"JARIS! NAKALIMUTAN MO YUNG PUTI MONG PAYONG!"
Habol-habol ko ang paghinga ko nang makarating ako sa kanya. Bumibigat ang bawat paghinga ko dahil sa pagod.
"Naiwan mo," lumiit ang boses ko.
Agad niya naman itong kinuha sa'kin. Tinitigan niya ang payong, tutok ang atensyon dito, malalim ang iniisip. He won't say harsh word naman siguro diba? Kasi i helped him. I was the one who saw his white umbrella on the trash can.
Bakit nga ba nandon ang payong niya? Sinadya niya bang itapos 'yon o may nagtapon lang.
"Umuwi ka na." Aniya.
Nag-angat ang kaliwa kong kilay. Bakit niya ba ako pinapauwi? I want a walk with him. Mukhang pauwi na rin naman siya dahil nilalakad niya ang hall way palabas ng campus.
"Sasabay na lang ako!" Masigla kong wika at saka hinigpitan ang hawak sa straps ng bag ko.
I want a closure with him. Jaris is my long time crush. Kahit tinanggihan niya ako noong grade 8 ako, noong Christmas. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asang sumuko sa kanya. Lalo na ngayong nandito siya sa Tarlac upang mag-aral. I guess this is my time.
I'm truly, madly, deeply like Jaris. God knows!
"H'wag ka nang sumabay..." Pilit niya pang tanggi sa'kin.
"Hindi na! Sasabay na ako.... Tutal we're neighbors naman di---" kumunot ang noo ko at tinigil ang sasabihin sana nang makita ko ang kapatid kong si Akhi na mag-isang pinagtutulungan ng kababaihan sa labas ng gate.
"Ang yabang mo Akhi! Ampon ka lang naman ni Mayor."
Iniwan ko pansamantala si Jaris. Nagtiim bagang ako at sinugod ang babaeng nagsabi non. Mas lalo pang umusbong ang galit sa loob ko nang makita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ng kapatid kong si Akhi.
"Alis!" Sigaw ko
"Rocilla! Tara na!" Sigaw ng kasamahan niya. Pero nanatili si Rocilla.
Ang tatlo ay parang batang nagsitakbuhan paalis, nanginginig pa.
"Pero a-ano.... Hobe, t-totoo naman diba? Ampon si Akhi,"
"Putangina alam ko! Alam na alam! Alangan namang hindi 'di ba?" Pagalit kong sigaw. "At wala ka ng pakealam kung ampon siya. Sinong gusto mong kapatidin ko? Ikaw?" Tinuro ko si Rocilla at pagak na tumawa. "Lalasunin ko na lang lahat ng baboy sa Gerona, Rocilla." Saka ako umiling-iling.
"T-tara na ate." Tawag ni Akhi.
May bahid pa ng kaba. I thought this Rocilla is one of her friend. Ang ayaw sa lahat ng kapatid ko ay ang nadadamay ako sa gulo na dahil sa kanya, dahil sa pagiging ampon niya sa pamilyang Guerrero. Damn it! She wasn't adopted anymore! Pamilya na namin siya, she's a Guerrero. Period.
"Mag sorry ka sa kapatid ko," pinilit kong huminahon.
"But H-hobe, hind---"
"H'wag mo kong bat-bat'in, Rocilla! At baka banatan kita ng baseball bat." Mariin kong turan.
Ayaw kong maubos ang pasensya ko.
"No! No, I won't apologize to that bitch!" Pagmamatigas niya.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Rocilla at pagyuko ng ulo. Masyadong matigas ang ulo ng babae na 'to, kailangan atang palambutin. Gusto ko man siyang hambalusin ng baseball bat ay pinigilan ko ang sarili ko sapagkat ayaw kong makasaksi ang kapatid ko ng sitwasyon ng pagiging brutal ko.
BINABASA MO ANG
His White Umbrella
Teen FictionOf all, What Jaris dislikes the most are women chasing men. He sees it as a lack of self respect and desperation. Not until his mother instructed him to personally deliver a letter to a Guerrero's daughter. He tried to strengthen the walls he built...