly!"
Ilan lang yan sa mga salitang araw araw kong nakukuha sa mga fans ni Alyssa. Dati nga sinubukan ko ng lumayo kay Ly kasi nasasaktan na talaga ako sa mga sinasabi ng mga fans nya. Pero ayaw naman nya, sabi nya mawala na daw lahat ng fans nya wag lang ako "bestfriend nya". Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi ayaw nyang mawala ako o malulungkot dahil bestfriend nya lang ako. Kasi ako hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya. I love her. Yeah you read it right. I love her. Not as my bestfriend, but as Alyssa Valdex that she is.
Di ko naman sinadya na mahulog sa kanya. Di ko ba alam, mula sa iritasyon nauwi sa paghanga at ngayon sa isang matinding emesyon. Pagmamahal.
Nagtatanung din ako sa sarili ko kung pano ko nagustuhan ang loko lokong to e. isa syang malaking pasaway!
Palagi nya akong inaasar, palagi nyang kinakain ang baon ko tapos ibibili nya ako ng pagkain ko. Palagi nya akong ginagamit panakip butas sa parents nya para pagtakpan yung mga kalokohan nyang ginagawa sa school kasama yung mga kaibigan nya.
Pero at the same time, palagi nya akong pinagtatanggol sa lahat ng mga nambubully sa akin. Naalala ko pa kung pano nya inannounce sa buong school during the flag ceremony na ako ang bestfriend nya at kung sino man ang gagalaw sakin at sya ang makakalaban. Araw araw sabay kami papasok at sabay kami uuwi. Minsan lang hindi kapag aabutin sya ng gabi sa training nila.
Palagi nya akong binibilan ng paborito kong chocolate.
Ang clingy nya rin sakin. Tulad ngayon, naka-akbay sya sakin habang nag-lalakad kasi sa hallway na kinakairita ng lahat. Sa twing tabi kaming naka-upo hindi pwedeng wala syang contact sakin. Kung hindi sya nakayakap sa bewang ko, naka-akbay sya sakin, o kaya naman hawak nya ang kamay ko. O di kaya nilalaro nya ang buhok ko.
"Psh! Laura? She's boring di sya bagay sa katulad kong awesome!" ayan na naman po sya sa pa-awesome awesome nya
"At ako pa talaga ang isasama mo? Ly naman, last time na sinama mo ako sa ganyang party kinabukasan may na-upload ng unflattering picture ko sa fb fan page mo na hanggang ngayon kinakahiya ko pa" that was a picture of me, drench with punch at the party of Alyssa's friend from Basketball team.
BINABASA MO ANG
Awit Mo, Kwento Ko
FanficThis one is some sort of short stories compilation na ang theme ng bawat story ay ang mga kantang tumatak sa puso't isip ko. Aish dahil sa hilig ko sa music pati kanta nagagawan ko ng story.