Mere's POV
"Baeeeeeee!" Sigaw ni Cassey ng makita namin si meljun.
Tumakbo agad si Cassey papunta Kay meljun para yakapin.
Napailing nalang kami ni Megan. Nawawala talaga poise neto pag anjan na si meljun.
Pinagtitinginan si Cassey at Meljun ng mga Tao. Hayst. Nakakahiya naman sila. Yung iba naman nakatingin sa amin. Marahil nagtataka kung kami ang kasama ng dalawang nyan.
Ningingitian lang namin sila. At inaalis din naman nila ang mga tingin nila.
Gusto naming sabihing 'Hindi po namin sila kilala.' Kaso ang sama naman nun. Kaya ngiti nalang.
Ng matapos na sila sa nakakahiyang scene nila. Lumapit na silang dalawa sa amin. Hindi nga namin dapat papansin. Pero pinagbantaan kami ni meljun, na Kung Hindi daw namin sila papansinin Hindi nya daw ibibigay ang mga pasalubong.
Wala na kaming nagawa kundi pansinin sila. Hindi ko kayang mawala ang pasalubong ko no! Sino ba namang aayaw sa pasalubong? Tanga nalang aayaw. Hahaha.
Pumunta na kaming sasakyan. Buti nalang nagkasya mga bagahe ni meljun sa sasakyan. Tatlong maleta ba naman at isang balik bayan box. Meron pa syang back pack at body bag.
Baka bumigay kotse ni Megan bigla. Kawawa naman. Pero mukha namang kaya e.
Tapos na naming ilagay ang mga bagahe ni meljun loob.
"Meljun!" Tawag ni Megan.
"Oh, baket?" Tanong naman ni meljun Kay Megan.
"Ikaw naman magdrive." Sabay hagis ng susi nito. Nasalo naman agad ni meljun.
"Ikaw na!" Sabay bato ulit ng susi nito pabalik kay Megan.
"Ikaw na!" Binato ulit Megan ang susi Kay meljun.
"Hoy! Grabe ka ha? Kakauwi ko pa nga lang e. May jet lag pa ko." Pagmamaktol nito. At binato pabalik Kay Megan ang susi.
"Tss." Sabay irap ni Megan.
Kaya sa huli si Megan pa din ang nagdrive pauwi. Tumigil kami sa isang fast food. Para daw hapunan na namin. Libre ni Meljun lahat ng oorderin namin. Tutal gutom na din daw sya.
Si Megan ang pumili ng mga kakainin namin. May tiwala naman kami sa taste nun.
Nag-antay nalang kami sa kotse. Nagkatamaran na din kasing bumaba.
Awkward. Isang salita na makakapag describe ng sitwasyon namin. Wala akong gusto kay meljun. Pero alam mo yun? Para kang kabet? Parang third wheel party ka sa relasyon? Hirap ng best friend. Sana pala sumama nalang ako kay Megan. Para Hindi ko naiisip si Bes at yung nililigawan nya. Naiinggit lang ako sakanila. Habang ako nakasilip sa labas sila naglalampungan sa likod ko. Diba ansaya?
Wait. Sinabi ko bang Bes at nililigawan nya? Ughh. I'm affected of it. Sino ba namang Hindi maapektuhan Kung sa mukha mo isampal na may nililigawan ng iba ang Best Friend mo slash crush mo? Diba ansaya?
That's why I decided to follow Megan inside.
Hindi ko kayang pakinggan ang mga pinagsasabi nila. Bitter na kung bitter. Brokenhearted ako ngayun.
Bumaba ako sa kotse ng nakakunot ang noo. Ng biglang...
"Anak ng teteng ng sampung kabayo naman oh!" May bumangga sakin. Lalong napakunot ang noo ko.
Tumayo ako habang nagpapagpag ng damit ko.
"Ikaw nanaman!"
"Ikaw nanaman!" Pareho naming sabi ng nakasigaw.