FABH 17

7.1K 317 51
                                    

HINAGIS ko pabalik sa basket ang polo ni Anton. Ang aking kaba ay hindi ko na mawari. Gusto kong magalit, maawa sa sarili pero ayokong maging mas kumplikado ang lahat.

Sumasakit ang ulo ko papuntang Unibersidad. Palabas palang ng kotse ay pinagtitinginan na ako. Mga atensyon na nakasanayan ko na noon pa ngunit alam kong iba na ngayon, dahil iyon kay Anton.

I gripped tight on my LV bag at aayusin na ang dapat ayusin ngayong araw. Sumasakit ang ulo ko sa aking mga iniisip. Napaka stressful ng buhay may asawa.

Akala ko nung una ayos na kapag mahal mo ang isang tao, mapapanatag na ang loob mo. Pero hindi, kapag mahal mo ang isang tao doon magsisimula ang mga pagsubok.

I was too preoccupied when someone hugged me. I was so shocked to see Alona!

"Alona!"

"Yiie! I miss you! Kamusta ang buhay may asawa?"

Oh gosh. This is so unexpected!

"Mabuti naman." sagot ko.

Siniko niya ako ng bahagya. "Ikaw ha. Namumula ka! Ay pala, nagtampo na samin si Ruchelle dahil hindi kami nakaabot sa birthday niya kahapon." she pouted.

"Magkasama kami. She's happy by the way."

Nasa hallway na kaming dalawa. Hindi ko nalang pinansin ang mga nakatingin at tinuon nalang ang pansin kay Alona.

"Nakita mo ba ang post niya?"biglang tanong niya.

"What post?" takang tanong ko.

"Just last night! A bracelet! Ikaw ha, binigyan mo pala siya ng ganon ka mahal!"

I lost words to say. Umiling nalang ako at tumawa. Hindi ko gusto ang aking nararamdaman para sa aking kaibigan. But then, may paniniwala ako sa buhay , trust no one. Isang suliranin rin ang iniisip ko.

Na..what if, magtaksil  sa akin si Anton?  Iyong masasaktan na naman ako sa pangalawang pagkakataon? What should I do?

Napapikit ako at hinilot ang aking ulo.

"Ayos ka lang?" Alona asked.

"Uhm, yes!" binalewala ko ang sakit ng ulo at tinapos na ang mga dapat gawin sa araw na iyon.

Hindi ko inabala pa si Anton sa kanyang trabaho. The lipstick on his polo kept on bugging my mind. Nasstress na ako ng sobra kakaisip. I am afraid to find out something.


Nakabalik na ako sa bahay. Nakatulog ako bandang hapon dahil sa pagod. I woke up 5 in the afternoon and I checked my cellphone walang kahit anong message si Anton.

Huminga ako ng malalim.

Kakalapag ko lang sa kama ng aking cellphone ng tumunog na naman ito.

Umirap ako at binalikan iyon. Si Indigo?

"Hey!" bati ko at dinala ang cellphone sa comfort room. I washed my face while talkin with Indigo.

"Kakarating ko lang Lisa. Uhm, Can we talk later?"

"Ofcourse! I miss the bond by the way. Halos wala akong ginagawa dito sa bahay."

She remained silent. "I am happy for you Lisa. I am happy that love changed you. Noon kasi halos natakot kami kumausap sayo dahil ang stoic mo but.. now.. I am bless to have you as a friend."

Napangiti ako ng mapait. Iyan din ang akala ko noon. I thought that it was the highlight of my life but I was wrong. Dahil nag uumpisa palang ang buhay ko ng matuklasan ko na mahal ko nga pala si Anton.



Indigo sent me the details of the restaurant. Pinadalhan ko rin ng text si Anton para malaman niya kahit alam kong busy siya.

Si Anton kasi pag sinabi niyang siya ang maghihirap para sa pamilya, pananagutan niya ang salitang iyon. Kaya wala akong alam tungkol sa mga nangyayari. He just want me to focus on my studies.



Four PM, nasa Restaurant na ako na tinutukoy ni Indigo. Hindi rin nga nagtagal ay dumating rin siya. She's still the same.


"Lisa!" she hugged me very tight.

"How's the vacation?" nakangiti kong tanong. Napakamot siya sa ulo ng makitang nakaorder na ako para sa amin.

"Ayos lang! Buti nga nakachamba yung tita ko kaya nakapag bakasyon sa abroad!"


Tumawa naman ako. Palagi akong naeexcite sa mga tinatawag nilang friendship , like, how is it going? How it feels having a good friend? I am always looking forward with it. Siguro dahil sa lumaki akong mag isa at ginagalang dahil sa yaman ng angkan namin kaya naging distant rin ang iba sakin.


Ganon siguro sa mga mata nila? Pag mayaman, nakakatakot? Pare pareho lang naman ang mga tao.

Maybe I was really so mean before pero nag iiba rin naman ang mga tao sa bawat nagdaan na panahon at isa na ako doon. I am not that childish anymore.



"Kamusta naman kayo ni Anton? Gosh, ibang iba ka na talaga ngayon. Look at yourself!"

My forehead knitted. "Anong iba? Ako parin naman ito." I chuckled.


Ngumisi siya sakin. "Hm! Kunwari kapa! You look..." pinasadahan niya pa ako ng tingin. "Ang ganda mo lalo! Hm.. Alam mo may nameet rin ako abroad huh. He's so hot! Damn! Nag make out kami sa car niya! Nakilala ko lang kasi sa club doon pero hanggang doon lang naman. I was so obssessed! Nagstalk ako at nalaman na bakla pala amputa!"


Humagalpak kaming dalawa sa tawa. "What? Really?"

Our topic went on and on. Panay rin tingin ko sa aking cellphone pero wala paring reply ni Anton. Damn!


Halos dalawang oras na kaming nag uusap ni Indigo at nagdagdag pa siya ng wine!


Now, namumula na siya. Nakainom rin ako ng konti at nabusog ako sa pagkain.

"Huwag kang magtaka kung bakit ako umorder ng wine huh? Pampalakas loob."

"Para naman saan?"


Natahimik siya at inayos ang sarili. She put down the wine glass and heaved a sigh. Naninimbang ang titig ko sa kanya.


Kinuha ko ulit ang aking cellphone. It's getting dark but why Anton did'nt reply?

"About Ruchelle."

Mula sa screen ng cellphone ay nabalik ang titig ko sa kanya.

"What about her?"

She becamed tense, I can sense it.

"Alam mo kasi hindi tayo naging magkaibigan kung hindi tayo naging classmate di'ba? And I knew Ruchelle even before."


"Direct to the point."  Kinagat ko ang labi at nag scroll sa facebook ko.




Rinig na rinig ko ang paghihirap ni Indigo sa pag hinga, tila nahihirapan siyang aminin ang isang bagay.

"Si Ruchelle ay ex fuckbuddy ni Anton. Noon na hindi pa kayo."


Napatigil ako sa pag sscroll sa aking cellphone. Naninimbang ang tingin sakin ni Indigo. I was so shocked to the point that.. I cannot feel my own breathing.


"P-Pardon?"

She nodded. "I am so sorry if... ngayon ko lang sinabi. K-Kasi nga di'ba? Akala namin noon na perfect kayo ni Ezekiel and then...boom! Arrange marriage kayo ni Anton. God!" napahilamos siya ng mukha.


"Kahit na nasa bakasyon ako nakokonsensya ako lalo na nakita ko noon ang pang aakit ni Ruchelle kay Anton kahit na kayo na."


Wala akong naramdaman. Like what I've said before. I trust no one.

"Patawarin mo ako Lisa." tinitigan niya ako ng punong puno ng emosyon.


Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin sa isang ahas na kaibigan.










Fixing A broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon