Chapter 2- Dalamhati

261 12 1
                                    

DALE's POV

Dumating na ang araw na ipinagdasal ko sa Panginoon. Ang aking pagtatapos sa High School. Alas 4 pa lang ng umaga nagprepare na ako ng sarili. Dahil gusto ko bago pumunta sa venue, makadaan muna ako sa Church para magpasalamat sa Dios. Excited akong makita ang saya ni Papa Joey habang isinasabit ang medalya na bunga ng kanyang pagtataguyod sa akin simula ng mawala ng sabay sa aksidente ang mga magulang ko.
Matapos akong magbihis, masaya kong pinuntahan si Papa Joey sa kanyang kwarto subalit nakita kong tulogbpa sya kaya nagpasya akong pumunta muna sa church para magdasal. Siguro Naman pagbalik ko, bihis na si Papa Joey.
Pagbalik ko mula sa Church, nakita ko si Papa Joey na nakaupo sa kama nya at medyo malala ang ubo.

"Papa Joey, ano pong nararamdaman nyo? May sakit ka po ba? " Agad ko syang kinuhanan Ng maligamgam na tubig at iniabot ang gamot sa ubo.

"Wala naman ito apo, wag mo na akong alalahanin" muling umubo ng ilang beses at tila nanlalambot nang kumilos.

"Hindi ka po ok Pa, dadalhin ko na po kau sa Clinic. " Nag aalala ako kaya inalàlayan ko sya papunta sa Clinic.

"Apo, ayos lang ako. Sige na mauna ka na muna sa eskwelahan mo at baka ma late ka, ikaw pa naman ang Valedictorian."

"Pero pa, hindi pi kita iiwan ng ganyan ang kalagayan. Pwede namang hindi na ako umakayat sa stage. Sasamahan na lang po  kita sa clinic.

*Hindi na apo, mauna ka na, susunod agad ako kapag maging ok na ko. Uminom naman ako ng gamot.

"Pa,,, "mangiyak ngiyak na ako.

"Sige na apo, susunod na Lang ako dun kapag maging ok na pakiramdam ko." Mahinang pakiusap nya sakin.

May kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko at nabigla ako sa tumambad sakin. Ang mayabang na EJ. Anong ginagawa nito dito?

"Goodmorning, are you ready?" Nakangiting tanong nya.

"Ready for what?" Tanong ko sa kanya.

"My Mom told me to pick you up here and ihatid ka sa venue Ng Graduation mo" so are you ready. "nakangiti pa Rin.

Anong meron at bakit nagbago bigla ang pakikitungo sakin nito. Pero unfairness, gwapo talaga sya... Ano ba heart,,, chill ka Lang dyan, wag kang mahuhulog.

"So, ready? Baka ma late ka na. Anyway, how's your grandpa. Mom told me that he is sick.

"Pasok ka muna po, nasa kwarto sya. Medyo inuubo nga eh pero pinainom ko na naman sya ng gamot nya. Pasensya na medyo magulo pa ung bahay, mamaya la ako magliligpit after graduation.

"No problem, ok, pick ur things up and I'll just talk with your grandpa. He want to talk to me daw as per Dad. " Nakangiti pa rin at lumapit na Kay Lolo.

Matapos ang 15 minutes na pag aayos Ng sarili, lumabas na ako Ng kwarto at nadatnan na tila seryoso ang pag uusap ni Papa Joey at ni EJ. "Papa Joey, are you sure ok Lang po kau dito? Pwede naman pong....

"Napag usapan na natin to apo. Pinaghirapan mo ng apat na taon Yan kaya dapat lamang na personal mong tanggapin ang naging bunga ng itong pagsisikap. Oh paano, malelate ka na. Hijo, bahala ka na sa apo ko huh. Ingatan mo ito tulad Ng napag usapan natin." Medyo may iba na sa tono ni Papa Joey sa oras na Ito

"Opo Papa Joey, tulad po ng sinabi ko po, part na po kau ng family and I will take care of her. Sige po mauna na po kami. Naghihintay na sa venu Sina mom and ate. " Yumakap sya Kay Papa Joey.

"Ehem, ehem, ano to. Bakit may drama... Sige na po Papa Joey. Saglit na saglit Lang po ako after ng ceremony, uuwi agad ako. Pupunta daw po dito si Kuya Jim para samahan ka muna habang wala ako.

              When GOD Made You (Completed) Where stories live. Discover now