13. My strength

13.8K 823 75
                                    

[Raze]

Sumasabay ang paggalaw ng buhok ko sa hangin at wala akong tigil sa pagtakbo. Maigi kong inililibot ang tingin ko sa paligid.

Fuck. . . Raina, asan ka na?

Huminto ako sa pagtakbo at inikot ko ang tingin ko sa paligid ng gubat. Pare-pareho lamang ang nakikita ko at naririnig ko.

Ang mga ingay ng naghahampasang dahon, mga tunog ng iba't ibang hayop na nandito, at ang walang tigil na mabigat na paghinga ko.

"Bwisit. . ."

Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko upang suportahan ang pagod kong katawan.

Nasaan na kaya si Tana? Nakita na kaya niya si Raina at 'yong higante?

Tsk, why did Raina went here anyways?! I told her to stay close to me!

Napaismid na lamang ako. Hindi siya nakikinig!

Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid.

Mabilis akong natauhan at naging alerto.

Kusang gumagalaw ang mga puno kapag may taong dumadaan malapit sa kanila. Kung hindi ito umuusog ay ibig sabihin lang n'on ay hindi isang tao ang dumadaan.

Maigi kong tinignan ang nasa paligid ko at humanda ako sa pag-atake.

Napalunok ako nang malalim nang papalapit nang papalapit ang mga kaluskos. Parang bumagal ang oras at hindi kaagad ako naka-react nang makita ang nilalang na dahilan nito.

A fucking Bauros..

Isa silang klase ng mga baboy ramo—pero kasing laki sila ng elepante.

Walang pinagkaiba ang itsura nila sa totoong baboy ramo, pwera na lang na umaapoy ang mga ilong nila. . . literal na umaapoy.

Namilog ang mga mata ko at dahan-dahan akong umaatras. Hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya na matalim ang tingin sa akin na para bang nakakita ng hapunan.

"C-Chill. . . chill. . ."

Pilit ko itong pinapakalma. Umuusok ang butas ng ilong niya. Natigilan ako sa pag-atras nang makatapak ako ng kahoy at nakagawa ng tunog.

Nanlumo na lamang ako nang naglabas ng malakas na tunog ang Bauros at humanda na itong tumakbo.

"F-Fuck. . ."

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo sa gubat. Wala akong karapatan na patayin ang nilalang na ito o maski saktan.

If Xena sees me, she'll get mad at me for sure.

Napaismid ako sa sarili ko habang tumatakbo. Kailangan ko ng mahanap si Raina. Hindi pwedeng-

"Hindi ka pa rin nagbabago."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Inikot ko ang tingin ko habang tumatakbo upang hanapin kung saan nanggaling ang boses.

Ang boses na iyon. . . siya na naman.

"Isa pa ring hangal. . . mahina. . ."

Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

Shut up. . .

"Duwag ka pa rin. . ."

"Shut up!"

"Kaya wala kang napoprotektahan. . ."

"I said, shut the fuck up!"

"Kaya nawawala ang lahat ng mahalaga sa'yo-"

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon