Chapter 6
OrasI'm nothing without him. I'm no one before until he came into my life. Nilimot ko yung mga nalaman ko. I will play it sport. Hindi ako magpaka gaga muna sa ngayon. Iniisip ko na baka ,nagsimula nga sa pustahan pero minahal niya ako.
We are fine. He fetch me everyday. Hatid sundo sa eskwelahan a typical kind of boyfriend.
And my parents? Eto' hanggang ngayon sa tuwing umuuwi ako nag aaway kami ni mama. Pinipilit yung desisyon na ayoko. I will make a decisions for my life. Hindi sila ang gagawa nun kundi ako.
"Clarissa! Listen! we are just thinking about you! Hindi kami habang buhay palagi sa tabi mo ng iyong ama! Kaya gusto namin na maayos ang buhay mo."
One night, we fought again. Just hell...naririndi na ako.
"Ma! porke nabuo ako dahil sa putang fix marriage na niyo ni papa ganon narin gagawin niyo sa buhay ko! Ayaw niyo kay Zeke dahil pilyo at sutil na anak? Hindi niyo ba alam na mas trippleng gago yang si Antonio!"
"Clarissa!'' Saway ni papa tila naiinis na sa akin.
Pulang pula na si mama tila gusto na naman akong sampalin.
"You have no say to this mama..." huling linya ko bago sila iniwan doon na may pighati.
I'm so tired to argue with them. Pa balik balik nalang. Kahit naman ilang beses nilang ipagpilitan ayoko parin.
Lumabas ako ng bahay at tinawagan ang kahuli hulihang taong masasandalan ko.
Agad naman itong dumating.
Nanibago ako dahil amoy alak ito at sigarilyo. Pero nakangiti ito sa akin at niyakap ako.
"Nag away na naman kayo?" Malamyos na tanong niya at hinaplos ang aking buhok.
Tanging tango lamang ang aking nasagot.
"Hindi ka dapat malungkot ngayon. Tomorrow night is your event."
Oo nga, bukas ng gabi na pala ang aming program.
We ended up that night cuddling inside his car.
Maaga palang nasa eskwelahan na ako. Mabuti nalang si Alona ang umasikaso ng designs nang aming stage. Ang iba ay kanya kanyang diskarte kaya ganon rin gagawin namin.
Pinaganda nila ang stage at naglagay ng mga upuan sa harap. Hindi puwedeng gamitin ang gym dahil dapat pinaghirapan namin.
May nakikita akong picture booth. Kapag magpapapicture ay magbabayad. Meron ring pagkain na masasarap una may free taste pero ang susunod bibili na. Marami pa akong nakitang mga branded na damit at binagsak presyo para mabenta.
"Wow, magaling!" I exclaimed. Ngumiti naman ang limang ka grupo ko.
"Maganda?" Si Alona na tinapos ang desinyo ng stage.
"Yes.."
"Sa backstage may dressing room tayo diyan para mamaya."
"Ako na bahala sa damit natin. Marami akong binili kahapon at alam kong kasya lahat iyon sa atin.." Si Ruchelle.
Napapangiti na lang ako dahil alam kong malaking tulong ito kapag maraming kikitain.
Gusto kong tumulong sa mga walang wala gamit ang aming pinaghirapan.
Ginugol ko lahat ng oras sa pag aayos pa ng booth at may mga binago ako.
Nang hapon ng alas tres unang nagsiuwian ang mga kagrupo ko. Sadyang nagpahuli ako upang picturan yung gawa namin at dahil sa sari saring puri ng mga guro sa amin.
BINABASA MO ANG
Fixing A broken Heart
Ficción GeneralEzekiel Montenegro was my first love. I gave him my all. I gave my best and my dirtiest. Pero hindi pa ako sapat. Akala ko pang habang buhay na but he likes to play dirty. He broke me into pieces. Habang isa isang pinupulot ang pusong napiraso ay na...