CHAPTER 5

4.2K 114 115
                                    

Laubre's POV

Papunta ako ngayon sa Hospital kung saan dinala si Aki...

"Ahmm.. miss?i'm looking for A-a-aki, i m-mean Iñaki-" utal utal na tanong ko sa nurse na nakasalubong ko.

"Yes ma'am? Ayon po ang bago naming pasyente.." turo nya doon sa lalaki.

Agad namang kumaripas ang takbo ko papunta doon sa lalaki.
Habang papalapit ako ng papalapit, pakiramdam ko bumibigat ang bawat hakbang ko, at di ko na namalayang nasa harap nya na pala ako..

"Kararating nya lang kahapon dito..." ani ni Sid. "Gusto ka lang daw nya makita, pero ang sinabi ko sa kanya na ngayon kami pupunta sa inyo, tapos paggising ko kaninang umaga pinuntahan ko sya sa kwarto nya kaya lang hindi sya sumasagot kaya binuksan ko na lang ang pinto at gigisingin ko na sana sya kaso pagtingin ko sa kanya, a-ang putla nya pero naglakas loob pa rin akong tanungin sya pero ang sagot nya lang sakin ay di daw sya makahinga kaya dinala ko na agad sya dito" mahabang paliwanag nya

Hindi bat dapat magaling na sya? Kasi galing sya sa america upang magpagamot? Bakit... bakit? Ano bang nangyari sa kanya sa loob ng ilang buwan doon?

"L-laubree?" Mahinang tawag sakin ni Aki.

"A-a-aki?,S-sid gising na sya, aki? Wag ka munang magsasalita" ani ko.

"Okay dito ka lang muna Laubre, tatawag ako ng doctor" ani ni Aki

"S-sige" sagot ko.

Sinundan ko pa nang tingin si Sid na lumabas ng pinto, at pag kalabas na pagkalabas nya ay...

"L-laubre, m-may sulat akong....binigay kay Sid, p-para ibigay s-sayo-"

"Stop. Diba sabi ko wag kana munang magsasalita?" Putol ko sa sinasabi nya.

Kumuha ako ng upuan na malapit sa pinto at inilagay ko ito sa harap ni Aki.

"Akala ko.. akala ko di kana darating, ilang buwan akong nangulila sayo. Tapos... tapos magpapakita ka sakin ng ganito pa?" Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.
Mas lalo pa akong naiyak nung may nakita akong pumatak na luha galing sa mata nya.

"A-alam kong may gusto kang sabihin sakin Aki, Pero wede bang magpalakas ka para masabi mo yan sakin? Gusto ko sa susunod nating pagkikita ay malakas kana, gusto ko-"

Nabigla ako nang bigla nyang higpitan ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"I love you Laubre" sabi nya at pumikit na

Kasabay non ang pagbukas ng pinto.

"Ahm. Sa labas nalang po kayo maghintay" ani ng doktor

Tumango nalang ako bilang sagot.

Agad naman akong lumapit sa pinto at bago lumabas ay sinulyapan ko muna si Aki.

"L-laubre. Uuwi m-muna ako, may kailangan akong kunin, babalik nalang ako mamaya at isasabay ko na si Riz." Ani ni Sid

"Sige na... ako na ang bahala dito" nakangiting sabi ko sa kanya.

THE WISHFUL THINKER (Book 2)Where stories live. Discover now