Venice POV:
Hi! Im Venice Dela Cruz. Just call me V cause I love it! 19 years of age at nag-aaral taking a course of Accountancy. By the way hindi ko akalain na ang lalakeng pinakaayaw ko eh magiging lalakeng pinakaayaw kung mawala sa buhay ko.
Step-brother ko siya. Bagong asawa ni Papa ang Mama ni Jhon Paul. Matagal na kaming iniwan ng ina ko, kaming dalawa ni Papa but I dont care. I hate Jhon Paul so much.! Lahat kahati ko siya. Sa ama, ina, talino, pagiging famous at sa pagkain.
Ayoko siya tawaging Kuya!!
NEVER BE!!
Bec. he is my greatest enemy!!Di ko alam kung bakit pareho kami ng gusto, ngunit pareho naming ayaw ang isat-isa.
Pero bakit ganun? Ng maghiwalay ang parents namin sa di malamang kadahilanan eh sobra akong nasaktan, ng malaman na hindi ko na siya makikita at makakasama dahil pupunta na sila sa U.S. upang doon na titira habang-buhay.
Dahil ba hindi ko inamin sa kanya at sa sarili ko na mahal ko siya?? O ,, Dahil ba napakamanhid niya upang di mararamdaman na mahal ko siya higit pa kung sino siya??
Sa paglipas ng tatlong linggo ay halos gumuho ang mundo ko ng malaman na ang taong mahal ko ay may iniindang sakit. Sakit na walang lunas. Sakit na kayang kumitil sa kanya anumang oras. Sakit na maaring mag-iwan sa akin na nag-iisa! CORONARY HEART DISEASE . Sakit sa puso. Sakit sa napakamanhid niyang damdamin. Bakit siya pa? Bakit sa lahat siya pa? Bakit ang taong mahal ko pa??
Pumasok na ako sa kwarto kung saan siya nakaconfine!!
Ako: "Paul, "
Bigkas ko ,, hindi ako halos makasalita habang nakikita siyang mahimbing na natutulog.
Ako: " Paul, bakit mo ko iiwan?? Bakit sa lahat ikaw pa ang maysakit na ganyan?? Napakamanhid mo. Mahal kita, Mahal na mahal kita!! Nagalit ako hindi dahil kahati kita sa lahat ngunit umaasa ako na may magiging tayo. Hindi yun mangyayari kung magkapatid tayo. Paul sana mararamdaman mo ang pagtibok at ang pagsigaw nito na nagsasabi na ikaw ang laman nitong puso ko."
Nagsasalita ako kahit alam kong di niya ako maririnig . Pero nakita ko ang pagtulo ng ilang butil na luha galing sa mata niya, at ang mahinang paghikbi niya , habang nakikinig sa akin. Umiiyak ba siya??
***
PAUL POV
Hindi ako hambog! Pero gwapo ako!
Gwapo na nais mong sumigaw, tumalon, tumili o gumawa ng mga kagaguhan ,, mapansin lang kita. I used to love one girl only. But I feel upset na sa pag-ikot ng mundo ay naging magkapatid kami. What a nice situation diba?? Magkahati kami sa ilang bagay, pero sa kanya lang ang puso ko. Hindi ako manhid para di mararamdaman na mahal niya rin ako. At lalong di ako tanga para saktan siya ng sobra. May sakit ako. Sakit sa puso! Tssss!! Akalain niyo ako talaga ang tinamaan ng sakit na to. Naramdaman ko na palala ng palala ang sakit ko kaya sinabihan ko si Mama na iwan lahat ng importanteng tao dito, dahil ayoko silang makitang nasasaktan ng dahil sa akin, lalo na siya. Pero sa kamalasan eh hindi na kinaya ng katawan ko at naconfine na talaga ako. Nalaman pa niya. Alam kong dadalaw siya dahil sabi ni Mama ,, dadalaw ang babaeng pinakamamahal ko sunod sa kanya. Kaya nag-acting akong natutulog.
Narinig kong umiiyak siya!!
Siya: "Paul,bakit mo ko iiwan?? Bakit sa lahat ikaw pa ang may sakit na ganyan?? Napakamanhid mo! Mahal kita, mahal na mahal kita. Nagalit ako hindi dahil kahati kita sa lahat ngunit umaasa ako na may magiging tayo. Hindi yun mangyayari kung magkapatid tayo. Paul sana maramdaman mo ang pagtibok at ang pagsigaw nito na nagsasabing ikaw lang ang laman ng puso ko."
Di ko mapigilang di umiyak.Di ko inaasahan na aaminin niya sa akin iyon. Siguro naman hindi masama na iparamdam ko rinna mahal ko rin siya!!
Ako: "Mas mahal kita!! Mahal na mahal rin kita!"
A/N: May book 2 ito pero isusunod ko lang dito oh may I say na iisa lang sila at ng book 2. Short story lang po ito. Sorry kung panget hindi ako magaling eh., but ty sa lahat ng silent readers diyan. love u all :) Have a nice day!!

BINABASA MO ANG
His Last Breathe
Teen FictionHindi masama ang magmahal kahit kaaway mo siya at kahati sa lahat ng bagay, pero kaya mo bang mahalin parin siya kapag nalaman mong bilang na ang panahon na makakasama siya dahil mamatay na siya??