"Anong pakulo na naman to ha Alyssa Valdez?" tanong ng babaeng kakababa lamang sa hagdan mula sa ikalawang palapag ng kanilang masayang tahanan.
Nakasuot sya ng puting bistidang lagpas lamang sa kanyang tuhod na tinernuhan nya ng itim na sandals.
"Akong bahala sayo ngayong gabi Mrs.Valdez" nakangiting sinalubong naman ni Alyssa ang kanyang asawang si Dennise. Katulad ng kanyang asawa, nakasuot din sya ng puting polo na mahaba ang manggas at kulay kremang pantalon at brown na sapatos.
"You look ravishing as ever my love" sabi ni Alyssa pagkatapos ay hinalikan nya ang likod ng palad ni Dennise.
"Kahit 13 years na tayong kasal at meron na tayong apat na makukulit na anak?" Puno ng galak ang kanyang puso. Hindi nagbago kahit na kaunti ang kilig na nararamdaman nya para sa kanyang asawa. Kasal na sila sa loob ng labing tatlong taon at magkasintahan sila sa loob ng walong taon simula pa nung high school. Kaya kung susumahin ay dalawamput isa na nyang minamahal ang nilalang na ito sa kanyang harapan.
"Kahit na 13 years na tayong kasal at meron na tayong apat na makukulit pero magaganda at poging mga anak na nagmana sakin" nakatanggap ng pinong kurot sa tagliran si Alyssa sa kanyang sinabi. Tanging tawa lamang ang sinukli nya sa kanyang asawa.
"Ikaw talaga pinapa-iral mo na naman ang kayabangan mo. Kaya yung panganay mo manang mana sayo!" Inakay ni Alyssa si Dennise papunta sa kanilang sasakyan. Ang pajero na paborito nya dahil hindi lamang sa bigay ito ng kanyang Ama nung 18th birthday kundi dahil dito nila pinagsaluhan ng kanyang asawa ang kanilang unang halik nung magkasintahan pa lamang sila.
"Aba kung hindi nagmana sakin yun, baka nalusutan ako!" pinagbuksan nya ang kanyang asawa at ng makapasok ito ay marahan nyang sinara ang pinto at saka pumunta sa driver's seat.
"Haha ikaw talaga, ilang taon mo ng sinasabi sakin yan. By the way san mo pala dinala ang mga bata?" tanung ni Dennise sa asawa nya dahil kanina pa
"Don't worry about the kids. Sigurado akong nag-eenjoy ang mga yun kung nasan sila." napangiti si Alyssa sa pag-iisip kung ano na ang ginagawa ng mga anak nila na iniwan nya sa bahay ng kaibigang si Marge. Kinailangan pa nyang suhulan ang mga ito ng isang tambak na chocolate at candies pati na rin ng mga disney movies para sa mga girls nya, root beer plus chips at play to xbox up to 12 am for her boys.
"nako Valdez hindi ko gusto ang ngiti mong yan! Pag nalaman ko lang na binigyan mo naman ng maraming chocolate at candies ang mga girls mo at pinayagan mo na namang magpuyat at kumain ng mga junk food ang mga boys mo malilintikan ka talaga sakin!" lalong lumawak ang ngiti ni Alyssa. Kilalang kilala talaga sya ng kanyang asawa. Alam nito kung pano sya mag-isip, kung ano ang kailangan nya kahit hindi pa sya nagsasabi rito.
"Hey stop thinking about the kids. It's just you and me tonight my love" tinanggal nya ang kanayng kanang kamay sa gear at kinuha ang kamay ni Dennise para muling halikan ang likod ng palad nito.
"Love naman, hay nako. Pag naubos na talaga ang ipin ng bunso mo lagot ka sakin" hindi maiwasang mapailing ni Dennise. Sinesermunan nya si Alyssa, Oo, mahilig kasi nitong i-spoil ang mga anak nila. Sa totoo lang, sa apat nilang anak wala syang masabing mommy's boy/girl. Lahat kasi ng mga anak nila maka-Mama. Kuhang kuha ni Alyssa ang kiliti ng kanilang mga anak. At minsan nga parang sumasakit ang ulo ni Dennise dahil para syang may anak na katumbas ng apat na Alyssa Valdez. Ubod ng kulit ang mga ito, pero mabubuting bata rin naman.
"Opo. I know. C'mon we're here. Pero suotin mo muna to." inabot ni Alyssa ang kulay asul na balabal sa kanyang asawa. Dennise looked around, only to find theirself in the beach located at the outskirts of their humble town
Inakay ni Alyssa si Dennise papunta sa dalampasigan.
"Love, let's take our shoes off" yumuko si Alyssa para sya na mismo ang magtangal ng sandals ni Dennise. Nang mahubad nya ito ay tinanggal naman nya ang sarili nyang sapatos. Sa kanyang kaliwang kamay bitbit nya ang kanilang mga sapatos at sa kanan naman ay hawak nya ang kamay ng kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
Awit Mo, Kwento Ko
FanfictionThis one is some sort of short stories compilation na ang theme ng bawat story ay ang mga kantang tumatak sa puso't isip ko. Aish dahil sa hilig ko sa music pati kanta nagagawan ko ng story.