1. Longing

32K 1.3K 213
                                    

[Raze]

Napaismid ako sa sarili ko nang mapagtanto kong mali ang sinusulat kong spell.

Padabog ko itong hinagis. Napahawak ako sa mukha ko.

Bwisit! Ano pa ba?! Ano pang kailangan ko?!

Kada pinipikit ko ang mga mata ko ay pumapasok sa isipan ko ang pangyayari no'ng gabing iyon.

The night when the moon turned blue.

The night when the Greatest Witch of all time disappeared.

The night I lost her.

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

Ni hindi man lang ako pinagbigyan ni Xena na sabihin ang gusto ko.

She really is a miss goody two-shoes.

Masyado niyang iniisip ang kapakanan ng iba.

Muli kong tinapunan ng tingin ang mga papel na nakakalat sa lapag. Malalim akong napabuntong-hininga.

Hindi gano'n kadali ang gusto kong gawin. Kulang pa 'ko sa kaalaman at kapangyarihan.

Akmang pupulutin ko na sana ang mga papel nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ko. Sunod-sunod na nagsipasok ang mga pamilyar na mukha.

"Opisina pa ba 'to?" natatawang sambit ni Lei habang pinagmamasdan ang opisina ko.

"Dapat maglinis ka rin minsan, Raze," kumento ni Tana.

"Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Raze ay ipalilipat kita ng opisina sa tabi ng tambakan ng appliances," dagdag ni Zairah.

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nila. "Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

Tinapunan ako ng tingin ni Zairah na para bang may mali akong sinabi.

"Anong balak mo, Raze? Dito ka na lang mag-ce-celebrate ng kaarawan mo?" walang ganang sambit niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Mabilis akong napatingin sa kalendaryo at hindi ko inaasahan na tama nga ang sinabi niya. Nawala sa isip ko na kaarawan ko na pala ngayon. Masyado akong naging busy sa pag-aasikaso ng mga spells.

"A-Ah. Maraming salamat sa pagpunta ninyo. Pero wala along handa ngayon at wala akong balak na mag-celebrate," seryosong sagot ko.

Napaawang ang mga bibig ng mga kasama ko."Are you freaking serious? We are all busy here. Pero nandito kami ngayon para puntahan ka. Now shut up and let us celebrate your birthday," sagot sa akin ni Zairah.

Hindi na 'ko nakasagot pa nang hatakin na 'ko nina Tana at Lei papalabas ng opisina ko.

Paglabas namin ay sumalubong sa akin ang mga batang estudyante ko. Kada isa sa kanila ay may hawak-hawak na pintas na santan.

"Happy birthday, teacher Raze!" masiglang sambit sa akin ng mga estudyante ko.

Naramdaman ko ang paglambot ng puso ko sa pagbati nila. For a moment, I forgot all of my problems.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at isa-isang kinuha ang mga santan na pinitas nila. Nang mahinto ako sa harap ng isa kong batang babaeng estudyante ay natigilan ako sa sinabi niya. Lumapit sa akin si Raina at bumulong.

"Happy birthday, teacher Raze. I know that you can fullfil your wish. You can bring Astria back," aniya.

I felt my heart skipped a beat. Para bang sumagi sa isip ko ang mukha ni Xena. Natauhan na lang ako nang iabot niya sa akin ang santan na pinitas niya.

"Raze, tara na," pagtawag sa akin ni Lei.

Napalingon ako kina Zairah at Tana na hinihintay ako.

"Let's go and celebrate your birthday."

≿☾✺☽≾

I've spent my day together with the three of them. Hindi ko maitatangging mabuti na nga rin siguro na magpahinga rin paminsan-minsan.

Pero kahit nagsaya kami ngayong araw ay walang minuto na hindi ko iniisip si Xena. Kung paano kung nandito siya at kasama namin. We should've been celebrating my birthday together. Roaming around the city while holding hands. Naramdaman ko na naman ang pagsikip ng dibdib ko. Bumigat ang paghinga ko.

I need. . . to bring her back.

Huminto ako sa paglalakad. "Guys, I really appreaciate your efforts and time. Maraming salamat sa pag-celebrate ng birthday ko. Pero marami pa akong gagawin. Kailangan ko ng mauna." Pagsira ko sa kasiyahan.

Sabay-sabay na napatingin sa akin sina Zairah sa sinabi ko. "W-Well then. Thank you. Good bye-"

Akmang maglalakad na 'ko paalis nang maramdaman ko ang paghawak sa braso ko. Kunot noo akong humarap kay Zairah na seryosong nakatingin sa akin.

"Raze, listen. Kailangan na nating pag-usapan 'to," walang ekspresyon niyang sambit.

Mas lalo akong naguluhan at tinapik ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. "Pag-usapan? Ang alin?"

Hindi kaagad nakasagot sa akin si Zairah at pare-pareho silang napaiwas ng tingin sa akin.

"Look, Raze. Napag-usapan na namin 'to," sagot sa akin ni Lei.

"Siguro oras na-"

"Oras na para ano?!" Tumaas ang boses ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. Nakitang kong nagpipigil na umiyak si Tana sa gilid habang hindi pa rin magawang makatingin sa akin ni Zairah.

"Raze. . . limang taon na ang lumipas. Lima! Siguro oras na para bumitaw ka," mariin na sambit ni Lei.

Naramdaman ko ang muling pagsikip ng dibdib ko. Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nanggaling ang mga salitang 'yon sa kaibigan ko mismo.

"What the fuck?! Naririnig mo ba 'yang sarili mo Leirus?!" iritadong sagot ko. Tinignan ko silang tatlo.

"Kung kayo ang nawala?! Sa tingin niyo ba may oras pa si Xena na kumain para lang ibalik kayo?!"

Lumalabas ang ugat ko sa leeg sa sobrang galit. Hindi ko lubos akalain na magagawa nilang pagdesisyunan iyon.

"Palibhasa kasi nagawa niyo na ang mga gusto niyo! Natupad niyo na ang mga pangarap niyo! Kaya kinalimutan niyo na rin si-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang pagtama ng palad ni Zairah sa pisngi ko.

"S-Stop it," kumento ni Tana. Tinapunan ko ng tingin ang babaeng nanlilisik ang mga mata sa akin.

"You freaking jerk! Sa tingin mo ba gano'n lang kadali sa 'ming gawin iyon?!" giit ni Zairah.

"We know that it's time to give up because we also tried, Raze! Sinubukan din naming ibalik siya sa loob ng limang taon!" Tinuro niya sa likuran niya si Lei at Tana.

"Lei has been gathering information from the council about some spells to bring a witch back!"

"Tana has been trying different spells to at least find where Xena is!"

"Hindi lang ikaw, Raze! Kami rin! Alam kong mahirap 'yang ginagawa mo dahil kahit ako rin! I've been looking for a way to make Cipher Spells!"

My eyes slowely widened and my eyebrows rose. Natigilan ako sa sinabi ni Zairah. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa harapan ko habang dinuduro-duro ako.

"Pero wala kaming napala Raze. . . it has already been five years. . ."

"But we still can't bring the greatest witch of all time back. . ."

"We can't bring Xena back, Raze. . ."


Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon