CHAPTER 6

765 27 23
                                    


Chapter 6

Laubre's POV

Mahigit thirty minutes na akong naghihintay dito sa labas kung saan nasa loob si aki.

Nanginginig ang mga kamay ko, di na rin ako makapag isip ng mabuti. Di ko alam ang gagawin ko, tanging si aki lang ang nasa isip ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ang doktor na kanina pa nasa loob kung saan nandoon si aki. Agad akong tumayo at sinalubong ko yong doktor.

"D-doc..." Nanghihina ako. Tumingin naman sakin ng deritso yong doktor.

"Medyo maayos na ang lagay ng pasyente, kailangan nya nalang magpahinga" kalmadong ani ng doktor.

Para akong nabunutan ng tinik. Himinga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at saka naupo. Nakapikit sya na animong natutulog.

Hinawakan ko ang kamay at pinagmasdan ko ang mukha nyang gwapo pa rin kahit na medyo namumutla ito, napangiti ako.

Salamat naman at okay kana. Ilang

Ilang minuto ko pang tinitigan ang mukha nya hanggang sa makaramdam ako ng antok, kaya naman nagtungo ako doon sa maliit na sofa at saka naupo. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at sabay pumikit.

Sobrang pagod na ng mata ko at sa tingin ko ay parang sobrang dami nang luhang nawala dito kaya ganon.

Hanggang sa nakaidlip ako!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng mga yapak kasabay nito ang pagdilat ko sa aking mga mata.

Agad akong napa balikwas ng makita kong tanging ang nurse nalang ang nandito. Inililigpit nya ang mga ginamit at kamang hinihigaan kanina ni aki, agad naman akong tumayo.

"Nurse? Nasaan na po ang pasyente dito?" Tanong ko sa kanya.

Nagulat naman sya sa biglaang pagtanong ko sa kanya akala niya siguro natutulog pa ako.

"Ay miss kanina pa po nag discharge ang pasyente dito kanina... Ang sabi nya po sa akin ay wag na lang daw po kita gisingin at saka po sya umalis"

Tinaasan ko sya ng kilay magtatanong pa sana ako kaya lang napagtanto ko na umalis nalang. I dinial ko ang number ni Riz at maya maya lang ay sinagot na nya ito.

"Hello" ako

"Oh? Papunta na kami ni Sid dyan, hintayin mo na kami---"

"W-wala na si Aki dito at hindi ko alam kung saan sya nagpunta dahil pag gising ko wala na sya." tuloy tuloy na sabi ko kay Riz.

"Ano?.. pero hindi pa mabuti ang kalagayan nya!.. hintayin mo na kami dyan at sasamahan ka namin maghanap kay Aki" aniya

"S-sige sige Riz paki bilisan n-nalang." Naiiyak na sagot ko saka ko binaba ang linya.

Aki's POV

Naandito ako ngayon sa isang coffe shop sa harap ng hospital na pinagdalhan sa akin kanina, natatanaw ko ngayon si Laubre sa labas ng hospital at tila'y hindi mapakali habang hawak nya ang cellphone nyang naka lagay sa tenga na tila'y may kausap sa telepono.

After niyang binaba ang linya ay nakita kong tumulo ang luha nya at saka nagpalingon lingon sa magkabilang gilid.

Nasasaktan ako na nakikita kang nasasaktan, at alam kong ako ang dahilan .

~Flashback~

"Meroon ka bang sakit?" Tanong sakin ng doctor.

Tumango naman ako."Meron po akong heart problem dok" kapos sa hiningang sagot ko dahil nanghihina pa rin ako.

"Nako, kailangan mo nang magpatingin sa mga mahuhuyas na doktor... Hindi maganda na pinapatagal mo ang sakit na ito." Nagaalalang ani ng doktor. "Bakit hindi ka pumunta ng america?.. mahuhusay ang mga doktor doon at sigurado akong magiging successful ang operasyon kung doon ka mag papa surgery" suhestyon nya.

"Hindi na normal ang tibok ng puso mo, masyado na itong mabagal" aniya pagkatapos nya akong suriin.

Hindi yon ang inaalala ko. Gusto ko pa sya makasama ng matagal gusto ko pa iparamdam sa kanya yong hindi ko naparamdam sa kanya nung nawala ako.

"Doc, can i have one favor?" Tinignan nya naman ako saka sya tumango. "Pwede po bang pakisabi sa babaeng nasa labas na okay lang ako?" Nagtaka naman ang reaksyon nya. "Magaalala kasi yon ng husto kung malalaman nya ang totoo."pakiusap ko

"Okay-okay, then you need some rest. Kailangan mo iyon para hindi kana mahilo o kapusin ng hininga, sige na ako na ang bahala sa girlfriend mo" aniya at nginitian nya ako.

I smiled.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto, pumikit ako at nagpanggap na tulog. Naramdaman ko ang tensyon nya na papalapit sa kamang hinihigaan ko kaya pinakalma ko ang sarili ko.

Maya maya pa ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at maya maya lang ay sobrang higpit na ng pagkakahawak nya at ramdam kong naginginig ang kamay nya.

I'm sorry but i need to do this. Not just for me but, for us.

~~~~End of Flashback~~~~

Pasensya na hehehe. Natagalan sobra but now di na me busy every day na ako mag uupdate.

One day=one chapter.

Again, SORRY! T_T

You can add me on fb. : Eli Gonzalo

Kung may katanungan kayo PM nyo lang ako.

Thankyouu! Godbless

THE WISHFUL THINKER (Book 2)Where stories live. Discover now