[MAGENTA]
The creepy Alcyone just smiled and said.
"Actually, dapat si Spade yung nandiyan e. Diba varsity siya ng swimming team? Kaso I didn't think it through at naglagay na lang ako ng "A" sa invitation mo. Buti na lang napaka-predictable mo." ngumiti siya.
Kinidnap din ba niya si Spade?! Ano ang ibig sabihin niya dun?
"Sige na. Bilisan mo na. Kayo na lang yung hinihintay."
"Bilisan mo dahil baka mahuli ka na." and then he just wore his infamous creepy smile. His words really felt ominous.
May iba pa ba siyang kinidnap bukod sa amin ni Alcyone? Si Spade?
Tsaka anong baka mahuli ako? Sino ba talaga siya? What does he want from us? Why is he pretending to be Alcyone? Why does he have a mask na muka ni Alcyone?
Put*ng*na. Napakadami kong tanong and alam kong walang makakasagot kahit isa dun.
Tinignan ko uli si Alcyone kung may malay pa siya. And nakita ko siyang nahinga dun sa maliit na space sa ibabaw ng box na walang tubig. I can see he's having a hard time breathing dahil nga kailangan niya pang tumingala dahil sa liit ng space kung saan siya pwedeng huminga at mayroon pang nakataling tela sa bibig niya.
Ngayon ko lang naalala na dalawang araw siyang absent. Sh*t. Was he like this for two days?
I tried so hard finding that freaking key pero wala pa rin.
"Nasaan na ba yung put*ng*nang susi na yan?!" I was losing patience. I was slowly finding it hard to calm down.
I looked at Alcyone once again to check up on him. Tumingala ako upang tignan siya.
And I just realized that I also need a freaking ladder.
Tang*na lang talaga.
Okay. Calm down Mage. You need to find a ladder and the key.
"You can't save him." I saw the creepy Alcyone prettily sitting on a chair. I was so pre-occupied na nalimutan ko na nandiyan siya.
I got really annoyed with his statement. It was like he was stating a fact. Stating the fact that I can't do anything to save Alcyone.
I NEED A FXXKING HAMMER. I NEED TO SAVE HIM.
Sinuyod ko ang buong kwarto kung nasaan kami upang maghanap ng martilyo.
Kapag nakahanap ako ng martilyo, talagang ipupukpok ko muna yun sa ulo nung isang Alcyone.
After "for-I-don't-know-how-long", I luckily found a hammer.
The moment I held onto the hammer. I felt the rage. The urge na ipukpok sa ulo nung isang Alcyone. Pakiramdam ko hindi ako titigil sa pagpukpok sa ulo niya hangga't hindi ako nakakakita ng dugo. I feel like I was going insane sa galit na nararamdaman ko.
Walang sabi-sabi ay tumakbo ako kung saan siya kanina nakaupo but...
He isn't there anymore.
Tumingin ako sa buong paligid and he's nowhere to be found.
I should've killed him. Edi sana makakatakas kami dito ni Alcyone ng walang problema.
Dahil wala na akong nagawa tungkol dun sa doppelganger ni Alcyone, dali-dali kong
pinuntahan ang tunay na Alcyone.Pinukpok ko ang salamin pero hindi agad siya nabasag ngunit nakakita ako ng maliit na crack dahil sa lakas ng pagpukpok ko. Habang pinukpok ko siya ng paulit-ulit, nakita ko ding nalaki ng nalaki ang crack. May pag-asa pang makatakas kami hangga't hindi kami maaabutan nung kidnapper.
And at last, nabasag ko yung salamin. Umagos ang tubig na laman nung box. Along with the water, nakita ko din si Alcyone na para bang umagos palabas sa nabasag na box.
"Al... Alcyone? Ali?" lumapit ako kay Alcyone. Wala siyang malay.
I once again started to panic. Hindi ko kayang buhatin ng mag-isa si Alcyone lalo na't hindi ko pa alam kung saan kami lalabas. Paano kami makakatakas?
Pero bago pa ko makalapit ng tuluyan sa kanya, someone inject a needle sa may leeg ko.
As soon as the needle pricked my neck, natumba ako sa sahig.
And it scared me. So much.
I was wide awake. But I couldn't move. I was paralyzed.
Mulat na mulat ang mata ko. Nakakahinga ako pero hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko. Wala akong maramdaman.
And just like that, some scary-looking man with a mask carried the unconscious Alcyone and the paralyzed Magenta.
I couldn't do anything.
• • •
Magenta's nickname is "Mage", pronounced as "Meyj", not "Ma-je"
YOU ARE READING
RENEGADE
Fiksi Penggemar[ U N D E R M A J O R R E V I S I O N ] [ H I A T U S] Tell me the truth. What did you really do?