-Mere-
"Ano ka ba? Hindi mo man lang sya nakilala? Edi ba Best Friends kayo since High school? Bat di mo man lang sya nakilala? Alam mo namang may past kami noon diba?" sabi ko. Hindi pa din nagsasalita si Kevin kahit huminto na ako. Kaya tinuloy ko nalang. "Sige, ganto nalang. Just act normal, ok?" sabi ko na medyo kalmado na.
"Act normal? E ikaw tong overreacting jan!" sabi ni Kevin na iritado. Tinarayan ko nalang yung sinabi nya.
Pumasok na ulit kami ng Restaurant, nauuna si Kevin pumasok tapos nagstay pa muna ako sa labas. Nung pumasok na ako di muna ako tumuloy papunta sa kanila, nag CR pa muna kase ako. Para lalong maging kalmado yung sarili ko. Nung nasa CR na ako, wala naman gaanong tao, ako lang at isang babae. Lumabas na yung babae.
And then I said to myself ' Mere be calm, si Peter lang yan oh! Buti kung si Dingdong yan o di kaya si Daniel Padilla. Dyan! Dyan ka kabahan. Hindi sa pipitchuging Peter na yan!'
Lumabas na ako ng CR at pumunta na ako sakanila with confidence and poise.
"Sorry kung natagalan ako ah?" sabi ko sakanila.
"OK lang yun, take your time." sabi ni Papa P.(Peter) sa akin. Tumungo lang naman si Papa K.(Kevin).
Pagkadating ko nakahain na yung pagkain. Kaya kumain nalang kami.
Sila Kevin at Peter naguusap sila ng parang walang kasama. Para tuloy akong multo.
"Peter?!" sabi nung babaeng blonde, parang half foreigner and half Filipino sya e.
"Kevin?!" sabi nung isang babae na may pagka dark brown yung buhok.
Maganda sila pareho Maputi, Maganda, Makinis ang balat, at Amoy galing ibang bansa.
"Mere?" sabi nila pareho sa pangalan ko. Nanlaki yung mata ko, tapos tinatanong ko pa sila kung ako yun.
"Grabe! Namiss ka namin ng sobra sobra. Sa susunod na alis namin sama kana ah! Tutal last year mo naman na diba?" sabi nung babaeng blonde.
"Oo nga Mere, para buo ulit tayong tres marias!" sabi naman nung dark brown na buhok. Sabay akbay sa balikat ko.
"Wait lang ha?" sabay tanggal ko ng kamay nya sa balikat ko. "Tres Marias? Sino ba kayo? Atsaka sa July 30 pa ang uwi nila, Ok? Wag nga kayong mag assume!" pataray kong sabi.
Sino ba sila sa tingin nila, para maging Megan at Cassey? Lakas mag assume ah! To the highest level. Akala mo kung sino! -,-"
Kami kasing Tres Marias nung High School ang pinaka sikat na trio :) sikat kami not just for making pranks or whatever, but sikat kami for being smart and intelligent ;) and have talent. Ako sa pagddrawing, Si Megan sa pag gigitara, Si Cassey sa pag compose ng kanta. (Perfect match kami diba.) Pagdating naman sa Academics. Ako sa Mapeh, Filipino. Si Cassey sa Hekasi, Computer, atsaka English. Si Megan naman, sa Math, Science, and Tama lang sa English.
"Oh my gosh, grabe! ganun na ba kami kaganda para hindi mo kami makilala?" tanong nung dark brown ang buhok.
"Ano ka ba Mere! Kami to Si Cassey at Megan." Sabi nung Blonde ang buhok.
Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. "I'm sorry?" sabi ko pa nga. Tinignan ko Si Peter at Kevin kung anong reaksyon nila, nagulat din sila. "Meg? Cassey?" tanong ko.