Chapter Four

46 1 0
                                    

Mere's POV

Andito ako ngayun sa isang Cafe malapit sa Condo. Just to chill out. Sobrang hassle kaya ng graduating. Jusko day!!!

Actually pauwi na ako. Galing akong mall. Nagshopping lang, just to chill out nga diba?! Iilang damit lang naman 'to. Namumulube na ako sa damit e. Atsaka sinusulit ko na din wifi dito. Hehe. Kahit alam kong may wifi sa bahay.

Yung feeling na sila may mga kasama tapos ikaw nagiisa? Ako na! Ako na, magisa! Ako na, walang kasama! Ako na!

Hanggang sa maisipan ko nalang lumabas. Nandito na ako mismo sa labas ng cafe.

Hanggang sa......... Kumulo dugo ko sa sobrang inis! Kakalbuhin ko sya. Walang hiya sya. Ang kapal ng mukha nya! Hayyyssstt.

"Hoy Zian!" Tinawag ko sya. Pagkatanggal nya ng helmet nya. "T*ngina mo! Walang hiya ka! Siraulo ka!" Pinaghahampas ko sya ng mga dala ko. Wala na akong pake kung bago pa 'to. Sinasabunutan ko sya! Habang sya naka shield at nakatagilid. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan. Wala akong pake!.

"Pano mo nagawa yun kay meg ha?! Halos dalawang taon kang hindi nag pakita samin! San ka nagpunta! Langya ka! Kakalbuhin kita!"

"Saglit lang Mere! Wait! -aw!- hoy! -aray!- tama na!" Medyo napagod na ako kaya nahawakan nya ako sa dalawang kamay kaya napatigil ako sa pagpalo sakanya.

"Makinig ka muna! Okay?" Tinarayan ko lang sya. "Pumasok na muna tayo sa loob. Doon ako magpapaliwanag." Sabay pasok sa loob ng cafe. Nagulat ako ng batiin sya ng isang crew na nagbabantay sa tabi ng entrance.

I poke him sa balikat. "Hoy Paul! Ba't ka binati ng crew? At tinawag ka pang Manager ah! Ikaw ba may ari neto?" Pabulong kong sinabi sakanya pero tama lang para marinig nya. Pero hindi ako pinansin. Aba! naman talaga. Ang kapal!

Umupo na kami sa isang table. Sa sulok sya at walang umuupo dito. Tapos kumaway sya sa waiter para mag order.

"The Usual." Sabi nya sa waiter. At tumingin sakin. "Sayo?" Tanong nya. "Isang frappé." At inantay kong makaalis ang waiter. Sabay sabat ng- "Hoy! Lalake, sagot mo 'to ah!" Pero ngumisi lang sya.

"I'll take that as a yes."

"So, Mister! Unang una, ba't ka nila tinawag na Manager?" Tinaas ko sya ng kilay.

"Ako may ari ng cafe na 'to." I knew it! Kaya pala may mga naglalaro ng chess dito. At Chess Cafe ang pangalan ng Cafe. Kaya pala.

"Ohhhh. Second, kelan ka pa nakabalik? Nagkita na ba kayo ni Meg? May iba ka na ba? Ba't ka uma---" hindi ko na tinapos kase pinutol nya ako sa pagsasalita.

"Pwede isa-isa lang? Mahina kalaban. Tira ka ng tira e!" Iritado nyang sabi.

"Okay, kelan ka pa nakabalik?" Kalmado kong sabi. Bago pa sya makapagsalita. Dumating na yung order namin at nag thank you sa waiter.

Tinaasan ko sya ng kilay, pahintulot na pwede nya ng sagutin.

"Last 2 months lang." Sabay sip sa Latté nya.

"At san ka na man nag punta, aber?"

"Dyan lang." Mabilis nyang sabi. Naka poker pa! Nabatukan ko tuloy. "Aray! Amazona ka talaga e noh!" Sigaw nya.

"Ayos kase sagot! Tinatanong ng maayos e." Sabi ko.

"Galing akong sementeryo." Huh? Sementeryo? Gagawin nya dun? Sino namatay?

"Sementeryo? Sinong namatay?" Taka kong tanong sakanya.

"Wala, dinalaw ko lang kase yung puso kong patay na patay kay Meg." Tss. Nabatukan ko ulit.

My Bestfriend StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon