Ynna
July 26
Hospital"What do you think about Palawan?" I asked Hyan while we are both looking at the laptop, finding a beautiful place for his upcoming birthday, his 29th birthday.
"I like it, okay naman. Palawan tayo?" Tanong niya at tumingila sa akin dahil siya ang nakaupo at ako ang nakatayo sa likod niya.
I smiled. "Palawan,"
He smiled too and pinched my cheeks. "Palawan it is,"
We booked our flight and made iteneraries. Uupo pa lang sana ako sa upuang katabi niya nang bumukas ang pinto.
"Nurse Ynna, pinapatawag na po kayo ni Dr. Hidalgo."
"Sige, salamat."
Hyan pouted at me and closed his laptop. Kinabig niya ako para makaupo sa hita niya bago ako niyakap.
"Ang bilis naman ng break mo." Malungkot niyang ani.
I chuckled and pinched his nose. "Mr. Balesteros, isang oras na po tayo rito. Hinahanap ka na rin sa firm kaya magtigil ka."
Natawa siya sa sinabi ko kaya hinigpitan niya ang yakap sa 'kin bago ako inalalayang tumayo. Kinuha niya ang blue print niyang dala-dala, isinilid ang laptop sa lalagyan nito, kinuha ang phone sabay tumingin sa 'kin.
"Let's go?" He asked and held my hands and we both left the empty office.
Ynna
August 2, 8:30 P.M.
Batanggas, Villa BalesterosHindi ko na alintana na wala akong sapatos nang lumabas ako ng bahay para hanapin si Hyan. Hindi ko rin pinansin ang mga tawag sa 'kin ni Kuya Romer dahil dere-deretso akong naghanap sa buong Villa. Wala na rin akong pakialam sa umuugong kong ulo na parang binibiyak.
"Hyan! Ano ba? This isn't a joke! Hahanapin tayo ni mommy, hindi nakakatuwa aabutin tayo ng traffic sa Manila!" I shouted.
Ilang beses din akong nagpapadyak dahil sa inis. Palagi niya kasi akong tinataguan or pinagti-tripan katulad nito. He's more bully in the relationship to the point na pati si Kuya Romer isasali pa niya.
Argh, that boy.
"Hyan! Hyan Marco!" Mas malakas kong sigaw.
I was about to turn into the other side when I saw daddy standing there, looking at me. Nagtaka ako kung bakit andito siya pero agad akong tumakbo para lumapit.
"Daddy! Did you see Hyan? Pinagti-tripan na naman niya ako." Paawa kong ani bago ko ulit nilibot ang mga mata ko sa paligid.
Nakakainis na lalaking 'yon.
Daddy's was just looking at me intently kaya nainis pa ako lalo.
"Daddy! Did you see Hyan? Aalis na po kami maya-maya, kung saan-saan na naman po nagpunta.."
"Anak..." He replied without breaking his stares at me.
"Bakit po pala kayo andito? May usapan po kayo ni tito Lucas?" I asked kahit na naiinis pa rin ako kay Hyan.
Umiling siya sa 'kin.
"Nothing,"
"Business?" I asked again but he shook his head again.
"Eh ano po? Gabi na po ata pagsunod niyo dito 'ddy. Uuwi na rin naman po kami ni Hya---"
"Sinusundo na kita, anak. Umalis na si Hyan." Parang umugong ulit ang ulo ko sa sinabi ni daddy.
YOU ARE READING
Again, I Lost
RandomWithout any choice, Ynna lost again in fighting the cruel world of reality.