Chapter 15: LOST MEMORIES

117 5 0
                                    


DALE's POV

Natapos ang Medical Mission kung saan ko nakilala ang isang lalaking estranghero sa isip ko pero sinasabi ng puso ko na sya ang nagpapatibok nito. Napagpasyahan nina Nanay at Tatay na sumama na rin sa amin sa Manila katulad ng kahilingan ni EJ.

"Ang mabuti pa po Doc, sa bahay na po muna kayo magpalipas ng gabi, kinabukasan na po tayo bumyahe paluwas ng Maynila" Si Tatay

"Oo nga naman hijo, delikado na rin kasi magmaneho ka pa ng helicopter sa himpapawid lalo na at pagod ka na rin sa maghapong panggagamot" Si Nanay

"Mabuti pa nga po, gusto ko rin pong makilala ang mundong minahal at nagmahal sa asawa ko sa loob ng dalawang taon" Si EJ habang nakahawak sa kamay ko at nakatitig sa mga mata ko

May hindi maipaliwanag na pakiramdam ang kanina pang kumakatok sa loob ng dibdib ko habang malapit sa lalaking ito. Siguro nga, Mahal na Mahal ko ito at kung gaano, ibig ko nang malaman at maibalik dahil ramdam ko sa mga yakap nya ang labis na pangungulila sa dalawang taon na nawala ako.

Saglit na bumitaw sa akin si EJ upang magbigay ng instructions sa Medical team na kasama nya sa mission. Habang naka intertwined ang aking mga kamay, inalalayan nya ako sa labas ipang tipunin ang team nya.

"Guys, binabati ko ang bawat isa sa inyo for a job well done again for today. At may isa pang reason to celebrate this meaningful and wonderful day." Buong saya nyang turan at itinaas nya sa ere ang mga kamay naming magka holding hands.

"Dale, Best?" Isang magandang doctora ang patakbong yumakap sakin habang Naluluha naman ang mga nakapaligid samin

"Best, nararamdaman kong buhay ka pa. Na hindi mo kami basta iiwan ng ganun lang. At hnd ako nagkamali" habang patuloy ang pag iyak at yakap sakin.

"Maisy, wala pa syang maalala sa ngaun. Nagkaroon sya ng amnesia dahil sa trauma sa aksidente."

"Huh? Ibig sabihin hindi nya tayo nakikilala? Oh my God, Best, I'm so sorry," Muli nya akong niyakap ng mahigpit

"Guys, I know na lahat tayo ay nabigla at sobrang masaya na bumalik ang pinakamamahal nating si Dale, but kagaya ng nakikita nating lahat, everything and everyone here are strangers for her sa ngayon. Pero ang mahalaga, buhay sya. Buhay ang Doctora Dale nating lahat. Gagawin ko ang lahat para makaalala sya ng mas mabilis. Sa ngayon, magpahinga muna tayong lahat. See you guys sa Beach Resort sa El Nido. Dun na kayo magpahinga, susunod nalang kami bukas. Let's celebrate." Masaya nyang turan

Nagyakapan sakin ang mga doctors na ayon sa pagpapakilala nila ay mga kaibigan namin ni EJ simula pa nung College.

"Maisy, pwede ka bang makausap?" Niyaya ni EJ ang nagpakilalang best friend ko na si Maisy palayo sa amin nina Tatay. Ilang saglit pa ay bumalik sila at nagpaalam si Maisy upang magpahinga na sa beach resort daw namin sa El Nido.

"Paano, mga anak, ang mainam pa ay umuwi na rin tayo ng makapagpahinga na kayong pareho. Ihahanda ko na rin ang mga gamit natin sa ating pagluwas sa Maynila" si Nanay

"Sige po, Nay." At muling Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni EJ

Sakay ng tricycle ni tatay, umuwi kami sa kubo.

"Nandito na tayo, hijo. Pagpasensyahan mo na ang mumunti naming kubo" si Tatay

"Naku po Tay, hindi ito mumunti para sa akin dahil ito ang nagsilbing palasyo na naging tahanan ng aking REYNA sa loob dalawang taon. " Habang hawak ang kamay ko. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa kawayang upuan sa maliit naming sala.

"Oh paano, Dale, anak, magpahinga na kayo nitong asawa mo. Pagkasyahin nyo na ang mga sarili nyo sa iyong silid.. ihahanda ko na rin ang mga gamit natin para bukas. " Si inay

              When GOD Made You (Completed) Where stories live. Discover now