30. The witch

11K 807 165
                                    

[Zairah]

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis nitong pagtibok. This bastard is really just playing with us!

"Ako dapat ang magsabi niyan! Tumigil ka na sa pakikipaghabulan sa amin at harapin mo kami! Tell me who you are!"

Imbis na sumagot ay ang nakaiirita niyang pagtawa ang narinig ko sa isipan ko. I'm starting to picture his face with his irritating smirk hidden in his cloak.

"Then I guess I'll give you a chance. Show me what you've got. . . show me what you've achieved for 5 years, Zairah— the princess of Bernice."

Natigilan ako sa narinig at mariin akong napagakat sa ibabang labi at napaismid. Hindi mo kailangang sabihin sa akin 'yan!

"sympýknosi," mabilis na sambit ko.

Nagsimulang mabuo ang hamog sa gubat. Dahil sa iba't ibang kulay ng mga puno na humahalo sa hamog ay parang naging halo-halong kulay ang paligid.

Kinuha ko ang chansang 'yon para umatake.

"aichmirés fléve," dagdag ko.

Spiky veins surrounded my enemy's wrists and ankles, preventing him from moving. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya. Delikadong umatake ako nang malayo dahil baka matamaan si Raina na buhat-buhat niya.

"Checkmate-"

"plígma." Rinig kong sambit niya sa isipan ko.

Isang marahang ihip lang ang ginawa niya nang nawala ang lahat ng hamog na nasa paligid namin."kréma," dagdag niya.

Parang cream na natunaw ang makakapal na ugat ng punong may patusok-tusok na nakapalibot sa kamay at paa niya. Napaismid ako at agad nahinto sa pagtakbo at paglapit sa kaniya.

"Do you really think you can stop me by just tying both of my arms and legs?" patuloy na pang-aasar niya sa akin.

"I'm a witch, Zairah. A witch that has magic."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi. Itinututok ko ang kamay ko sa lapag.

"I freaking know that you're a witch! If you aren't, you won't be here!" giit ko. "se apokaló lýkoi tis gis!" dagdag ko.

Lumabas ang isang tatsulok sa tinapakan ko at umilaw ito, nagsilabasan ang mga simbolo. Nagkaroon nang kaunting pag-uga ang lupa. Parang may nagsisitakbuhan sa ilalim nito.

"Bite," mahina ngunit mariin na sambit ko.

Saktong pagbigkas ko n'on ay ang paglitaw ng tatlong lobo sa ilalim ng lupa. Agad silang nagsisugod sa taong nasa harapan ko at sinisigurado kong hindi nila matatamaan si Raina.

Matalim ang tingin ko sa witch na kaharap at inaabangang makagat ngunit natigilan ako sa ginawa niya. This time, I really saw it—not just in my imagination!

That bastard freaking smirked!

"láspi," walang gana niyang sambit.

Bago pa tuluyang makalapit sa kaniya ang mga lobong ginawa kong gawa sa lupa ay tila naging putik sila at natunaw. Napasinghap ako at napaatras sa spell na binanggit niya.

He just countered three S class spells in just one spell!

For pete's sakeearth wolves are the hardest to make out of all of the elemental wolves!

"Kanina ka pa atake nang atake. Masyado na kitang pinagbigyan. . ."

Kusang bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. Naramdaman ko ang pagbigat ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Akmang ibubuka ko pa ang bibig ko nang mauna siyang magsalita.

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon