Chapter 0

15.4K 671 232
                                    

[Gyno D. Aerosa]

"Puta! Wala kang silbi!"

Tumama sa mukha ko ang mainit at malaking palad ni ama. Malakas ang pagkakasampal niya sa akin dahilan ng pagmanhid ng buong kaliwang parte ng mukha ko.

"Ni barya wala kang nakuha! Napaka-"

Akmang hahampasin niya ulit ako nang may humarang sa pagitan naming dalawa.

"I-Ina..."

"T-Tama na, M-Marlo, tama na."

Nanggagalaiti si ama nang hawakan ng nanay ko ang braso niya para patigilin siya. Namilog ang mga mata ko nang hindi man lang ito nagdalawang isip at sinampal nia 'to dahilan ng pagsalampak ni ina sa sahig.

"Isa ka pang walang kwenta!"

"I-Ina!"

Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Unti-unting humigpit ang pagkakasara ng nanginginig kong kamao. Walang kaemo-emosyon at walang buhay ang mga mata ko nang muli akong humarap sa malaking lalaking nasa harapan namin.

"A-Anong tinitingin-tingin mo riyang bata ka?! Umayos ka! Pare-pareho kayong walang kwenta! Kapag bumalik ako rito mamaya at walang pagkain, malilintikan talaga kayo sa 'kin!" Padabog na isinara ng tatay ko ang pintuan nang lumabas siya.

Naiwan kaming dalawa ng nanay ko sa maliit, at maruming bahay namin.

"G-Gyno..." Pagtawag sa akin ng nanay ko. Naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa pisngi ko habang pilit niyang inaangat ang sarili niya sa pagkakabagsak. "Pagpsensyahan mo na ang ama mo ha, anak... nahihirapan lang din siya tulad natin."

Hindi ako nakakibo. Imbis na magpakita ng reaksyon, tinulungan ko na lang makatayo si ina.

Palagi na lang... palagi na lang 'yon ang sinasabi niya. Kahit anong pananakit ang ginagawa sa amin ni ama, wala siyang kayang ibang gawin dahil sa pagmamahal niya sa basurang 'yon.

"Ina, maghahanap lang po ako ng makakain natin para mamaya." Walang ekspresyong sambit ko.

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at dalian akong lumabas ng bahay. Sigurado akong iiyak lang ulit siya buong magdamag na lagi niyang ginagawa. Habang si ama naman ay nasa labas para magpakasaya o uminom.

 Ako lang ang laging naghahanap ng paraan para magkaroon kami ng makakain para sa pang-araw-araw. Swerte na magkaroon ng pagkain sa isang araw rito.

Dahil isa 'tong bayan na walang matinong mamamayan... ang bayan ng Kanyes.

Hindi dahil ginusto ko rin ang tungkulin na 'to, kung hindi dahil na rin na ako lang ang may mas malaking chansa na magawa 'to... dahil sa pamilya namin, ako lang naman...

Ako lang ang may kakayahan na gumamit ng mahika.

"Gyno!" Rinig kong pagtawag sa 'kin.

Napalingon ako sa direksyon kung saan ito nanggaling at sumalubong sa akin ang grupo ng mga batang hindi nalalayo ang edad sa akin. Ang iba pa ay mas bata...

"Ano, handa ka na?" Nakangising sambit sa akin ni Rosco, isa sa matalik kong kaibigan na kaya ring gumamit ng mahika. 

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Oo, lagi naman."

Ngiting tagumpay ang pinakita nila sa 'kin, hindi ko rin mapigilang hindi mahawa sa mga ngiti nila. Sa kanila ko lang nagagawang makangiti, sa harap ng mga batang katulad ko. Mga batang alam ang pinagdadaanan ng isa't isa... dahil pare-pareho kami.

"May darating na karwahe mamaya! Paniguradong dugong bughaw ang nakasakay roon. Kapag nagawa natin silang harangan, sigurado ng may pagkain tayo hanggang matapos ang linggo!"

Cipher Spells: Spells of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon