Ynna
August 12
House (Morning)"Sorry for the emergency call, hindi na namin kinaya nangyari kagabi e." Rinig kong ani ni mommy.
I hugged my pillow tightly while looking at them. Naninibago man ulit dito sa kwarto ko sa bahay, wala na akong nagawa dahil dito ako dumeretso after ng nangyari. I needed my parents. I needed them after what happened...
"Pasensya na, Rico." Pagpapasensya rin ni daddy.
Rico looked at me and smiled.
"It's okay. Make her rest. I need to go." pagpaalam niya. Lumabas naman sina mommy ng kwarto ko at inihatid nila si Rico sa labas.
Hindi ko maiwasang maiyak nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi. I was wrecked. Pagkauwi ko galing sa subdivision, I lost. Nagwala ako. Nagsisigaw. Nagkalat ng gamit. Nagbasag.
I wasn't with myself yesterday. I was lost.
I was lost again.
Mom and dad was nothing to do with me yesterday that's why they called Rico. I don't know him yet but he injected something in me yesterday to make me shut up. It was familiar feeling for me but the moment that I felt nothing, kumalma ako. Parang gusto ko na lang iinject sa 'kin 'yon araw-araw para mawala yung sakit.
Because it still hurts... so much.
Iniisip ko pa lang lahat ng nangyari, hindi na kinakaya ng utak ko. Gusto kong sumabog. Gusto kong iwan lahat ng sakit but I can't. Everytime Hyan face shows up on my head, nawawala na naman ako. I feel like I'm not me. I feel like I didn't know my self anymore.
It's not my self.
I don't know...
I'm really lost.
Nang bumalik sina mommy, pinikit ko ang mata ko, pinapakiramdaman kung anong gagawin at sasabihin nila.
"Rest anak... we're here for you." Rinig kong ani ni mommy at hinaplos ang likod ko.I cried silently.
Nang marinig kong nagsara na ang pinto, nawala na naman ako.
And siguro gawa na rin ng ininject sa 'kin, nakatulog na lang ako sa pagod.
The next day, hindi ko alam kung paano ko nagawang bumangon. I woke up feeling okay but to be honest, I'm not.
Napagpasiyahan ko ring bumalik sa condo ko kaya nag-ayos ako ng sarili. I was about to go down when I heard my mom and dad talking at their room. Madadaanan kasi pababa ang kwarto nila at bukas ng unti ang pinto kaya maririnig ang pinag-uusapan nila.
"Rico wanted to put her in his care. He thinks na makakabuti 'yon kay Ynna.... She's been living her life like that for almost two months! Hindi naman pwedeng habang tumatagal ay ganyan na lang ang mangyayari sa anak natin Edgardo. Uulit at uulit lang ang lahat kung hindi tayo gagawa ng hakbang..."
I heard dad sighs. Narinig ko ring naglakad siya kaya agad akong nagtago sa kabilang kwarto. But still... rinig ko sila.
"Jinn, anak natin si Ynna at alam ko kung anong makakabuti sakanya. She doesn't need care like that! Hindi siya baliw. What she needs is to move on. Nakaya niya na ng isang beses, kaya niya ulit ngayon." Daddy said.
Naguguluhan ako.
Nagsimulang magpatakan ang luha ko.
"Hindi siya baliw..."
"Hindi siya baliw..."
"Hindi siya baliw..."
"Hindi siya baliw..."
YOU ARE READING
Again, I Lost
RandomWithout any choice, Ynna lost again in fighting the cruel world of reality.