7. Haynes

16.8K 1K 165
                                    

[Lei]

Naapawang ang bibig ko nang makita ang ilang dosenang Haynes papunta sa bayan. Even though they look like Hyenas, they have different colors and patterns in their bodies.

Dulot nang pagkain nila ng kung ano-ano at ang pagsira nila ng mga bagay-bagay. Kadalasan silang ginagawang praktisan ng mga baguhang witch dahil mga peste ang tingin sa kanila.

Tho, they're already extinct in the present. Hindi ko pa rin inaasahan na makakita ako ng totoo na noong nababasa ko lang sa mga libro.

"Shit. . ."

Agad kong hinawakan ang kamay ng babaeng kasama ko.

"T-Takbo!" malakas kong sambit.

Nagsimula na kaming magsitakbuhan sa iba't ibang direksyon. Rinig na rinig namin ang mga nakaiiritang boses ng mga Hyenas na nagsimula ng makapasok sa bayan. Lahat ng nadadaanan nilang mga gamit ay walang pag-aalinlangan nilang pinagsisira.

"'Wag ka mag-alala Zairah-"

Nilingon ko ang babaeng hila-hila ko sa pagtakbo. Napaawang na lamang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Xena.

Hindi kaagad siya nakapag-react sa biglaang paghila ko sa kaniya. "E-Eh?"

Mabilis kong binitawan ang kamay niya at mariing napapikit nang matauhan ako. "S-Shi- P-Pasensya na."

Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang pagkairita.

Bwisit! Bakit ba laging nangyayari ito?!

"Lei, hindi ba?"

Napalingon ako sa babaeng nakasunod sa akin nang tinawag niya ako. Napabuntong-hininga ako bago kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Xena, is still Xena anyways.

"Tara na!" masiglang sambit ko sa kaniya.

≿☾✺☽≾

Nagpatuloy kaming tumakbo ni Xena hanggang sa may humarang sa aming isang Haynes. May subo-subo itong damit at mukhang asong ulol.

His color is blue and there are pink spots all over his body. My face scrunched while looking at him.

Ampanget ng combination ng kulay niya.

Humarap ito sa akin na nginunguya ang damit. Maliban sa kulay nila ay kamukhang-kamukha talaga nila ang mga hyena. Mukhang inaasar niya tuloy ako. Nakipagtitigan lang ito sa akin na kinanuot ng noo ko.

Just like me, he also crossed his eyebrows.

I crinkled my nose and so is the Haynes in front of me.

"Ginagaya ka niya, Lei," kumento ni Xena.

Lumabas ang dila ng Haynes na mas lalo kong kinairita.

"Hoy! Sasapakin kita!"

Naglabas ito ng nakaiiritang tunog na para bang tinatawanan ako. Nakaramdam ako ng pamumula. Aba, sinusubukan mo ko ha.

"louloúdi," bigkas ko.

Natigilan sa pagtawa ang Haynes nang lumabas ang bulaklak sa butas ng ilong niya.

Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa ko. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o maawa sa sarili ko.

Hanggang ngayon. . . hindi lang ako pumapatol sa bata, pati na rin sa hayop.

But still, ako ang nanalo sa aming dalawa.

Tawa lang ako nang tawa nang malipat ang tingin ko sa kasama ko. Naglaho ang ngiti ko sa labi nang matauhan ako habang nakatingin sa akin si Xena.

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon